So, I was so busy scrolling sa FB newsfeed when my boyfriend chatted me. Sabi niya, "Mhie, mhiee anong tingin mo dun sa nawawalang eroplano?"
'Yung MH370 ang tinutukoy niya, isang Malaysian Airline na bibiyahe sana galing KL, Malaysia to Bejiing, China noong sabado, March 7, 2014. Kaya lang, bigla itong nawala sa ere 2 hours after nito magtake off. And until now, hindi parin ito nakikita't nahahanap.
So I replied. "Hmm feeling ko hijack dhiee. Feeling ko terorista ang may gawa. Kasi diba, 4 days na ang nakalipas pero wala paring nakikitang debris ng eroplano sa dagat. Saka biglang nawala sa radar 'yung plane. Possibly na ini-off doon mismo sa plane, knowing na may dalawang questionableng identity na pasahero doon. Then sa latest update ng news, nag-iba ng routine 'yung plane bago nawala sa radar. Ikaw dhiee, ano sa tingin mo?"
Nagreply naman doon ang boyfriend ko. "Nasa isip ko mhie? Tinatago lang ng media 'yung totoong nangyayari, yun lang mhiee. Naglimit yung taas ng airplane bago 'to nawala sa radar. It means papataas ang lipad nito. Pero malay mo mhiee, aabangan ko na lang ang susunod na mangyayari. Hahaha"
Dahil nacucurious ako doon sa latest update, chineck ko naman ang ABS-CBNnews.com na FB page at nakita ko doon ang latest news nila about doon sa airplane. Hindi ko binasa 'yung laman ng article pero binasa ko 'yung mga comments. Sabi doon sa top commentor, possible daw na hijack o di kaya,kinuha ng alien at dinala sa ibang dimension. Finorward ko 'yun sa bf ko at nagtawanan kami. Binasa ko naman 'yung mga reply ng naturang comment, and a certain comment caught my attention.
Sabi nito, from Philippine deep to Japan, meron daw parang Bermuda Triangle. Out of curiousity, sinearch ko ito sa google, and poof! May lumabas na result.
Liban sa Bermuda Triangle sa North Atlantic Ocean, meron din palang parang Bermuda Triangle din sa Asia. It was called Devil's Sea or Dragon's Triangle -- the Formosa Triangle and the "Pacific Bermuda Triangle" na nasa Pacific Ocean. From Miyake Island (mga 100km south sa Tokyo, Japan) to unspecified parts of Japan's east coast and to Iwo Jima.
Since 1954 nagiging 'danger zone' ito ng ng mga Japanese. According to Wikipedia, "Japan lost 5 military vessels with crews lost totalling over 700 people and that the Japanese government sent a research vessel with over 100 scientists on board to study the Devil's Sea, and that this ship too vanished; and finally that the area was officially declared a danger zone."
According to Ivan Sanderson, mayroong 12 areas sa mundo kung saan madalas may biglang nawawala (mysteriously) kapag dumadaan doon, and he called it Vile Vortices. (10 Vile vortices lang ang nahanap ko sa google. See multimedia ----->)
Quite interesting, no? So ano kayang meron sa mga ito na kapag may dumaang mga ships and even planes ay nawawala na parang bula? May sea monsters nga ba dito? Other dimension? Aliens? Electromagnetic chuchu? (d ko alam 'yung term XD)
Whether totoo lahat ng ito o hindi, one thing I only know about this. It's fcking interesting!
3-12-14