Naaalala pa rin kita

28 2 0
                                    

Naaalala pa rin kita.

Pero hindi na tulad ng dati kong pag-alala sayo na mismong maliliit na bagay na makita ko ay hinahanapan ko ng koneksyon sayo.

Hindi na tulad ng dati na sa tuwing nakikita ka ay iiwas ako ng tingin sabay sabing "Pwede pa ba tayo?"

Hindi na tulad ng dati na kung maririnig ko ang pangalan mo ay bibigat na naman ang loob ko.

Hindi na tulad ng dati na ang halos lahat ng mga salita kong makata, at kung hindi man, ay sa'yo ito tumutukoy, hinahayag ang mga memorya at alaala ng dati na nagwakas na.

Naaalala pa rin kita pero ngayon, wala na.

Wala nang pakiramdam. Kung sakit man ay wala, at galit ay wala din naman. Pero naaalala pa rin kita.

Hindi naman siguro maiiwasan yon diba? Kasi hindi naman madaling makalimot ng tao pero pangako, yung damdamin ko sayo? nakalimutan ko na.

Pero naaalala pa rin kita.


(c) chrisjdd

FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon