Sawakas nakarating na ako sa classroom. Pumunta ako sa upuan ko para mag review, pag upo ko may nag tanong sa akin "Meron ka bang extrang ballpen? Naubusan na kasi ako ng ink." tanong niya sa akin. "Ah.. eh.. wala na, isa lang kasi ang dala kong ballpen." sabi ko. Hindi ko namalayan na pumasok na pala si Mari sa classroom, nung pumasok siya bigla siyang natapilok kaya agad- agad akong tumakbo sa kanya para saluhin siya. Kaya lang may isang problema........ nag da day dream lang pala ako sa kanya hahahaha kapal ko noh?? hahaha pasensya na kayo, may pag ka ambisyoso lang talaga ako. Hay nakakapagod i narrate lahat i ski-skip ko na lang ha. Makalipas ang ilang linggo, nag karoon ng campaign election yung paaralan namin. YOLO vs. WISELY. Pero bago kami pinaboto nag karoon muna ng debate. Pumunta kami sa gym para manood ng debate. Hinintay muna namin na makapasok lahat ng mga highschool. Kami kasi yung unang nakapasok sa gym kaya medyo naghintay kami ng matagay. Hinanap ko don si Mari nung nahanap ko na siya nakaramdam ako ng kilig ahhhhhh sumisigaw na yung puso ko. Hindi ko mapigilang ngumiti. Panay ang titig ko sa kanya parang nakadikit na ang mga mata ko sa kanya kahit pilit kong tangalin hindi parin matangal. Nagsimula na ang debate pero bago yun nagkaroon muna ng intermission number ang bawat party umuna yung YOLO PARTY. Napakaganda ng kanilang sayaw hahahaha kaya lang ang iba sa kanila ay hindi coordinated. Pagkatapos non inexplain nila ang mga..... ah eh.... hindi ko alam kung ano ang tawag don hahahaha parang mga events yata at mga changes sa paaralan hindi ko alam pasensya na hahahahaha. Pumalakpak ang lahat at nagsigawan. Kaya pumalakpak din ako at sumigaw hindi para sumunod sa kanila kung di para tumingin si Mari at mapansin ako hehehe. Ganyan ka kapal ang mukha ko hahahaha. Sumunod naman ang WISELY PARTY. Hindi sila sumayaw kung di nagkaroon sila ng introduction. "Everyone let's meet our President Dorothie Mae Lazala." tawag ng kanilang campaign manager. Tsaka sumunod naman ang vice president at tuloy-tuloy. Tapos inexplain naman nila yung.... alam mo na hahahaha hindi ko parin maalala kung ano ang tawag don hehehe. Pagkatapos ay nagsimula na ang debate "wooohooo!!" sigaw ng kaklase ko. Pumalakpak ang iba at nagsigawan. Hulaan nyo kung ano ang ginawa ko....... eh di pumalakpak din hahahaha para mapansin na naman ako ni Mari hahaha. At don na realize ko na nahanap ko na pala ang matagal ko ng hinahanap. Ay nakalimutan ko palang sabihin sa inyo... nasa other side pala siya ng gym naka-upo. Pero ok lang dahil maganda naman yung view ko sa kanya. Hay nako kung pwede ko lang sana siyang titigan ng matagalan gagawin ko yun pero sekreto nga yung pagibig ko sa kanya eh kaya wag muna ngayon. Mahirap na baka mabuking ako ng mga kaklase ko at agawin siya sa akin hahahaha biro lang hindi naman ako ganyang tao hehehe. Alam niyo sa totoo lang walang araw na hindi ko makikita si Mari halos araw-araw nakikita ko siya. Natatakot ako pag nalaman niya na gusto ko siya ba ka iwasan niya ako gaya ng iba. Pero GV muna tayo ngayon dahil kinikilig ako hahaha. Pero mas napansin yata niya ako nung tinawag ng campaign manager yung kaklase ko na si Ramiel Pamonag. Lahat yata ng mga kaklase ko nag palakpakan, at nagsigawan "Wooohooo!! Go Ramiel!" sabi ng isang kaklase ko. Sumigaw din ako at pumalakpak ng husto dahil nakatingin si Mari hahaha. Pero pinahinto kami ng adviser ko. Malas! haha. Tinitigan ko na naman si Mari pero hindi ko pinahalata dahil naka tingin sa akin yung kaibigan niya. Sa totoo lang hangang ngayon kinikilig pa din ako kapag naaalala ko yung nangyari hahaha ewan ko talaga kung bakit basta kinikilig ako at nawawala lahat ng problema ko hahaha. Makalipas ang ilang oras natapos na yung debate.. feeling ko mananalo ang YOLO PARTY. Sa debate pa nga panalo na sila, sa botohan pa kaya? May nag tanong sa akin kung ano daw ang paborito kong part sa debate... alam nyo ba kung ano ang sinagot ko? Sabi ko yung part na... na tiningnan niya ako sinabi ko yun na pabulong kaya hindi niya ako narinig "Ha?!" tanong niya. "Ah wala sabi ko yung nag debate si Suson at si Pamonag." sinabi ko sa kanya. "Ahh akala ko kung ano na hahaha." sabi niya.

BINABASA MO ANG
Sekreto
RomanceNaranasan nyo na bang umibig sa isang tao na patago?? O kayay nagka gusto ka sa isang tao na hindi mo masabi sabi na gusto mo siya dahil baka iwasan ka niya. O kaya namay dahil sa isang rason kung bakit ayaw mo pading aminin sa kanya na mahal mo sya...