Dear Espiritu sa Pagkatamad

23 2 0
                                    

Dear Espiritu sa Pagkatamad,

Oh please, bakit napaka-FC mo sa akin? Ang dami-dami kong gustong gawin araw-araw pero halos lahat hindi ko magawa dahil sa'yo. Nasasayang ang mga oras ko at ayoko matapos ang araw na ito na magsisisi na naman ako. Ang dami ko ng nasayang na mga oras, araw at panahon nang dahil sa'yo. Pwede bang lubayan mo ako? Gusto ko mag-work, sumulat ng article,  mag-edit ng photos and etc., pero ni isa hindi ko magawa dahil lagi kang kumakapit sa akin. Sana naman marunong kang mahiya.  Kaya kung pwede, tsupi. Tsupi! Tsupi! Hindi kita kailangan kaya huwag kang kumapit ng bonggang-bongga sa akin. Lumabayan mo ako. Lisanin mo ako. Dahil hindi kita kailangan. At NEVER kitang kakailanganin!

- Chiirra

Chiirra's Thoughts and WhatnotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon