Dear Clevan,
May mga bagay talaga na minsan ay kailangang tanggapin hindi lamang para sa iba kundi pati rin sa iyo, dahil minsan kung ikaw ay lubusang naapektuhan di mo nalalaman na may iba ring naapektuhan ng dahil sayo.
Sinulat ko ito kung sakali ako'y mawala sa buhay mo pero alam ko hindi pa naman. Sinulat ko to para maging alaala mo sa mga oras na wala ako dahil kung mahal mo ang isang tao kaya mong tanggapin at unawain ang sitwasyon.
Oo nga at ika'y nagkamali, oo nga ika'y nagkasala pero alam ko kahit hindi pa ngayon papatawarin kita, kahit wala na ako sa piling mo at kahit di na tayo muling magkita. Alam mo baon ko lahat yung mga alaalag kasama kita simula doon sa mga masasaya hanggang doon sa malulungkot at may mga problema. Clevan, tandaan mo andito ka sa isip at puso ko wala ng papantay sayo, dahil ikaw ang aking lakas at ikaw ang aking kahinaan, ikaw ang aking kasiyahan at ikaw ang aking kalungkutan, ikaw ang aking buhay nakung saan pinatunayan mo saakin na kailangan ko pang mabuhay sa kabila ng mga nangyari saakin sa nakaraan ikaw ang aking bisig upang maging lakas at ikaw ang aking kamay para ako'y iyong kapitan.
Clevan, alam mo at alam ko na mahal kita, ikaw ang nandiyan ng walang kumakampi saakin, ikaw ang nandiyan ng wala akong mahugutan ng lakas at ikaw ang nandiyan upang angatin ako sa buhay kung bumabalot sa nakaraan at salamat para doon.
Salamat dahil tinanggap mo ang mga pagkakamali ko, naintindihan mo ang mga nakaraan ko at naunawaan mo ako bilang ako, kaya kita minahal dahil doon. Minahal kita hindi dahil gusto ko lang kundi dahil minahal kita dahil mahal kita, at sa lahat ng nagawa mo para saakin salamat. Salamat.
At ngayon ako'y nagsusulat nito iniisip ko ang iyong pagkakamaling ginawa, oo, nasaktan ako ng lubusan dahil ang kaisa-isang tao na mahal ko ay siyang nagsinungaling at nagdulot ng masmasakit na sakit sa aking puso pero kahit ganoon mahal parin kita, mahal parin kita.
Nagsususlat ako ngayon habang tumutulo ang mga luha sa papel pero walang mga bakas, habang nagsususlat pero tuwing ako'y tumitingin sa salamin lapis lang ang gumagalaw at wala namang tao may hawak nito.
Sana mabasa mo to. Salamat sa lahat.
Clevan pinapatawad na kita.
Nagmamahal,
Coolli Maxx Interfrece
YOU ARE READING
TRUSTING THE LINE (The Divergent Lust Outset)
Aktuelle LiteraturSynopsis Fear is our greatest enemy; no matter how tough you are or no matter how stronger you are, there is still darkness that you afraid, there are still dread that must conquer and there are still trepidation that we must overcome and that...