Part 2.2

28 1 0
                                    

Minsan tinatanong ko ang sarili ko...

......."Sino ba ang pipiliin ko?".......

napakahirap pumili. Pareho ko silang mahal. Minsan may nag sabi sakin

"Piliin mo yung isa. Paano ka naman makakahanap ng iba kung hindi mo talaga mahal yung una."

oo may point ka nga don pero hindi naman talaga ako magmamahal ng iba kung hindi siya nagmahal ng iba diba. Parang simpleng move on lang parang ganon. Hindi ko naman dapat talaga mahalin siya ulit pero sadyang hindi na talaga mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Ang feelings nato ay sadyang nakatatag na sa puso ko. Na kahit pilit kong burahin, tanggalin at limutin hindi na talaga to mawawala. Sinabi ng kaibigan ko to sakin...

"Puppy love lang yan pre! Hindi yan tunay na pagmamahal. Mag move on ka na. Ang bata-bata mo pa para sa mga bagay na ganyan. "

move on?! Parang wala yatang naging kami ah hahahaha. Pero sabagay tama din naman siya. Puppy love lang talaga siguro to. Kailangan ko nalang limutin at burahin siya sa isipan ko.

Sa tingin niyo... puppy love lang ba talaga to? o true love na talaga to.

Parang kailangan ko ng palitan ang title ng story na to na "Puppy Love" HAHAHAHAHA pero pag-iisipan ko muna hahaha.

Dumating ang isang araw na biglang nakapag bago ng buhay ko... ng pagtingin ko kay Mari.

Kumalat ang tsismis na may crush siyang iba. Hindi ko alam kung totoo ba yun o hindi. Madaming nagsasabi na may gusto siya sa kanyang kaibigan. Yung sinasabi ko sa inyo... yung best friend niya na ang tawagan nila ay best. Alam kong sabi-sabi lang yun pero parang nahahalata ko na totoo yung sinasabi nila.

pero hindi muna ako naniwala ng diretso. Tinanong ko siya. Akalain mo yun tinanong ko talaga siya. Wala akong pake-alam kung ano ang magiging reaction niya. Magalit man siya o magduda. Handa akong saluhin lahat non total iiwasan ko naman talaga siya pagkatapos nito.

"May gusto ka ba kay (name of bestfriend)? Sabi kasi nila na may gusto ka sa kanya." tinanong ko siya sa pamamagitan ng twitter.

hindi ko muna ilalagay ang pangalan ng kaibigan niya ba ka makilala niyo siya at para maka-iwas issue din tayo. Makalipas ang ilang oras sumagot siya.

"Ha?! Wala akong gusto sa kanya. Kaibigan ko lang siya." sinabi niya.

kaibigan mo lang ba talaga siya? o may sekretong pagtingin ka din sa kanya na matagal mo ng tinatago? Gustong-gusto kong sabihin to sa kanya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Sinabi niya na kaibigan niya lang siya at naniniwala ako. Pero sana wala talaga dahil nasasaktan ako tuwing naalala ko na may pagtingin siya sa kanya. Tanggap na tanggap ko naman kung may kaagaw ako sa kanya pero sana intindihin niya rin na minsan nagseselos din ako... at nasasaktan.

"Iiwasan ko na siya ngayon hangga't maaga pa. Hinding-hindi na rin ako magpapakagago para lang sa kanya. Oo, duwag nga ako pero kahit minsan hindi ako naging duwag magmahal ng isang babae na alam kong marami akong kaagaw na kahit minsan hindi ako minahal, di ako pinansin, pinahalagahan at ang pinakamasakit sa lahat... hindi ako pinagkatiwalaan ng puso niya."

...MOVE ON NGA ANG SOLUTION...

SekretoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon