Forever: Chapter 4

50 2 0
                                    

HAY! Sa wakas tapos na rin ang practice, grabe gutom na talaga ako tapos sobrang kapagod pa itong araw na ito!

Inutusan ako ni mama kaninang umaga sa palengke, grabe parang matatangal na mga kamay ko sa sobrang bigat ng pinabili niya. T_T

Inasikaso ko pa iyong attendance ng club ko, kasi naman secretary dapat gumagawa nito eh.

Practice para sa acting, no comment na lang. Ang masasabi ko lang ay ang Ineeeeeeet! Alam niyo iyong pakiramdam pag naglalakad kayo sa sa labas ng tanghaling tapat tapos parang linuluto iyong mga paa niyo sa sobrang init! >_<

basketball... ayun masaya pero ang lagkeeeet ko na! Bakit ba kasing ang bilis kong pagpawisan? Kulang na lang isampay na iyong mga suot ko! T_T

Hindi pa nagtatapos diyan ang araw ko at ito na naman. Oo, tama kayo practice na naman. Ito na naman ang nakakapagod na practice.

Pero teka lang...

.

.

.

.

.

Hmmm.... Practice....Practice... Practice... Kapagod?

Parang hindi nga eh! Parang gusto ko pa nga magextend kanina eh! Ang sarap kaya magpractice kanina!

Ano ba itong mga pinagsasabi ko? Nakakapagod nga iyon diba? Nakakatuyo ng lalamunan kasi ang hahaba ng mga linya ko tapos paulit-ulit pa! Eto pa, sobrang nakakasilaw ng spotlight ang init kaya nun, naglalagkit pa ako. Pero bakit parang gusto ko pa rin magpractice? Iyong practice lang sa gabi tinutukoy ko ah, hindi kasama iyong sa hapon may libreng dinner kasi pag sa gabi eh

Dinner nga lang ba talaga ang dahilan? O mayroon pang iba?

TUG! TUG! TUG! TUG! TUG!TUG!

TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG!

At eto na naman ang aking puso, nagtatambol na naman siya. >_<

Zzzzzzzzzzzzzzzz.......

.

.

.

.

.

Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok!

YAWWWWWWWWWWNNNNNNNN!

UNAAAAAATTTTTTTTTTTTTTT!

TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG!

Anak ng kabuti! Hanggang ngayon nagtatambol pa rin ang aking puso. Sa bagay pag huminto ito deds na ako. :D

Pero bakit ba kasi ang bilis nitong magtambol, inaano ko ba siya?  >_<

Hindi pala ako nakakain kagabi noh, kasi naman eh si Samantha! Simula noong nakita ko siya nung gabing iyon hindi na siya nawala sa isipan ko! Siya na lang lagi ang laman ng utak ko at sa tingin ko pati na rin ng puso ko. Sa tingin ko nga pati na rin ng tiyan ko kasi nabubusog ako pag sinisilayan ko siya. XD

ANOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ako ba iyong nagsalita o may sumanib lang sa akin?

Si Samantha! Samantha! Samantha!

GUSTO KO NA SIYA! <3

Siya pala ang dahilan kung bakit nag tututug tug tug tug ang aking puso. Infairness magaling pumili at kumilatis ang puso ko. :">

Pero malamang hanggang crush lang ito. Sino ba naman ako para mapansin niya diba? Hanggang pangarap ko na lang siya. Okay na sa akin maging kaibigan ko lang siya. Napakaswerte ko na kung mangyari iyon! Pero paano?

Hindi ko naman siya close. Hindi ko rin naman close mga kaibigan niya. Tapos mahiyain pa ako, in short torpe. Paano ko siya magiging close kung ganon? Siguro hanggang titig na lang ako sa kanya. Tama! Kuntento na ako doon! Hanggang titig at paghangga na lang. Okay na iyon!

Okay na iyon....

Okay na talaga iyon...

Biglang nagsalita ang aking puso at kanyang sinambit

"Talaga lang ah! Ikaw din, sige ka. Sayang ang pagkakataon, baka magsisi ka lang sa huli pag tinago mo lang sa sarili mo iyan."

Bigla namang nagsalita ang utak ko

"Sige ka, pag nagtapat ka Mart pwedeng iwasan at layuan ka lang niyan. Ikaw din mawawalan sa huli, kaya makuntento ka na kung ano kayo ngayon."

"Wala ka talagang alam pagdating sa pag-ibig Utak! Ganyan talaga sa pag-ibig, minsan kailangan mo talaga magtake ng mga risks malay mo Mart hinihintay ka rin lang nun ni Samantha eh di pareho lang kayong nagmumukhang tanga sa kakahintay. Ikaw ang lalaki Mart! Wag kang babakla-bakla diyan! Go for it!"

"Hay naku Mart, masasaktan ka lang diyan. Sakit lang sa ulo iyang pag-ibig na iyan! Tutal itong si puso parating pakiramdam ang pinapairal ayan tuloy laging nasasaktan, sa akin din naman lumalapit at ako pa ang iniiyakan. Kaya wag na Mart, matuto ka na sa mga nakaraan mong karanasan."

"Likas sa tao ang magmahal Utak, tignan mo ang Diyos. Hindi ba kahit ilang beses natin siyang nasasaktan patuloy pa rin niya tayong minamahall? Maaaring lagi akong umiihyak lalo na pag nasasaktan ako pero alam mo wala akong pinagsisihan sa mga iyo iyon. Kasi alam mo iyon ang sarap sa pakiramdam pag may taong minamahal ka lalo na pag minamahal ka rin niya."

"Paano nga pag hindi ka naman niya mahal? Kung paglalaruan ka lang niya? Kung papaasahin ka lang niya?  Kung nagsawa siya bigla at bigla ka na lang niyang iwan? Hindi mo ba naiisip iyon Puso? Sa mga ganitong panahon, wala ng tunay na nagmamahal!"

"Ang bitter mo Utak! Aminin mo na! Talo ka lang eh! Kahiya ka, biruin mo ikaw dapat iyong mas nagiisip sa ating dalawa pero talo pa kita. Alam mo kung bakit? Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay isip ang laging ginagamit minsan dapat mo ring sundin ang nararamdaman mo."

"HEH! Wag kang magulo! Gumagawa pa ako ng math homework ni Mart! Ssssshhh! Pero alam mo pag utak ang susundin mo tiyak kong hindi ka masasaktan. Period! Wala na! Tapos na!"

"Pero alam mo pag utak lang ang gagamitin mo.... magsisisi ka lang sa huli."

Ano ba itong mga nangyayari, kala ko bibig ko lang ang nagsasalita pati pala puso at utak ko marunong din umepal! Pambihirang buhay ito. >_<

Sabay na bigkas ng aking puso at utak

"NAMAN!"

Aba may pinagkakasunduan din pala itong dalawang ito eh. XD

"NAMAN!"

Hindi ko alam kung saan patungo itong kabanata na ito, pero sana kahit paano hindi kayo nakatulog sa kakabasa nito. :))))))))

Kung kayo ang aking tatanungin, kanino kayo papanig? Kay PUSO ba o kay UTAK? Post niyo mga sagot niyo dito. :))))

ForeverWhere stories live. Discover now