Chapter 2

54 0 0
                                    

Makalipas ang 15 minutes sinabi na ni miss na ipasa na ang mga test paper grade 7 muna tapos grade 8 naman at sunud- sunod. Kaya pumunta ako sa table ni miss at inilagay ang papel ko, hindi ko inaakala na makakasalubong ko siya. Tiningnan ko siya at tiningnan niya din ako pero hininto ko yun. Tapos nakita ko yung kaklase ko na maglalagay din ng test paper sinabi ko sa kanya "Ako nalang ang magpapasa niyan total tapos naman ako magpasa." sumang ayon naman siya. Dali dali akong pumunta sa table para ipasa yung papel ng kaklase ko. Akalain mo nga naman, hindi pa pala siya nakakapasa ng papel niya. Tapos bigla akong tinawag ni miss "John! Ibigay mo na yung papel mo bilis at para ang grade 9 na naman ang makapasa ng papel nila." Wala akong magawa kaya ipinasa ko nalang, total hindi naman sa akin yung papel eh, sa kaklase ko naman yun hahaha. Natapos nang mag pasa ang mga grade 9 at 10. Hindi ko namalayan na may dumaan na grade 10 sa likod ng upuan ko, kaya tumayo ako para maka daan siya ng maayos. Pagkatapos niyang dumaan umupo ako, hindi ko alam na si Mari ay dadaan din pala, kaya nag dali dali akong tumayo para padaanin siya kaya lang, parang nagalit siya. Wala akong magawa dahil hindi ko naman siya pwede kausapin baka sabihin niyang nagpapa feeling close ako sakanya. Mahirap na baka ma turn off siya sa akin hahaha. Biglang nag ring ang bell "Riing! Riing!" tumunog ito para sa recess. Pina una ko muna siyang lumabas dahil hinintay ko pa yung kaibigan ko. "Pare! Bilisan mo na!! Recess na pre!" sabi ko. "Teka nga pre.. nakikita mo namang inaayos ko pa ang gamit ko ah." sabi niya habang linalagay nya ang kanyang kamay sa bewang. "Aba! Parang excited ka yata ngayon ah.. anong meron??" tanong nya sa akin. "Meron?? Wala lang pre gusto ko lang kumain.. nagugutom na ako. Alam mo naman na pala kain akong tao." sabi ko. Pero sa totoo gusto ko lang makita siya hahaha. Sawakas natapos din siya. "Tinulak ko siya palabas sa classroom, doon nakita ko naman si Mari kasama ang isa niyang kaibigan malapit sa ramp. Parang nagkwe-kwentuhan sila. Nang nakita niya akong palabas parang may sinabi siya sa kaibigan niya para tingnan ako. "Ano ba yan!! Parang alam ko na kung bakit nila ako pinagtitinginan." sabi ko sa aking sarili. Dumiretso ako papunta sa canteen kasama yung kaibigan ko. Pagdating ko sa canteen bumili ako ng isang bananaque at milo. As usuall naman. Nang papabalik na kami ng kaibigan ko sa classroom, nag kasalubong na naman kami. Yun nga lang, papabalik pa naman kami sa classroom. Pinilit ko ang sarili ko na wag nang lumingon baka mabali yung leeg ko hahaha dumeretso kami ng kaibigan ko sa locker, kukunin namin ang mga libro para sa susunod na test at para maka pag-aral na kami. Papunta na kami doon, nang nag decission kami na wag nalang muna pumunta sa locker, umuulan pa naman baka mabasa kami hahaha. Hindi ko naman namalayan na nasa likod pala namin si Mari, pinagpapawisan na naman ako, at kinikilig hahaha ewan ko talaga kung bakit parati ko siyang nakikita. 

SekretoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon