"Manong para na po.." sabi ko kay manong driver at bumaba na ko kaagad sa jeep..
Ano pa nga ba..nandito na ako ngayon sa Ashford University at naglalakad na ko sa corridor..papunta na kasi ako ngayon sa room namin, buti na lang talaga at maaga ako ngayon nagising at hindi ko na kailangang magmadali sa paglalakad.
Noong nakarating na ko tapat ng room namin kaagad na kong pumasok at as usual may kung ano-ano na namang business ang mga kaklase ko..
At nakita ko na naman ang taong ayaw kong makita at nagpapagulo ng araw ko..siguro naman hindi ko na kailangan pang sabihin ang pangalan ng bwisit na yun..tss..kilala nyo na sya..
Noong lumingon ako sa kanya..nakita ko na naman syang napapaligiran ng mga sisiw tss..tapos nung nakita nya ko kumindat sya sakin..pero tiningnan ko lang sya ng masama at dumiretso na ko sa upuan dahil baka hindi ako makapagpigil at mabangasan ko ang mukha ng KUMAG na yon..
Makapagdoodle na nga lang..Baka sakaling makatulong pa to sa pagtatangggal ng badvibes..
Kinuha ko naman yung notebook ko at nagsulat ng kung ano habang naghihintay sa teacher namin..
Mayamaya..dumating na yung teacher namin sa first subject si Mrs. Ramirez..
"Goodmorning class.."
"Goodmorning Mrs. Ramirez.."
"Okay class you may now take a seat..before we start our discussion..I want you to meet your new classmate..Mr. Evangelista..Mr. Evangelista, come in and introduce yourself.."
Tss..nadag-dagan na naman ang bilang ng mga mayayaman sa school nato..sino naman kaya yung bago naming kaklase?
Itinigil ko muna yung pagsusulat ko ng kung ano-anong kaek-ekan sa notebook at tiningnan kung sino yung bagong kaklase namin..pagkalingon ko...
"Waaaaahhhhhh!!!"
"Waaaahhh!!!! ang gwapo nya naman!"
"Sis..hihimatayin yata ako! grabe ang hot nya!!"
"Ang swerte naman natin..may gwapo tayong kaklase!!"
"Ang cute nya!"
Sigaw ng mga kaklase kong babae..samantalang yung mga lalaki naman ay tahimik lang..
O______________O
Nanlaki bigla ang mga mata ko ng makita ko kung sino yung bago naming kaklase..
H-hindi ba ko n-nananaginip? *kurot sa sarili..
Aray masakit! so t-totoo nga..kaklase ko yung aroganteng lalaki na nakita ko sa bistro..Waaaaaaaaahhhhhhhhh!!!! minsan talaga naiisip ko kung ano ba talagang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganito..bakit sa dinami-rami ng mga bagong estudyante..sya pa!! Iniisip ko tuloy kung magkakaroon pa kaya ng kapayapaan tong buhay ko..
"Hi, I'm Dwayne Tristan Evangelista.." Sabi nya ng hindi ngumingiti tapos tumili na naman yung mga kaklase kong babae..
"Okay..thank you Mr. Evangelista..you may now take your seat.." sabi ni Mrs. Ramirez..
Take a seat?? eh sa dulo lang naman ang bakanteng upuan so it means...dun sya uupo..
Pero ang problema...ako lang naman ang kaisa-isang estudyante na nakaupo sa dulo kasi nga commoner ako at ayaw tumabi sakin ng mga kaklase ko...
W-wag mong sabihing sa tabi ko sya uupo?! Oh no!! AYAW KO!!!! WAAAAAAAAAhhhh!!!!!! HELP!!!
WAAAAAAAHHHHH!! sana hindi sya umupo sa tabi ko..please..magpapakabait na talaga ako...
BINABASA MO ANG
It Started with YOU and ME
Novela JuvenilPaano kaya kung sa isang hindi inaasahang pangyayari ay magkatagpo ang dalawang taong parehas na hindi naniniwala sa pag-ibig? Ito na kaya ang magiging simula o dahilan para maniwala sila dito?