Issues (as an Author)

52 4 0
                                    

Bakit kaya minsan nakakaramdam ako ng insecurity as an author? When I found out na 'yung readers 'ko' na palaging bumabasa sa story ko at mahilig magcomment ng sobrang haba kada-chapter na pino-post ko eh sa ibang story na  naho-hook at nagpapaka-active? Na-iinsecure ako, sobra. Lalo na kung magkatulad kami ng genre ng story na binabasa nila. I don't know why. Maybe because, mabagal akong mag-update? Or maybe habang tumatagal eh, nawawalan ng gana ang mga readers ko sa aking story? Naiisip ko na baka may kulang sa akin? Na wala akong kakayahang pasayahin ang readers ko gaya ng nagagawa ng ibang authors sa kanila.

What comes into my mind is that, gusto kong makipag-kompetensya sa kanila, secretly. 'Yung sa isip ko lang. I mean, gusto kong pagandahin lalo 'yung mga eksena sa bawat chapter na ia-update ko, para bumalik sa akin 'yung mga readers na nagsialisan at mahook din sila sa story ko. Pero kahit gustuhin ko mang mag-update araw-araw o weekly, kakambal ko na talaga si tamad, kasi habang iniisip ko palang ang posibleng ilalagay ko sa UD ay inaatake na agad ako ng paggiging tamad ko sa pagta-type. 

I love writing, but I hate typing. Average naman ang speed ng pagta-type ko pero everytime na nakaharap na ako sa pc, nababaling sa iba 'yung atensyon ko, imbes na gagawa ng update. In short, lage akong may 'writer'sblock' everytime na gumagamit ako ng computer, may connection man o wala. Marami na din akong nado-download na mga stories, tagalog man o english, for my inspiration pero wala naman akong time para magbasa. At may mga on-going list na rin ako sa mga movies na pinapanood ko pero naliimutan ko rin naman 'yung scene after ko manood.

So, paano ko ma-iimprove ang story ko?

Chiirra's Thoughts and WhatnotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon