Waaaaaahhhhh!!!!!!!!!...nasan na yun?! hindi yun pwedeng mawala..napakahalaga nun para sakin..yun na lang ang kaisa-isang ala-ala sakin ng mama ko.. :((
Pano na?! ano nang gagawin ko.. hindi ko ba naiwanan sa kwarto ko?
*punta sa kwarto..
WALA!..
Baka naman naiwan ko sa kitchen..
*punta sa kitchen..
WALA rin...
O baka naman naiwan ko sa mesa? sa sala? sa banyo? sa lababo? sa pinto? sa bintana? sa upuan sa ilalim ng kama? sa mga drawer? sa mga cabinets? sa bubong?
Waaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!! hindi ko pa rin makita.. :((((
Teka san ba ko huling pumunta?
*ting
Ah! alam ko na...
------------------------------------------------------------------------------------
BISTRO>>>>>>>
Nandito ako sa bistro dahil nagbabasakali ako na makita ulit yung bracelet dito..kasi diba, dito lang naman ang huling lugar na pinuntahan ko..
Sana makita ko yun dito...
Makapunta nga sa office ni Ate Joy..baka naiwan ko dun..
"Ate Joy.." sabi habang nakatok sa pintuan ng office nya..
"Come in" Ate Joy..
Kaagad naman akong pumasok sa loob..
"Oh! bakit ka ulit nandito? may kailangan ka ba?" Ate Joy..
"Ah! wala po akong kailangan..may itatanong lang po sana ako sa inyo.."
"Sige, ayos lang. ano ba yung itatanong mo?"
"Ano po kasi.. baka po naiwan ko yung bracelet ko dito..mahalaga po kasi yun sakin..nakita nyo po ba??"
"Huh? wala ka namang naiwan dito na bracelet eh..teka sasabihin ko na lang sa mga staff at janitors na kapag may nakita silang bracelet dito eh ibigay kaagad sakin tapos sasabihin ko na lang sayo..ano ayos lang ba yon??"
"Ah..sige po maraming salamat talaga ate joy..mahalang mahalaga kasi talaga kasi yun eh...sige ate joy..aalis na ko.." sabi ko sa kanya tapos kaagad na kong lumabas sa office nya..
Haaayyyyy.....san ka na ba bracelet ka? magpakita ka na naman please..
Habang naglalakad ako palabas ng bistro..tumitingin ako sa paligid kasi diba, malay mo dito ko nahulog yung bracelet..kaya naman palinga-linga ako habang naglalakad..sinisilip ko rin yung ilalim ng upuan at mesa pero..medyo lang ha! baka kasi ireklamo ako ng mga customer na naninilip ako! Baka makulong ako ng di oras..
Tapos pagkasilip ko ilalim ng isang mesa..nanlaki yung mata ko dahil may nakita akong nakislap na bagay na sa tingin ko eh yung baracelet na hinahanap ko kaya kaagad akong tumayo para lumapit sa table na yun at makuha ko yung bracelet..
Bracelet palapit na ko sayo..stay put ka lang dyan wag kang gagalaw..
Noong hahawakan ko na yung bracelet..
"ARAAAAY!!!!" sigaw ko dahil merong tumaapak sa kamay ko noong aabutin ko na yung bracelet..
Paglingon ko, nakita ko na lalaki pala yung taong tumapak sa kamay ko at tiningnan ko ng masama..tapos yung lalaki naman nakatingin lang sakin..
"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" sabi nung lalaki..Wow! ha! sarap lang kutusan netong lalaking to eh no! tanungin ka ba daw kung ano ang tinitingin-tingin ko samantalang halos madurog nya yung mga buto ko sa kamay dahil natapakan nya!
BINABASA MO ANG
It Started with YOU and ME
Novela JuvenilPaano kaya kung sa isang hindi inaasahang pangyayari ay magkatagpo ang dalawang taong parehas na hindi naniniwala sa pag-ibig? Ito na kaya ang magiging simula o dahilan para maniwala sila dito?