NAGISING na lamang ako sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko to sa bulsa at tiningnan. Tangina. Si Zack lang pala ang tumatawag.
"Hel-" di natuloy ang aking sasabihin dahil may isang palad na dumampi saakin. Shit. Ansakit na sa sobrang sakit napadala ako sa lakas na sampal nayon pati cellphone ko'y napatilapon.
Doon ko na lamang napantanto na wala napalang mabigat na nakahilig sa aking balikat. Napatingin na lang ako doon sa may-ari ng kamay. Kitang-kita ko sa mukha niya lalong-lalo na kung paano nagsasalubong ang kaniyang dalawang kilay ang pagkairita.
"Anong. Ginawa. Mo. Saakin?" pasigaw nitong sabi.
Napatingin nalang ako sa mga mata niyang parang kutsilyong matalim, na kung totoo man kanina pa akong naliligo sa sariling dugo.
"Wala naman ako ginawa sa iyo" sagot ko naman.
Walang pakundangang pinagsasampal at pinagsusuntok ako sa aking dibdib.
"Pwede ba tama na, nakakailan ka na, ha?" pagpigil ko sa kaniya. "At bakit ganiyan ka manuntok at manampal, bakla ka ba?" pang-inis ko sa kaniya.
Habang ako'y napangiti sa pang-iinis na yon siya nama'y biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha and dating salubong ang dalawang kilay ngayo'y biglang nawala.
"Ah!! ganon ba" sagot nito habang inihakbang na ang mga paa papunta sa kaisa-isahang pinto papuntang loob.
"Sandali" paghabol ko sa kaniya ngunit hindi ako pinansin at patuloy parin ang paglalakad papuntang pintuan. "Sandali" sigaw ko sa kaniya.
"Sabi ko sandali" padabog kung sabi sa kaniya habang hinablot ko at isinandal sa pintuan. Kinulong ko siya sa dalawang bisig at tiningnan lamang ang kaniyang mga mata.
"Natutulog ako diyan sa taas at nakita kita pumunta dito umiiyak at humahagulgol, hindi na nga ako umimik para di masira yung momentum mo sa pag-iyak, tapos nakita kitang nakatulog hinilig lang naman kita sa balikat ko kasi nangangalay ka na kakatingala sa langit, tapos magbibintang ka" pagpapaliwanag ko sa kaniya kahit nakita kung may butil ng luha na pumatak sa kaniyang pisngi galing sa kaniyang mga mata.
Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Naaawa. Nalulungkot.
Tiningnan niya na lamang ako na para bang nakikiusap, na parang kawawang bata.
Bakit ganoon? Bakit ganito? Bakit ambilis ang tibok ng puso ko? Fuck.
Hindi niya na lamang ako pinansin at tinggal niya ang isa kung kamay na nakaharang at umalis ng walang sinasabi. Shit.
'Fuck' paulit-ulit kung sabi sa isip ko habang pinagsusuntok ang pintuang iyon. Bumalik na lamang ako sa wisyo ng tumunog ulit ang cellphone ko nakita ko tumatawag na naman si Zack, pinindot ko ito at sinagot.
"Dude, where are you?" tanong nito na may halong kuryusidad.
"Oo na papunta na." pagkasabi ko'y bigla ko nalang binaba ang telepono siguro dahil sa inis.
Kinuha ko nalang ang aking mga gamit at nagmadaling bumaba. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Fuck.
"Men, where have you been?" bungad na tanong ni Theo.
Hindi ko nalang inintindi ang kaniyang tanong at nagtungo na lamang papuntang elevator hanggang sa basement na kung saan makikita ang parking lot.
Dumeretso na lamang ako papunta kay Jax, ng aking Blue Audi R8, at nilampasan ko na lamang si Ethan na nakikipaghalikan sa kung sino man iyong malanding babae nayon.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at pumasok. Pinihit ang susi.
"Hey, dude" sabi ni Zack. "P'ede pasabay" dagdag pa nito. Tumahimik na lamang ako at hinayaan siya.
YOU ARE READING
TRUSTING THE LINE (The Divergent Lust Outset)
General FictionSynopsis Fear is our greatest enemy; no matter how tough you are or no matter how stronger you are, there is still darkness that you afraid, there are still dread that must conquer and there are still trepidation that we must overcome and that...