PART 2
INTRAMURALS AT CHRISTMAS
PARTY
Sawakas dumating na ang intramurals.. sumali ako sa table tennis, gusto ko kasing ma ka experience ng bagong sport. Salamat sa isa kong kaibigan na kung hindi dahil sa kanya hindi sana ako makaka pasok sa table tennis. Salamat sa iyo Mike kundi dahil sayo hindi ako nakapasok sa table tennis at kung hindi din dahil sayo hindi ko nakilala si table tennis girl. Alam niyo ba kung sino siya? Hulaan niyo hihihi. Isa lamang siyang bababe.. babaeng nagustuhan at nakilala ko nung nalaman ni Mari na may nagkagusto sa kanyang grade 8. Sabi ko nga sa sarili ko pagnakilala ko sino yung grade 8 na yun bubugbugin ko siya hahahaha biro lang hindi naman akong ganyang tao. Hindi ako mangbubugbog dahil nagseselos ako. Sabagay ganyan talaga ang mararamdaman ng isang lalaki pagnagseselos sila. Balik na nga tayo kay table tennis girl hahaha. Grade 9 din siya pero alam niyo ba kung ano ang kinakatakutan ko? Kaibigan siya ni Mari akalain mo yun. Kaibigan siya! Tsk! Pambihira! Sa kay dami-daming mga babae sa paligid siya pa ang nagustuhan ko! Pambihirang pusong ito oh. Nakaka-inis na. Sinong may gustong magpalit ng puso diyan? Bilis! Sabihin niyo sakin ayaw ko na sa puso kong ito hirap maintindihan haha. Balik na nga tayo sa kwento. Teka saan na ba tayo?........ Ahh naalala ko na. Oo kaibigan siya ni Mari pero hindi ko yun inaalala dahil mahal ko na siya eh. Isang araw nag tweet ako.. sabi ko
......."Hi table tennis girl."........
hindi ko siya minention. Indirect muna ba ka sabihin niyang nagpapansin ako haha. Mga ilang minuto bigla rume-act si Mari hindi ko alam kung para sa akin ba yun. Indirect kasi, hindi pa nga nya ako minention kaya wag muna tayo maging feeler haha.
...........isang gabi.........
May nakita ako... hindi ko alam na may best friend pala siyang lalaki kaya sinearch ko siya. Doon nakita ko na meron na pala siyang jowa kaya kampante ako na hindi mahuhulog ang loob ni Mari sa kanya. Sinabi ko ba sa inyo na stalker ako sa mga convo nila? hahahaha ang kapal ko noh? haha.
"Ano ba yan! Ang aga ko bukas hahahaha."
"Bakit best?" akalain niyo.. best ang tawagan nila ha hahahaha.
"Wala lang gusto ko lang hahahaha. Loner nanaman ako bukas best maaga kasi akong pupunta sa school."
"Ahh ganon ba best.. sige aagahan ko bukas para may kasama ka."
Pagkatapos non hindi na nag reply si Mari. Pinatuloy na niya ang pag twetweet niya hahaha. Napaka jolly niyang tao alam niyo ba yun? haha.
........kinabukasan..........
Nag tweet na naman siya hahaha. Ang aga-aga kaya non mga 4:11 pa yata nun ng madaling araw. Hahahaha adik talaga siya sa twitter. Minsan gusto kong sabihin sa kanya
"Sana twitter na lang ako noh? Bakit? Kasi para maadik ka din sa akin."
Hahahahaha ang corny ko noh pagpasensyahan niyo na hindi kasi ako magaling sa mga pick up.
Alam niyo paminsan-minsan tinatamaan ako ng mga tweets niya hahaha hindi ko alam kung bakit. Basta tinatamaan lang talaga ako.
Pumunta ako sa kwelahan ng maaga. Gusto ko kasing mag laro ng table tennis hahaha. Joke lang gusto ko kasing makita si Mari kahit medyo wala pang tao. Hindi na ako namomoblema kung saan siya nakastandby dahil alam na alam ko na talaga kung saan siya parating naka-upo.
.......pagdating sa school..........
Plano kong dumiretso sa classroom wala pa kasi ang mga kasama ko sa table tennis. Nung nasa soccer field ako nakita ko si Mari sa may lunch counter kung saan siya parating na ka standby haha. Kinikilig na naman ako haha. Bwiset! Pambihira naman oh haha. Kung kailan pa akong malapit mag move-on doon pa siya nagpapakilig sa akin. Nung nakita niya ako bigla siyang nag smile haha napakaganda talaga niya. Yung kahit galit ka sa kanya mawawala lahat non pag nakita mo ang smile niya. Kahit simple lang Heaven na yun para sakin. Alam mo ba kung ano ang reaction ko nung nag smile siya? Tumakbo ako papalayo hahahaha hindi ko alam kung bakit basta bigla na lang akong tumakbo. Imbis na mag smile ako sa kanya, tumakbo nalang ako. Yan ang hirap sakin! Hinding-hindi ko maiintindihan ang sarili ko. Nang umabot na ako sa classroom doon ko nakita ang mga team mates ko sa table tennis aka mga kaklase ko. Kaya hindi na kami nag tagal sa classroom at dumeretso na kami sa guardhouse kung saan magsisimula ang timpalak. Dumaan kami sa soccer field kaya hindi ko naiwasang makita na naman si Mari. Hindi ko siya pinansin... ulit. Napaka-bobo ko talaga. Torpe pa nga ako, bobo pa tsk. Nang dumating kami sa guardhouse nagsimula na ang competetion una kaming nag laro. Juniors vs. Freshies Doubles. Ako at si Mike ang nag represent sa freshies' doubles. Nung una naging madali lang ang laban kaso nung sa gitna-gitna medyo naging mahirap pero sa tulong ng mga nag cheer nakabangon kami. Tawag nila sakin ay Dila Boy kasi sa tuwing nag seserve ako lumalabas ang dila ko hahahaha.

BINABASA MO ANG
Sekreto
RomanceNaranasan nyo na bang umibig sa isang tao na patago?? O kayay nagka gusto ka sa isang tao na hindi mo masabi sabi na gusto mo siya dahil baka iwasan ka niya. O kaya namay dahil sa isang rason kung bakit ayaw mo pading aminin sa kanya na mahal mo sya...