Chapter 39: Sinakyan lang

53 5 8
                                    

Erika Jane's P.O.V








Nagkatinginan pa muna kaming apat bago nagsi-tanguhan. Nilingon namin ang Downfive para sabihin ang gusto naming kantahin.








Nagsi-thumbs up sila kaya binalik na namin ang tingin namin sa mga tao.








"Loving can hurt. Loving can hurt sometimes,
But it's the only thing that I know.." - Me








Nagkaroon naman ng mahinang palakpakan nung magsimula ako sa pagtugtog. Nagulat pa nga ako dahil nasa labas lang pala ng entrace door si Mike, nakasandal na nanunuod sa'min.










"When it gets hard.. You know it can get hard sometimes. It is the only thing that makes us feel alive.." - Sheen








Napangiti ako kasi ang sweet ng boses niya dun.








Kumindat pa siya sa'kin sabay nguso sa isang direksyon. Pagtingin 'ko. . . ATE SAM AND EROS?!








Andun sila nakaupo sa dulo. At hindi ako makapaniwala dahil nakapasok sila dito ng ganiyan ka-formal na suot.








Ang cool naman.









"We keep this love in a photograph, We made these memories for ourselves.. Where our eyes are never closing, Hearts are never broken.
Times forever frozen still." - Sas








Maya maya ay nagulat ako nung may umakbay kina Pat at sumabay sa pagkanta namin. Ahh, 'yan pala ang plano ni Euron.








Pero ba't kasali pa sina Lanz at Xyre? Ba't ako wala -- nandito pala sa tabi 'ko. Pero nakakapagtaka dahil hindi niya rin ako inaakbayan tulad ng ginagawa ng iba.









"So you can keep me, Inside the pocket of your ripped jeans. Holdin' me closer 'til our eyes meet.
You won't ever be alone, Wait for me to come home." - Us








Hindi maalis ang titig 'ko sa kaniya. Lalo na't sa audience naman siya nakatingin. Nakakabigla nga e.. Dahil kinakapitan niya ang wrist 'ko. Wrist lang. Wala sa kamay.








How disapppointing.









"Loving can heal, Loving can mend your soul.
And it's the only thing that I know (know)" - Me & Him








Imbis na tumitig pa 'ko sa kaniya ay kina-Sas na lang ako tumingin. Magkaakbayan si Sas at Xyre at alam 'kong sobrang saya na ngayon ni Sas. Kasi sa akbayan palang, alam mong sila na.









"I swear it will get easier.. Remember that with every piece of ya, And it's the only thing we take with us when we die." - Pat & Euron









Nagtanguhan ang Downfive ng nakangiti. Nakaakbay rin si Euron kay Pat habang isinasandal ang ulo nito sa ulo ni Pat. Sweet.










"We keep this love in this photograph.. We made these memories for ourselves." - Sheen & Lanz








Habang sina Sheen at Lanz, nakakapit si Sheen sa braso ni Lanz na parang kala mo ay maglalakad sa altar ganon.









UndestinedWhere stories live. Discover now