Dedicated to: ImInLoveWithHim1026
Nagising ako sa sinag nang araw na tumatama sakin, nagmulat ako ng mata para sana bumangon na nang mapatingin ako sa mini table ko... May nakalagay na pagkain at gatas, sino naman kaya ang gagawa nito eh alam naman ng lahat nang tao dito na hindi ako kumakain ng breakfast ... Bumalik ako sa pagiisip ko nung biglang may kumatok sa pinto...Sino yan? sabi ko sabay bukas nang pinto
Hello my dear future wife, good morning ... Sabi nya sabay pasok agad sa kwarto ko tsk kapal talaga nang mika eh ...
Bakit ba andito ka? ang aga aga nanggugulo ka, natutulog pa ako eh tss. Sabi ko sabay pakita sa kanyang naiinis na ako sakanya ...
Alam mo tigililan mo muna yang init nang ulo mo, kain ka muna para may lakas ka...sabi nya sabay abot sakin nung pagkain na nasa ibabaw ng lamesa ...
Masungit ako sa taong hindi ko gusto ang ugali at katangian lalong lalo na ikaw...sabi ko habang hinihiwa yung bread toast na may asukal at margarine, pagkagat ko nginuya nguya ko pa ito ng madaming beses, pero sa huli bigla ko ring niluwa sa plato yung kinakain ko sabay harap sa kanya na masama ang tingin... At nakita ko naman ang gulat sa kanyang muka dahil sa ginawa ko ...
Alam mo, gagawa ka na lang nang pagkain na ibibigay sakin palpak pa. Balak mo ba akong magkasakit sa bato at ang nilagay mo sa toast bread asin tsk. Kainis sinira mo araw ko ... Sabi ko sakanya sabay talikod pupunta na sana ako sa banyo nang bigla nyang hawakan ang kamay ko na ikinalingon ko sa kanya
Inumin mo muna yang gatas na ginawa ko, sorry hindi ko naman sinasadya na asin pala ang nailagay ko, nakalagay kasi sa garapon sugar, asin naman pala... Sabi nya habang hawak hawak pa rin ang kamay ko, syempre si ako medyo nakonsensya naman dahil nag effort sya para lang gawan ako nang breakfast kahit na palpak... Ininom ko yung gatas,wala pa ako sa kalahati nang bigla akong mapatakbo sa banyo at sabay buga nang kape, arrrggg ano ba namang klaseng breakfast to oh, lahat asin? Baka bukas makalawa ang ika matay ko na nito ay sakit kung patuloy pa nya akong gagawan nang breakfast sa araw araw hayyy nako ...
KIAN????!!!!! LUMABAS KA NA NGA NANG KWARTO KO AT AYAW MUNA KITANG MAKITA, LAHAT NANG GINAWA MO NGAYONG UMAGA PALPAK!!!!!!!!!!! Sabi ko sa kanya sa pamamagitan nang sigaw ko at sa nag iinit ko nang mata ...
Pffft, sorry hahahaaha ngayon ko lang naalala na asin nga din pala yung nailagay ko dyan kasi sugar nga yung nakalagay hahahaha... Sabi nya habang kumakaripas nang takbo sa pinto pero bago sya makalabas nang pinto may sinabi sya na nakapagpabagal nang ikot nang mundo ko...
You look more gorgeous when your angry, sana lagi na lang pala kitang iniinis no hahahaha... Sabi nya sabay kindat sakin at umals na nga nang kwarto ko na tawa pa rin nang tawa ...
Ako naman eto hindi pa rin makagalaw at hindi ko na rin alam kung anong nangyayari dahil yung tibok nang puso ko sobrang lakas, don't tell me heart hanggang ngayon tumitibok pa yang puso ko para sa kanya, hindi ba't napagusapan nating move on na ako sa kanya... Eh bakit ngayon simpleng salita lang parang bibigay ka nanaman sa kanya ...
Pagkatapos kong maligo, nagbihis na lang ako nang long sleeves na dress at heels like what i dress before when i'm in love, wait what? Did i just say in love? Don't tell me i fall in love again arrrggg i hate this, kaya ayoko nang ganito eh, kailan ba kasi mawawala tong sira ulong lalaki na to, iritang irita na ako sa kanya eh kainis ... Pagbaba ko nasalubong ko sina papa at mama...
