Mart's POV
Ako nga pala si Mart, shy type ako. I am also simple yet elegant. Ayy.. Anu un diyamante? Palangiti din ako, sa totoo lang doon ako nakilala. Tawag nga nila sa akin minsan ay walang mata. Tahimik lang ako at mahilig mapagisa pero may mga kaibigan din naman ako. I'm not a loner naman, sabi ng iba sabaw daw ako pero sabi naman ng iba napakaseryoso kong tao. Siguro depende na rin yun sa uri ng taong ihaharap niyo sa akin. Ganito lang iyon eh, kung nakikipagbiruan ako sa iyo ibig sabihin lang niyon ay magaan ang loob ko sa iyo. Ang haba naman ng getting to know ko siguro habang binabasa niyo ito mas makikilala niyo kung sino ako.
"Mart! Basketball tayo, para makabawi ka rin naman! Lagi ka na lang talo eh and take note tambakan pa lagi! Nakakailang lusot ka tuloy lagi sa akin, baka mangamoy ano ka na! Hahaha!" Sabi ng isa pang di napapangalanang karakter.
Aba loko itong si Oyo, siya nga pala si Oyo. Co-leader ko, madalas kaming nagtatalo niyan pero nagbabati rin naman kami sa huli. Pag nakikita ko yan ayun asaran lang kami ng asaran katulad ng sinabi niya kanina. Mapangasar lang talaga siya, aba'y bawiaan ko nga! >_<
"Naku! Away na naman yan! Hahaha! Magkaalaman na! Ano pa hinhintay niyo doon na tayo sa court!" Sabi ulit ng isa pang hindi napapangalanang karakter.
Iyong humirit naman ay si Kuya Letus, matanda na iyon at may katabaan actually mataba talaga siya. Malakas din kumain iyan, naku pag may handaan ang grupo namin, siya ang tagasimot namin. Makakatipid ka, dahil hindi mo na kailangan maghugas ng pingan. Dila pa lang niya tangal ang sebo. XD
"Wala ka talagang kadala-dala Oyo eh noh! SIge! Sige! Hindi ko na lang masyado seseryosohin para hindi naman ganun kalaki tambak namin sa inyo at saka nagaalala din ako sa iyo kasi baka hindi na rin kayanin ng tuhod mo eh." Sabi ko.
"Lumalakas na naman ang hangin dito ah! Doon na lang tayo sa court ng magkaalaman na!" sabi ni Kuya Letus
Wag kayo magalala, biruan lang namin yan hindi talaga kami nagkakapikunan. Kaming tatlo nga pala ay parte ng mga kabataang naglilingkod sa altar o mas kilala sa tawag na mga sakristan. Naks banal kami eh noh! Mukha ng mga anghel banal pa, saan pa kayo. Kaming tatlo din ang bumubuo ng Senior o mas kilala sa tawag na Senior Citizen. Oo puro mga bata kasi memebrs ng grupo namin eh. Sila na bata! >_<
*Tinira ni Kuya Letus*
SWOOOOOSSSHHHHHHH!
Ayun walang tinamaan kahit man lang ring. :)))))
"Nakuuuuu! Ang sakit na naman ng mga balikat ko! Malas! Kaya wala na naman akong shooting!"
"Puro mga excuses ka pa Kuya Letus, sabihin mo matanda ka na lang talaga!" Asar naman ni Pit.
Si Pit nga pala ay ang nakakabatang kapatid ni Samantha siya rin ay isang sakristan tulad namin.
"Kuya Letus! Si Samantha oh, ang ganda niya talaga noh. Crush na crush ko talaga yan eh!" sabi ni Oyo, akala niyo ako noh. Hindi pa... sa ngayon XD
"Eh di ligawan mo na! Ayan ung bayaw mo, magpaalam ka mun sa kanya! Hahaha!" Sabi ni Kuya Letus
"Maganda siya Oyo, talented pa iyan. Swerte mo diyan. Hi Samanthaaaaa!!!!! Si Oyo ohhh! Ayieeeee!!!!!" Sabi ko naman.
*napatingin sa akin si Samantha*
"Epal ka talaga Kuya Mart! Imulat mo muna iyang mga mata mo! Ay oo nga pala wala kang mga mata!"
"May mga mata ako oh! Eto oh! Yun nga lang hindi kita nakikita!"
"EPAAAAALLLLL KAAAA!!!!"
Ganyan kaming nagsimula ni Samantha, wala lang casual na asaran lang. Bihira nga kami niyan magpansinan eh, kasi hindi naman talaga kami close. Minsan pa nga tawag ko sa kanya ay Pit, kasi kamukhang kamukha niya ang kapatid niya. Sa maikling salita, hindi kami naniniwala sa love at first sight, second sight? Hindi rin, kasi hindi ko nga siya nakikita. XD
YOU ARE READING
Forever
RomansaIsang ordinaryong love story ng dalawang taong tapat at lubos na nagmamahalan. Paano naging ordinary iyon? Ewan ko! XD Basahin niyo na lang! :))))