Chapter 4 : Somebody Out There

13 1 2
                                    

Hi guys sorry, sorry, sorry kung ngayon lang ako nag-update after many months. Sobrang busy po talaga eh.

Chapter 4 : Somebody That I Used To Know

Dreik's POV

"Hyaaaawwww....... kaantok naman. Ang lamig kasi eh. Sarap matulog maghapon." 

Tumingin ako sa cellphone ko kung may nagtext ba.

Wala naman. Biglang pumasok sa isip ko yung nagyari last Friday night, 6 days before Christmas.

"Asan kaya siya ngayon?" sabi ko sa sarili ko habang nag-uunat ng mga buto-buto.

Sa kalagitnaan ng pag-uunat ko, biglang may sumigaw. "Dreik bumangon ka na," nagulat ako sa sigaw ni Papa at bumagsak sa kama. Ayun wala na kong nagawa.

Bumangon na ako at naghilamos sa CR tapos nag-ayos ng sarili pati buhok. "Isang araw na lang po, Pasko na mga kapuso." Iyan ang narinig ko pagbaba ko ng kwarto papunta sa kusina.

Malapit na palang mag-Pasko. Oras na lang ang hinihintay bago ito sumapit. 

Pere heto ako, nanatili pa ring walang alam sa mundo, sa mga taong nakapaligid sakin. Sana bumalik na ang ala-ala ko talaga.

"Halika ka na Dreik, kumain ka na oh.", sabi ni Mama na nasa wheel chair.

Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun.

Yumakap siya sakin at ibinalik ang halik. Sabay sabing, "I love you anak."

Napatitig na lang ako sa kanya, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Tanging ngiti lang ang naibalik ko sa kanya. Umupo na ako kumain kasama sila.

May sinangag, itlog at may gatas.

"Gatas? Bakit po may gatas?" tanong ko sa kanila.

"Hindi ba anak ayaw mo ng kape, dahil sabi mo nakakanyerbyos to at nakakahina ng buto," sagot ni Papa.

"Papa pwede po bang kape na lang, para naman po kasing bata ako kung magga-gatas pa ako. Di ba po?"

"Ah, gnun ba anak. Sige ipagtitimpla kita ng kape. Kung iyon ang gusto mo.",  narinig ko na may panginginig sa pagsasalita ni Mama.

"Salamat po sa inyo Papa at Mama."   Nagpatuloy na ako sa pagkain.

Nung nakatapos na ako kumain. Nag-ayos na ulit ako ng sarili ko at ako na rin ang naghugas ng pinggan.

Lumakad na ako palabas ng kusina at papunta sa sala.

Pagpunta ko dun nakita ko ang isang Christmas Tree na may mga regalo sa ilalim. Hindi ko alam kung ako napangiti bigla. ^___^

Pinagpatuloy ko na ang paglabas ko ng bahay.

Sa pagbubukas ko ng pinto. Medyo maaga pa kaya wala pa masyadong tao sa labas.

Lumingon ako sa kaliwa't kanan pero wala pa talagang tao sa kalsada sa subdivision ng Petronas.

Naglakad-lakad na lang ako kung saan man ako mapunta dito sa loob ng subdivision.

Napahinto na lang ako sa tapat ng isang bahay.

Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito at dinala ako ng mga sarili kong paa.

"Sa bahay nila Trixie?" sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko malaman sa sarili kung ano nga ba ang dahilan.

Sa pagkakatitig ko sa bahay nila. Hindi ko namalayan na bukas na pala ang pinto ng bahay nila.

Nakita ko si Trixie na palabas ng pinto at lumapit saka bumati sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Snobbish na GitaristaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon