Chapter 2 : Welcome Back

66 1 0
                                    

Chapter 2: Welcome Back

Jester's POV

Kring!!! Kring!!! Kring!!!

*PAK*.... "Magtigil kang bwisit na lintik na alarm clock ka."

"Hyaaahhh....... antok pa ko kaya matutulog ulet ako" (O_-) ------->> (-_-)

"Jester!!!"

"Sino na naman tong sumisigaw, umagang-umaga, tsk...tsk..."

Takip na lang ng unan ang ginawa ko.

"Good Morning Jester!!!" sigaw nila Kath at Stephen.

"Anong ginagawa niyo dito huh?"

"Eh ano pa sinusundo ka. "Nalimutan mo na ba ha? Pupunta tayong Hospital para bisitahin ang kaibigan nating si..."

"Jester, halika ka na", biglang singit ni Jethro

Hinila-hila ako nila Kath at Stephen hanggang sa bumagsak sa kama. Ang lalaki ba naman ng mga katawan ng dalawang to. Panlaban ng sumo eh.

*BAAGGG* Bumagsak nga ako. Ayun kaaga-aga sakit ng katawan ko.

"Oy ano ba kayo dyan, dalian nyo hinihintay na tayo ni Darryl," sabi ni Jethro.

"Oo na tatayo na mga atat masyado?"

Tumayo na ako at pumunta sa CR para maligo. Kuskos ng libag dito, kuskos doon at tapos na. Pagkalabas ko andun pa rin ung dalawa.

"Oh, ang bilis mo maligo ah?", sabi ni Stephen.

"Ano ginawa mo ligong pato?" singit ni Kath.

"HAHAHAHAHA...."

"Kayo talagang dalawa ang aga-aga nang-aalaska lumabas na nga kayo dito sa kwarto ko at magbibihis ako", sabi ko.

"Oo na lalabas na", sabi ni Stephen.

"Ang init ng ulo mo ah RED DAYS ba?" sabi ni Kath

"HAHAHAHAHA...."

Kumuha ako ng isang tabong tubig. "Lalabas o lalabas?" Inambahan ko sila na hahagisan ng tubig. Ayun karipas ng takbo palabas ng kwarto.

Pagkasarado ko ng pinto.

*BAGG* *DHAG* *BOGG*

"Arayyyyy!!!", sigaw ng dalawa.

Nadulas pala sila pababa ng hagdan.

"HAHAHAHAHA...." tinawanan ko nga.

"Ano masakit ba?" pang-aasar ko.

Sinarado ko na ulet yung pinto at nagbihis na.

Pili-pili ng damit. -Ayos ng buhok -Ayos ng buhok -Ayos ng buhok -guguluhin -aayusin ulit.

Yan tama nga sila kung bakit nahuhuli ang mga lalaki. Hahahaha ...

Bumaba na ko at nakita ko sila na nanonood.

"Tara na oy", pag-aaya ko.

Tumayo na sila at pumunta na kami sa BMW ni Darryl. Ako, si Kath, Stephen at si Jethro.

Habang nasa byahe. Naisip ko tatlong buwan na din pala ang nakalilipas nung na-ospital si...

"Oy anong iniisip mo dyan ha?" singit ni Jethro.

Snobbish na GitaristaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon