Chapter 25: prologue

58 6 0
                                    

Erika Jane's P.O.V








"Nabalitaan na namin." Nakatungo nilang sabi pagkaupo nila sa tapat 'ko.








Akala 'ko makakapagisa lang ako dito sa càfe since puro tutok sa laptop ang mga tao dito. 'Yun pala, dito pa nila ako matutunton.








Gabi na at hindi 'ko alam na nung makikita pala ako ni Sam mula sa labas ay pupuntahan nila ako.








Masayang masaya na tumutugtog ang Downfive kanina. Parang anghel ulit ang boses niya dahil sa ka-duet niya. Masigla silang tumutugtog di tulad pagdating sa'kin..








Oo, okay na kami. I mean, good terms na kami ng Downfive nuon. Pero iba parin 'yung napanuod 'ko silang tumugtog kanina.








"Nakaiyak ka na ba?"








Umiyak naman ako. Pero 'yung iyak na halos pigil pigil 'ko. Parang iyak korean lang ako kung umiyak. Dahil hindi 'ko naman kailangang ipiga ng mabuti ang mga luha 'ko, masabi lang na nasasaktan talaga ako.








Tama na 'yung umiyak ako dahil nasaktan ako. Okay na 'yun. Hindi 'ko na kailangan pang magsisisigaw o ibigay pa ng todo ang pagiyak 'ko. Edi nagingay lang ako?








"Gaano kasakit? Anong percent?"








101% iba pa 'yung natanggal ako sa grupo at natanggal sa grupo nang dahil kay Xian. Magkaiba pa 'yun.








Hindi naman daw nasaktan si Xian nung sabay silang umayaw ni Samantha ng M.U, pero bakit hindi niya ako matanggap? Bakit hindi na lang niya kalimutan ang sinabi 'ko basta mananatili ako sa grupo?








Sinanguling naman 'yang Mike na 'yan e. Sinungaling siya.








"EJ.. kahit katiting man lang ba ay okay ka? Bilang ate niyong apat rin ay kausapin mo ako ng masinsinan. Ano?" I looked at her habang namumuo na ng tubig ang mata 'ko.








"Wala akong pakealam kung hindi niya ako gusto.. Pero bakit kailangan pa akong matanggal?" Umubob ako saka umiyak.








Hindi ako gaanong humihikbi pero ramdam na ramdam 'ko 'yung sakit at 'yung sobrang daming luhang nagpapatakan sa mata 'ko.








Himas himas lamang nila ang likod 'ko kaya mas lalo pang napapadami ang pagiyak 'ko.








"Look who's here," boses ni Klein. Hanggang dito ba naman? Gabi na oh tapos andito pa siya? "Gabi na nagluluksa ka pa."








"Hoy bata, may kasama siya oh. Kung makapagsalita ka parang siya lang nakikita mo ah." - Samantha








Nagpunas na ako ng luha saka 'ko sila pinanuod. Nakatayo na pala si Samantha para harapin si Klein.








"Teka, ikaw 'yung naka-M.U ni Gab, right? 'Yung MAS matanda pa sa kaniya?" Ouch. Alam rin pala niya ang tungkol dun. "Gosh. Bagay talaga kayo ni EJ. Nakikipagrelasyon sa mga malalayo ang edad sa kanila."








Akmang sasampalin na siya ni Klein pero tumayo ako at sinagot siya. Hindi ako duwag para magpatalo.








"Klein, sabihin mo na lang kung naiinggit ka. Dahil kahit mas matanda pa sa amin ay may nagkakagusto sa'min. Pwede naman kitang ihanap e. Kung gusto mo, 'yung senior citizen na ngayon."








UndestinedWhere stories live. Discover now