ALEXANDRO COLLAN.
inihatid ko si Ylyn sa kanyang condo matapos ang pag aaway nila ni Clarisse.
nakakainis siya.
wala siyang karapatang masaktan.
ako ang iniwan dito pero parang ako pa ang nananakit sa kanya.
sana nga hindi na siya bumalik.
para hindi na ako nahihirapan ng ganto.oo galit ako sa kanya pero tang na mahal na mahal ko parin siya.
pero hindi ko na ipaparamdam sa kanya ang pagmamahal ko dahil hindi nababagay sa katulad niya ang tapunan ng pagmamahal.
"bro bakit ka ba nag kakaganyan bumalik na si Clarisse pero kung itrato mo siya parang basura."
sabi ni miko sabay inom ng alak."wala na akong pakialam sa kanya iniwan niya ako noon wag niyang asahang matutuwa ako sa pagbabaik niya"
sabi ko habang nilalaro ang laman ng baso."baka naman may mabigat na dahilan lang kong bakit siya umalis.
bakit hindi mo muna alamin bago ka gumaniyan."
sabi niya habang nakatingin sakin."damn!! kung may dahilan man siya bakit hindi niya pinaliwanag. mag asawa kame dapat magkatuwang kami sa lahat ng problema pero ano hindi niya sinabi kung ano man iyon at iniwan niya pa ako. Bro she left me for fucking 3years ng walang kahit anong dahilan." galit kong sigaw sa kanya bago tumayo at iniwan siya palabas ng bar.
sumakay ako sa aking kotse at pinaharurot ito.
ng maiparada ko ang aking sasakyan ay agad akong pumasok sa bahay.
umakyat ako sa kwarto at nakita ko siyang nakahiga sa sahig.
tsk akala niya ba maaawa ako sa pinaggagagawa niyang yan.
naisip ko habang nakatingin sa kanya.
dumiretso ako sa banyo at nag palit ng damit.
nakita ko siyang nakahiga padin sa sahig may kung ano sa puso ko ang nasasaktan sa tuwing nahihirapan siya.
pag sinasaktan ko siya para ko ding sinusuntok ang puso ko pero nag mamatigas parin ako at tinutuloy ang pananakit sa kanya.
alam kong gusto lang niyang mag paawa ngayon kaya hindi ko siya pinansin at
dumiretso ako sa kama at humiga.ilang minuto ang makalipas ay hinila na rin ako ng antok dahil narin sa aking kalasingan.
DAHAN dahan kung iminulat ang aking mga mata at inangat ang aking ulo ng marinig ko ang tunog ng aking cellphone.
tinig nan ko ito at pinatay
alas nuwebe na ng umaga tinignan ko kung tumabi sa akin si clarisse pero wala siya paglingon ko sa aking kaliwa.
seguro ay nag hahanda na iyon ng umagahan.
dumiretso ako sa banyo at naligo.
lumabas ako sa banyo at bumaba na sa hagdan pero walang Clarrise akong nadatnan roon.
siguro ay gumala nanaman ang babaeng yun.
hindi ko na inisip kung saan siya pumunta.
nagluto nang ako ng aking makakain at kumain na.
pag katapos kung kumain ay dumiretso na ako sa kwarto upang mag bihis.
naagaw ng atensiyon ko ang nakaawang na kabinet ni Clarisse dali dali ko itong binuksan.
nanhihina ang aking tuhod na napaupo sa kama ng napagtanto kung wala ang mga damit niya dun.
ganitong ganito ang aking naramdaman ng iwan niya ako 3 years ago.
napansin kong nabasa ang aking pisngi at napagtanto kung umiiyak na pala ako.
agad agad kong pinunasan ang aking mga luha.
at nag bihis na.
hinding hindi na ulit ako mag papakatanga sayo Clarisse wag ka ng bumalik pang muli.
galit ang nararamdaman ko ngayon dahil iniwan nanaman niya ako sa pangalawng pagkakataon ng walang paalam.
BINABASA MO ANG
"coming back to you"
Ficción GeneralAlexandro collan is my husband he has a man with a good heart he will never get me into a complicated situation he love me so much and I love him too pero dumating ang kinatatakutan ko at yun ang nagpabago sa takbo at naging dahilan para siya'y iw...