Ma, Pa, Good Morning po. Pasok na po ako gamitin ko na lang po yung kotse ko ... Sabi ko kila papa habang papunta na sana sa labas ...
Brie, sumabay ka na lang kay Kian. And later sabay na lang din kayo umuwi susunduin ka na lang ni kian... Sabi ni mama with matching killer smile na hindi mo magugustohan ang binabalak nila ...
But ma, i can handle myself, at isa pa nakakahiya naman na po sa kanya kung kailangan nya pang huminto sa trabaho nya para lang masundo na ako at maihatid dito ... Sabi ko, habang nananalangin na sana naman ay pumayag sila Mama at Papa ...
No, sasabay ka kay Kian for one month you want it or not dahil dito muna sya titira pansamantala dahil sayang lang yung ipangbabayad nya sa hotel kung dun sya ... O sige na umalis na kayong dalawa at lalo ka na Brie, hindi papasok ang daddy mo ngayon dahil medyo nahihilo sya kaya ikaw na muna magbantay sa company natin anak ha. Sige akyat na kami ...
Hindi na ko nakapagsalita kasi bigla bigla na lang akong hinila ni Kian, bastusan lang eh no? Kainis kasalanan naman talaga nya kung bakit ako naiinis ngayon eh tsk...Bakit ba kasi dito ka titira? Mayaman naman kayo para maghotel ka na lang diba? Sabi ko sa kanya na may pagkahalong inis
Eh gusto ko eh, gusto kasi kitang makasama. Hindi naman bawal diba? Sabi nya sakin sabay biglang harap...
Tsk. Mag drive ka na nga lang mamaya mabangga pa tayo eh, pero hindi ka na matutulog sa kwarto ko ah ... Sabi ko sa kanya habang nakaharap sa may bintana...
Eh pano ako, san ako matutulog? Eh andun sila mommy sa guest room...Sabi nya
Tss. Sige na nga, pero dun ka lang sa lapag. Ayoko yung tatabi ka nanaman sakin, wala na nga akong source nang unan eh... Sabi ko sa kanya, pero sa totoo lang nakokonsensya din ako kasi syempre mahirap din namang matulog sa lapag, pero wala na eh nasabi ko na at hindi ko na mababawi yun ...
Ok, as long na kasama kita. Ok lang kahit pahirapan mo ako... Alam ko naman na don ka lang magiging masaya eh ... Napatingin ako sa kanya makikita mo ang lungkot sa mukha nya habang sinasabi yon, maniniwala ba ako sa kanya? Totoo kaya yung mga ipinapakita nya? Kasi ayoko naman na pag na fall nanaman ako sa kanya maiwan nanaman ako sa ere ayoko non. Kasi baka mabaliw nanaman ako katulad nang nangyari dati. Biglang nag ring yung phone ko kaya bumalik na sa huwisyo yung utak ko ...
Hello?
[ Hello Brie, asan ka? Kita tayo sa coffee shop na malapit sa office nyo ]
Ahmm, sino ito? Unknown number kasi...
[ Si Mara to, gusto lang kita sanang kausapin about sa mahalagang bagay, ok lang ba kung maistorbo kita? ]
Ok lang, sige deretso na lang ako dyan sayo ... Wait mo ko ...
[ Sige thank you! Brie ]
Pagka end nung call sinabi ko agad kay Kian na doon nya na lang ako ibaba sa malapit na coffee shop sa opisina namin...
Bakit naman? Tanong nya sakin
Kakausapin ko lang si Mara, may importante daw na sasabihin eh... Sabi ko naman sakanya
Tumango na lang sya bilang tugon sakin, pagkadating namin sa coffee shop, bababa na sana ako kaso bigla nya akong hinila at napaakap ako sa kanya. Aalis na sana ko kaso bigla nya din akong inakap nang mahigpit, syempre ako naman na shock. Lalo na sa sinabi nya.
I will miss you Brie, Please don't go to anyone ....
A/N: Ok nakapag update na po ako sana po magustuhan nyo, kahit meron pong grammatical error at wrong grammar... Tumatanggap di po ako nang advice nyo para sa kwentong ito yun lang po, thank you po!
BINABASA MO ANG
Even If It's Hard
Short Storykahit naman alam kong masasaktan ako pinipilit ko pa din, kahit alam kong di mo yun mapapansin pinipilit ko pa din kahit alam kong dakila ka nga pala ng manhid, hay tanga nga naman ako oh...