Aimie's POV
"Ikaw/ikaw!" sabay na sigaw namin ni Evangelista..
"Magkakilala kayo?" tanong ni Ate Joy..
"NO/HINDE!" sabay na sigaw ulit namin..
"Wag mo kong gayahin/wag kang manggaya!" sabay na naman kami..tch..gayagaya kasi..
"Ehem! akala ko ba hindi kayo magkakilala??" tanong naman nung Ash ata ang pangalan saming dalawa..
"Hindi nga sabi!" sabay na sabi namin ulit..tapos tiningnan ko sya ng masama..as in masamang masama.. -_____-+++
"Okay! relax! sabi ko nga hindi kayo magkakilala eh! sinong bang nagsabi!" sabi nung Ash sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis..
"Ehem! okay! tama na yan! move on na tayo dyan..so, Dwayne why are you here??" sabi naman ni ate joy..
"Sinamahan ko lang si Ash.." sabi naman ni evangelista habang nakapoker face na naman..ano pa nga ba??
"Ate pwede bang--" Ash..
"OO alam ko na hindi mo na kailangan pang sabihin..well always naman kasi na tuwing umiinom kayo ng mga katropa o kaya ng mga kaibigan mo dito mo niyaya kapag kailangan mo silang ilibre, kasi ayaw mong magbayad..tss..wala ng bago dun.." Ate Joy..haha..ang kuripot naman nung Ash..
"Ate naman.." Ash sabay kamot sa ulo..
"Oo na sige! Shhoooo!!! alis na kayo.." sabi naman ni ate joy..yes! aalis na rin si Evangelista sa wakas!! at salamat naman at makukuha ko na rin sweldo ko..:))
"So, Aimie..eto na yung--" sabi ni ate Joy..ng biglang..
"ASHTON JAMES!!!!" nagulat kaming dalawa ni Ate Joy dahil biglang bumukas yung pinto ng office nya at may sumigaw..
Grabe ha! hindi na natuloy-tuloy yung pagkuha ko ng sweldo ko..yung totoo..susweldo pa ba ko?? -_________-"
"Hey Ashley! ang ingay mo na naman! halos gibain mo na tong bistro ko dahil sa sigaw mo! sobrang lakas ha!!" Ate Joy..
"WWAAAAHHH ATTEEE!!!" iyak nya sabay yapos kay ate Joy..
"Oh! bakit na naman??" Ate joy..
"Kasi si Ash eh! iniwan ako sa mall! ang tagal-tagal kong naghintay don! sabi niya magccr lang daw sya tapos hindi na bumalik! ang dami ko pa namang paper bags na dala!!" sabi nung babae kay ate joy..
"Eh kakaalis lang ni Ash dito eh! ano ba naman yan! lagi na lang kayong magkaaway nung kakambal mo.." Ate Joy..
Hanubayan! gusto ko na talagang umuwi..hindi ko pa rin makuha yung sweldo ko..
"Ahm..ate joy excuse me..yung ano ko po--" sabi ko kay ate joy kasi mukhang nalimutan na nyang nandito ako..
"Oh! I'm sorry! hindi ko nga pala naabot sayo yung sweldo mo! oh eto na!" sabay abot sakin nung sweldo..Whhoo! sa wakas eto na talaga yung sweldo ko..last na to promise! :))
"Salamat ate joy! aalis na po ako.." sabi ko naman tapos lumabas na ko ng office..
--------------------------------------------------------------------------------
>>>Next day..>>>>>
Tss.. ang tagal na naman magpalabas ng prof. namin..
"We all know that every 2 years we have a search for MR. and MS. Ashford University..blah. blah.blah. blah.blah. blah.blah. blah...." TSs..we all know? eh hindi ko nga alam na may pageant pageant pala dito eh..we all know daw.. -________-"
BINABASA MO ANG
It Started with YOU and ME
Teen FictionPaano kaya kung sa isang hindi inaasahang pangyayari ay magkatagpo ang dalawang taong parehas na hindi naniniwala sa pag-ibig? Ito na kaya ang magiging simula o dahilan para maniwala sila dito?