Bakit mahal parin kita?
Ito ang pinakamabigat na tanong na kailanman hindi ko maisagot.
Lumipas na ang mga buwan at taon.
Bakit hindi parin nababaon sa limot ang lahat ng sakit at pagmamahal?Nagkaroon na ng pagkakataon na naiba ang ating landas. Tayo'y nagkahiwalay at akala ko'y wala na.
Ngunit ngayon, ako'y nag-iisa at nagiisip..
Bakit mahal parin kita?
MAHAL.
Isang salita.
Dalawang kahulugan.Yung isang kahulugan ay ginagamit para sa presyo. Presyo ng isang materyal na wala naman ding saysay. Para sa gamit na balang araw ay maglalaho din.
Maaring ito'y dahil sa nabubulok na o kaya't nawalan na talaga ng halaga.
Ang pangalawang kahulugan naman ay ginagamit para sa nararamdaman ng tao.
Para sa mga taong pinahahalagahan natin.
Maaring wala ring halaga ang taong yun sa iba pero para sayo, halos siya na ang buhay mo.
Siya ang lahat lahat sayo.
Mapapaisip ka na lang...
Pwede pala yun? na may isang taong pwedeng maging mundo mo.
At ang pinakamasakit?
Kapag sila'y nawala at naglaho, para kang isang gusaling gumuho.
At sa isang iglap, para kang mamamatay.
Itong kwento na ito ay isinulat ko dahil di ko na maitago.
Dahil sa hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan bakit nandito ka parin sa aking puso.
Teka, kwento ba ito or liham ko lamang hatid ko sayo?
Maaring kwento..
Maari 'ring liham...
pero isa lang ang sigurado..
Ito ay PARA SAYO.
BINABASA MO ANG
Bakit Mahal Pa Rin Kita?
PoetryIto ay isinulat ko dahil 'di ko na matatago. Ang bawat salita at letra ay galing sa puso ko, sana makarating ito sayo.