Chapter 9: If You Can Dream
(Venice's POV)
---------------- ?
It's been two days since all the hype started.. At tulad ng sinabi ni Jerwin, the media (lalo na ung mga tabloids!!!) just throws random things out there!
Nag-rrange na ang profession ko from mail-order bride, to a bar hostess, to a golddigger, at ang pinaka-favorite ko, to a prostitute.. Oh di bah?!?! Alam kong malandi ako, pero hinde pa naman ako ganun ka-landi noh! At porket graduating college student ako, akala ba nila ganun na ko ka-desperada makakuha ng pang-tuition!?!? Mga ass-u-mers sila!
At ang pinaka-widespread na rumor na kumakalat, kaya lang ako papakasalan eh dahil sa pregnant ako.. eh mga adik ba sila?!? Ahyon na lang ba ang dahilan ng mga tao ngayon para magpakasal?! And besides, mukha bang malaki ang tyan ko!? Alam kong may bilbil ako, pero hinde naman sya condensed sa harap noh! >:(
Oo, nakaka-high blood talaga.. Buti na lang at nag-truce na kami ni Jerwin... Hatid-sundo nya na ko from school dahel baka masagasaan ako ng mga taong may galit o may kung anong amusement sa existence ko.. And at least, kahit anong kalokahan ang nangyayari pag lumalabas man ako mag-isa o with my friendships, kahit anong rant and rave ko, nakikinig sya.. :D
But he'll never be able to calm me down like you did...
I sat on the freshly cut grass, just in front of the gravestone.. Matagal-tagal na rin since nakadaan ako dito.. Kaseh naman, ang hirap lumabas noh! Tignan mo, tulad ngayon, kaya lang ako nakalabas dahel tulog na ang halos lahat ng tao sa Pilipinas! 11:00 na ng gabi. :)
Ako:But I'm here now.. and if you're watching me from wherever you are, you should know how crazy my life is right now.. Imagine, halos buong bayan yata ang nag-ttry na mang-istalk sa'kin! Abah! Na-bbuild up na ang muscles ko kakatakbo noh!
I ran a finger on the cold stone bearing Gerard's name.. his name.. and the date of his death..
Two years na ang nakakalipas, and I still can't get over the feeling na ang unfair that he never told me.... bastah na lang sya nag-poof out of my life..
Ako:Bubwit ka talaga, G.... If you were here, none of this would have happened.. You would've taken care of me.. If you were here......:’(
________________________________________
The next day, masakit man sa puso at sa ulo kong gumising ng maaga, anoh pang choice ko? Eh tinawagan ako ni Mr. Santos at on the way na raw ung driver nila para sunduin ako.. -___-
Sabado.. Sabado ngayon.. it's the only day of the week na pwede akong matulog hanggang hapon.... Why are they taking this away from me?! WHYYY?!?
"Ma'am? Ok lang poh ba kayo?"
Eh? -___-
Ako:Ok lang naman poh, Mang Ponce.. Bakit poh?
Mang Ponce:Mukha ho kasi kayong pagod na pagod.. May sakit poh ba kayo?
Ako:Nako, wala poh.. late lang nakatulog kagabi. San poh ba tayo pupunta?
Mang Ponce:Ay, sabi poh ni sir, dalhin ko raw kayo dun sa venue nung concert ni Sir Jerwin.
Ako:Eh?? Bakit naman?
Mang Ponce:Hindi ko poh alam eh.
Mga bubwit na Santos yan.. Hindi dahel mga morning person sila, kailangan na nila gimbalain ang pagiging night owl ko noh! Haaayyy..
After getting through a horrible traffic jam, nakarating na rin kami sa wakas dun sa music arena.. Binaba ako ni Manong Ponce sa front entrance.. After he drove off to park the family van, nilabas ko kagad ung compact mirror ko.. Abah! Syempre, dapat maganda ako for my fiancé..... Yak! wahahahaha ;D