Chapter 2: Baby face

157 6 0
                                    

Xian Gab's P.O.V












"Tama bang maghanap pa tayo ng ka-miyembro na.. babae?" Tanong ni Xyre at ipinatong ang drumsticks sa drumset niya. "Alam mo namang maraming - "













"Nagkakandarapa sa'tin. Alam 'ko 'yun, Xyre Go. Pero naka-depende parin naman 'yon kung marunong ba silang tumugtog o kahit kumanta e."












"Euron Kit," Tawag 'ko at nilapitan siya. "Try this one." Sabay abot 'ko ng papel na may sulat dun ng kanta.













'Yung chorus palang ang naiisulat 'ko dahil hindi 'ko pa naman nasisiguro kung maiitono ba niya iyon.









Siya ang taga-lagay ng tono ng mga nagagawa 'kong kanta. While the others, sila ang tutugtog non.













They also know how to compose songs. Pero paminsan minsan lang sila gumawa. Mga tamad sa madaling salita.












"Sige. Saka 'ko na muna 'to aayusin. Tropas! Meryenda muna!"













Nasa bahay kami ni Euron Kit. Kami lang kasi sa'ming apat ang may complete instruments sa music room niya.















'Di tulad nila,  may music room nga, kulang kulang naman sa mga kailangang instruments. Tulad nga nila. Wala silang drum set at maging pati piano.














Aaminin 'kong mas mayaman sa'min si Euron Kit kaysa sa'ming tatlo.













Habang nasa mesa at kumakain, panay lang ang pagbibiruan nila at asaran. Habang ako, tamang tawa lang at sangayon lang sa mga sinasabi nila.













Hindi naman kasi ako magaling sa pagbibiro e. Hindi ako marumong magpatawa ng kahit na sino.













Maliban na lang kung katawa tawa ang kinikilos 'ko o ng nagawa 'ko.













Mas nakakatawa pa nga daw ako kapag may ginagawa akong ka-tngahan. 'Yun ang sabi nila.













"Excited na akong mamili ng bago nating ka-miyembro. Kayo, sino sa mga babaeng estudyante ang gusto niyong maka-sama sa banda?" Tanong ni Xyre Go.













Nagsi-sabihan naman sila ng pangalan nang tingnan naman nila ako. At mukhang hinihintay akong sumagot.













Aish.













"Wala akong kilalang mga babae sa school," Sabi 'ko. Kaso naalala 'ko nga pala.. "Maliban na lang kay Sassy Lorraine na sinampal ka." Pagtukoy 'ko kay Xyre Go.













Todo tawanan naman sila habang inaasar ang isa.













Oh, that day.













2nd year lang kami non. Hindi naman sinasadya ni Xyre Go kung bigla siyang um-absent sa araw ng role play nila sa program.













Kaya ang naging partner ni Sassy Lorraine, ay isang weirdo. Sa pagka-kaalam 'ko pa nga, may gusto sa kaniya si Sassy Lorraine.














UndestinedWhere stories live. Discover now