A/N: credits to the writer of UEP CONFESSION. Thank you for allowing me to copy this entry and put it into my story 😊
===========================Entry #1
Sept 15,2016
Rolf,"Alam ko naman na mahal mo siya. Na kaibigan lang ako para sayo.Ano ba namang laban ko, e ilang taon na kayong magkakilala? Samantalang ilang buwan pa lang tayong nagkakasama. Pasensya na, hindi ko lang mapigilang umasa kasi bawat kilos ko, andiyan ka. Saan man ako pumunta, tayo ay magkasama. Minsan, nakakasawa na rin ang boses at pangalan mo pero, shit. Namimiss din naman kita agad kung wala ka.
Alam ko naman na mahal mo siya. Oo, ako nga yung nasa tabi mo pero sa tuwing sisilip ako sa cellphone mo, pangalan niya ang nasa screen mo. Yung kamay mo, malapit lang sa akin at puwede kong hawakan kung kailan ko gusto. Pero yung utak at puso mo, naroon sa kaniya. Ano ba namang laban ko, diba?
Alam ko naman na mahal mo siya. Kahit pa kinuwento mo sa akin noon na pareho kayong hindi pa handa kaya naghihintay kayo ng tamang panahon. Pero alam mo kasi, hindi ko mapigilang mahulog sayo bawat araw na kasama kita.
Alam ko naman ang kahihinatnan ng lahat ng ito.
Alam ko naman na kaibigan mo lang ako.
Alam ko naman na sa huli, siya pa rin ang pipiliin mo.
Pero bakit ganun? Hindi ko mapigilang umasa.☹️Fier
========================
BINABASA MO ANG
Friends with Benefits
RomanceWe often inlove to a guy who can't never be with.........But what if one day he offers you a friendship.....A friendship will lead to a benefits,...will you grab an opportunity just to be with him? Or you will just let him go away? I'm Edif...