Kina-umagahan sabado yun. Sinearch ko siya sa google hahaha ang tanga-tanga ko dapat pala FB. Nabigla ako sa nakita ko, nalaman ko na dancer at singer pala siya kaya pinanood ko yung mga videos niya sa youtube. Medyo nag ka fan din ako sa kanya hahaha. Pero ang pinaka paborito ko ay yung kumanta siya ng "The Climb" ni Miley Cyrus. Napaka bata pa niya non hahaha ang cute cute pa. Atin-atin lang to ha... simula non sinustalk ko na siya. I nadd ko na siya sa fb pero hangang ngayon hindi parin niya ako inaaccept. Malas ko talaga. Pati rin sa twitter, insta, ask.fm at keek. Pinanood ko lahat ng mga videos niya, nag tanong ako, inalam ko yung mga pangalan ng mga kaibigan niya nang nakahanap na ako ng tsempo tinanong ko yung mga kaibigan niya sa pamamagitan ng ask. Ginawa ko ang lahat para lang sa kanya. Isang araw nag tweet ako ng "Bulag ka ba? Kasi hindi mo nakikita na mahal kita o sadyang bingi ka lang talaga dahil hindi mo naririnig ang tibok ng puso ko para sayo." yang tweet na yan ang hindi ko malilimutan alam niyo kung bakit? Ito kasi ang nangyari... makalipas ang ilang minuto o kaya naman hours nag stalk naman ako sa mga tweets niya hahaha doon nakita ko yung tweet niyang "Samoka nimo oy pa blind2 wa sa ka kataw'an ra tika heks." sa moment na yan kinilig ako ng sobra dahil pinansin niya yung tweet ko hahahaha hininto ko muna yung kilig ko ba ka hindi pala para sa akin yung tweet na yun ba ka para sa iba haha. Simula non feeling ko pinapansin na niya yung mga tweets ko kaya panay ang pagpapansin ko sa kanya gamit ang mga tweets ko. Nag tweet ako ng mga love quotes mga tweets na nagsasabi na mahal ko siya hahaha mga ganon. Isang araw tinweet ko sa kanya ang isang tweet ni PeanutBitterLOL ang sabi nito "Waiter kaba kasi naghihintay kang mahalin ka ng crush mo kahit wala kanang dapat hintayin." tapos finavorite nya yung tweet ko tapos alam mo kung ano ang sabi niya?? hahahaha wag nalang siguro nahihiya ako hehehe basta nakaka kilig hahaha. Makalipas ang ilang buwan napansin ko na parang hindi na siya kagaya nung dati na parating ngumingiti pag nakikita niya ako. Ngayon nakasimangot na siya pag nagkikita kami. Parang nagagalit siya sa akin. Tapos bigla kong nalaman na may nag ka gusto pala sa kanya... isang grade 8 sobrang selos ko nun. Isang gabi nag tanong ako sa ask.fm niya "Nganong kada agi nko mura kag masuko?? Unsa diay akong gibuhat nmo??" tanong ko sa kanya. Nag anon muna ako sa ask ba ka hindi niya sagutin yung mga tanong ko. Hinintay kung sagutin niya yung tanong ko. Sinagot niya ito agad-agad. Sabi nya "Sino ba to? kapag titingin ako sa ibang tao na hindi ko kilala mahihiya ako. Ganito talaga ang mukha ko hahaha" Parang hindi yata yun yung ineexpect kung sagot niya. Palibhasa kasi nag anon ako. Kaya nag decission akong tumweet sa kanya sa twitter alam niyo hindi pa yun yung unang conversation namin sa twitter hahaha. Alam niyo na kung ano yung una diba?? Yung pangalawa ay nag tanong ako sa ask naman niya kung bakit private ang kanyang twitter sabi niya "Wala lang, trip2" tapos nagtanong na naman ako sa kanya hangang umabot sa punto na gusto nyang malaman kung sino ako. Tapos sa bi ko sa kanya "Sige mag papakilala na ako.. tweet lang kita sa twitter ha." reply nya sa akin "Tweet." dun nag pakilala ako tapos nag karoon kami ng conversation hindi ko nalang sasabihin private kasi ito eh hehehe. Tapos sabi ko sa kanya pagkatapos ng pag tutweet namin "Kapag may problema ka.. nandito lang ako para makinig." hulaan niyo kung ano ang reply nya sa akin dahil hindi ko muna sasabihin hehehe ba ka magalit yun dahil ginawa ko to hahaha. Yun yung pangalawang conversation namin hehehe. Ang pangatlo naman na labis kong pinagsisisihan..... di ba nag tanong ako sa kanya kung bakit kapag dadaan siya para siyang nagagalit? Eto yung nangyari...... gabi non nag lakas loob akong tumweet sa kanya tinanong ko sa kanya yung the same question din kung bakit parang nagagalit siya pag nagkikita kami. "Hi remember me?? I also exist... hindi lang yung grade 8 student na may gusto sayo. Bakit ka nag bago??" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang hindi ko inaasahan na mag rereply siya. "I remember you, I even saw you. I looked at you but then you look away. Don't tell me that, I have reasons don't judge." reneply nya sa akin. Wala akong masabi sa kanya. Na realise ko na ako pala ang may kasalanan hindi yung grade 8. "Hindi naman sa ganoon.. akala ko kasi na magagalit ka kapag tumitig ako sayo kaya hindi ko nalang ginawa yun." tinweet ko sa kanya. Tapos nag patuloy ang aming conversation hangang sa umabot na pinag tapat ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman...... hahahaha biro lang, sekreto nga eh hahaha.

BINABASA MO ANG
Sekreto
RomansaNaranasan nyo na bang umibig sa isang tao na patago?? O kayay nagka gusto ka sa isang tao na hindi mo masabi sabi na gusto mo siya dahil baka iwasan ka niya. O kaya namay dahil sa isang rason kung bakit ayaw mo pading aminin sa kanya na mahal mo sya...