Bangin

8 0 0
                                    

Sinabi mo saking sabay tayong tatalon,
Sabay tayong susugal,
Sabay tayong magpakahulog,

Uulitin ko.

Sinabi mo saking sabay tayong susugal

Sa bangin.

Sa bangin ng pag-ibig.

Sinabi mo saking magtiwala ako,
Na wag akong matakot,
Wag mangamba, pagka't nariyan ka,
Sa aking tabi,

Kaya naman nagtiwala ako. Sayo.
Hindi ako natakot hindi nangamba
Pagka't alam kong nariyan ka lang.
Sa aking tabi.

At ako'y kumapit.
Pinanatag ang sarili,
Nagtiwala sa iyong mga sinambit.
Pinanatag ang sarili sa iyong mga salita,
Sa pagitan ng matatamis mong mga linya.

Ramdam ko, oo.
Nadama ko na sabay tayong tumalon,
Sabay tayong sumugal,
Sabay tayong nagpakahulog

Nadama ko ang saya sa kalagitnaan ng sakit.
Nadama ko ang pagkasabik sa kabila ng pangamba.
Nadama ko na nandyan ka, at nandito ako, magkasama.

Magkasamang nahuhulog,
Magkasamang sumusugal,
Magkasamang binabaybay ang lubak lubak na daan
At ang nakakakabang hangin na sumasalubong sa atin,


Sa kahabaan ng ating byahe papunta sa baba,
(Kung saan nandon ang wakas,
Kung saan sa wakas ay tayo ulit ay mag uumpisa,
Sa bagong simula,
Sa mas malalim na simula),

Di ko naman alam na may parachute ka pala,
Hindi ko alam na
habang ako ay nahuhulog pa,
ikaw ay umaakyat na,
Hindi ko naman alam na iiwan mo lang ako basta bastang nahuhulog at nahuhulog
Sa sarap at hapdi ng iyong salita at gawa.
Umaakyat pataas,
palayo sa kalupaan
Palayo sa kalupaan ng ating pag-ibig.
Palayo sa bangin
Palayo sa akin

Habang ako ay nahuhulog,
ay palalim ng palalim itong damdamin,
Palalim ng palalim din
itong aking mga sugat.
Palalim ng palalim
ang sakit.
Palalim ng palalim
ang pag-ibig.

Habang ikaw, ay nasa taas,
Wala nang balak pang lumingon dito sa baba,
Kung saan mo ako iniwan
Wala nang balak tumalon muli
Sa nakamamatay na bangin.

Ay heto naman ako ngayon,
Nakakulong sa bangin, namimighati

At ikaw,
Nagbabalak, naghahanap nang muli,
Ng bagong kasama,
Sa pagtalon sa bagong bangin.

At heto ako ngayon,
Nakakulong, nagdurusa, nasasaktan, namimighati
Malapit nang mamatay sa nasabing pag-ibig.

Malapit na.

Sa wakas.

Patay na.

Paalam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon