Aimie's POV
Hmmm..ano pa nga ba yung hinahanap ko?...
.
.
.
.
.
Ah! oo! yung crepe paper pa pala! Tama!
Teka parang kulang ata yung glue na pinapabili nila? dagdagan ko kaya? wala naman sigurong masama dun diba? kasi sa tingin ko, hindi kakasya tong isang glue sa project namin..mabuti na yung sigurado! atsaka nakakapagod kaya ang pabalik-balik..at sure namang ako na naman ako pabibilhin nung mga yon!..
.
.
.
"Okay na siguro 'to..wala ng kulang..makapunta na nga sa counter.." sabi ko tapos naglakad na ko papuntang counter para mabayaran ko na yung mga pinapabili nila at makauwi na ko ng maaga..
Oo nga pala..nalimutan kong sabihin kung nasaan ako ngayon..nandito nga pala ako sa National Bookstore dahil inutusan ako ng mga kaklase ko na bumili ng mga materials na kailangan ng section namin para sa project..oo, tama yung nababasa nyo..lahat ng kaklase ko nagpabili sakin ng materials na kailangan namin sa project imbis na yung kailangan ko lang bibilin ko at konti lang rin yung bibitbitin ko..ang dami tuloy!
Pero syempre, hindi ko binayaran lahat yun, I mean..ang binayaran ko lang ay kailangan ko sa project tapos nagbigay na lang sila ng pambayad sakin at ako ang bumili..ang dami-dami naman neto! sana madala ko lahat..Goodluck na lang sakin.. whhooo!
>>>few minutes>>>
Tss..ang dami namang tao! ang haba-haba pa ng pila! tss..makalabas na nga dito...buti na lang..medyo magaan lang yung mga binili ko kaya nabubuhat ko sya kahit marami sila..
tss..bakit ba kasi ang layo ng exit ng mall na to! naku! makaupo na nga muna sa bench..napapagod na ko sa kakalakad..
Mayamaya..habang nakaupo ako sa isang bench..may nakita akong isang babae na napapaligiran ng maraming paper bags..oo as in marami! siguro mga mahigit sampu yung mga paper bags nya..hindi ko na kasi binilang,, tinatamad na ko eh! -______-"..
Tss..basta yun na yun! tapos sigaw sya ng sigaw habang may tinatawagan sa phone nya..tapos mayamaya ulit hinagis nya yung phone nya at umupo sa bench..ano ba yan! sana binigay nya na sakin! sayang kaya! at mukhang mamahalin pa yung phone nya, tapos hinahagis nya lang! wew!..
At dahil may pagkachismosa ako..at dahil na rin sa curiosity ko na ayaw ako patahimikin..lumapit ako sa babae..
Teka..ano bang sasabihin ko..wala akong maisip eh! pano ba?! Aisshh! bahala na nga!
"Uhm..Miss??" simula ko..tapos lumingon naman sakin yung babae at tumingin ng masama! grabe nakakata---
O__________________O
Pero mayamaya pagkalingon sakin ng babae..unti-unting nadigest ng brain ko kung sino yung nasa harap ko..
.
.
.
.
.
.
"M-ms. Ashley???" sabi ko nung pagkaharap nya..
Ano naman kayang ginagawa ng kapatid ni ate joy dito?? at bakit naman sya nagwawala..nakakapagtaka naman...
"Hey miss... do i know you..and have we met??" sabi naman nya at kitang-kita namang nagtataka sya kung bakit ko sya kilala..sabagay..kung ako rin ang nasa kalagayan nya magtataka rin ako kaya hindi ko rin sya masisisi.. atsaka nga diBa..sabi ng mga nanay natin..don't talk to strangers!
BINABASA MO ANG
It Started with YOU and ME
Teen FictionPaano kaya kung sa isang hindi inaasahang pangyayari ay magkatagpo ang dalawang taong parehas na hindi naniniwala sa pag-ibig? Ito na kaya ang magiging simula o dahilan para maniwala sila dito?