2016, ito ang taon kung saan unti-unti nang nagbabago ang mga activities na ginagawa ng mga tao. Nandyadyan 'yung mga batang walang ginawa kundi ang maglaro sa gadgets nila, necessity ang gadgets sa panahong ito, 'yung tipong ikamamatay nila kapag nawala lang ng ilang segundo sa kamay nila 'yung gadgets nila at mabilis silang mabeastmode sa mga parents nila kapag naistorbo sila sa kanilang paglalaro. Ito rin ang panahon kung saan unti-unti nang nagbabago ang pananaw ng mga kabataan, unti-unti na silang nawawalan ng galang sa mga nakakatanda; ang lumaban at maipahayag ang sariling kagustuhan ang tanging nasa isip nila. Sa panahong ito, cool kid ka kapag nagve-vape ka, fuckboy o jerk ka kapag naka brace ka o kung ano pa man, fuck girl ka kapag nagsusuot ka ng maiiksing damit, matalino ka na kapag magaling kang mag-english, maganda at gwapo ka kung maputi ka, kapag poor kid ka, wala kang place sa mga pacool kid sa school nyo at higit sa lahat, kailangan mong sumunod sa bawat usong fashion attire noon. Ganyan mag-isip ang mga kaedad ko noon, nakakatawa lang isipin kung gaano pala kami kalaughtrip noon.
"Kupal, ikaw pa lang? Asan na sila?", siguro tinatanong nyo kung sinong balasubas ang nagsalita nu? Sya si Helbert, kababata ko simula pa nung Elementary ako. "Malay ko, ang saya nga ng usapan natin, 'pag wala pa daw ng 10:00 AM eh iwanan na. Tangina nyo, 9:30 AM andito na ako, mag-aalas dose na kaya." sabay batok ko sa kanya. Tumawa na lang sya nang tumawa hanggang sa nasikmuraan ko sya na kaagad namang nakapagpahinto dito, hindi ko sigurado kung nasaktan ba sya o sadyang nakakita lang sya ng sexy. "Par, fuck girl oh" sabay sipol nya. "Tangina mo talagang kupal ka." natatawa 'kong sagot. 'Di biro ang mga kinaharap namin ni Helbert nung bata pa kami, kami ang pinakamaloko nung elementary days pa lang namin. Madalas kaming nagaguidance dahil lagi kaming nambubully o kaya nama'y nantitrip sa mga dati naming teacher. Ang isa sa hinding hindi naming malilimutan ay nung napagtripan namin ang dati naming guro na si Mrs. Gamboa, sya kasi 'yung pinakanirerespeto noon kaya't para naman bago, pinagtripan namin sya. Kakaiba 'yung naging trip namin sa kanya, kung dati eh mga normal lang na pantitrip 'yung ginawa namin katulad lang ng paglalagay ng balat ng saging sa dadaanan ng mga nagmamadaling teachers o kaya nama'y pagpapadeliver sa Jollibee ng pagkain gamit ang kanilang mga pangalan. So eto na nga, sinakto namin na habang nagmamadali si Ma'am Gamboa noon papuntang CR, pinagpalit namin ang Boy's CR sign sa Girl's CR sign kaya't pumasok si Ma'am diretso sa CR ng mga lalaki. Tawa kami nang tawa nung narinig namin kung paano sya napatili nang may mga estudyanteng lalaki ang umiihi sa napasukan nyang room. Sa sobrang gulat nya pa nga, naihi na lang sya sa pants nya na lalo pang nakagpatawa ng husto sa amin. Matapos nun, napadala kami sa guidance hanggang sa mapatalsik sa eskwelahan na 'yun. Bago pa kami nakauwi nun, nakatanggap pa muna kami ng sapok mula sa anak ni Ma'am. Pasalamat lang 'yung babaeng 'yun, 'di kami napatol sa babae.
Lumipas ang ilang segundo, dumating na ang iba kong tropa at nakatanggap sila ng tig-iisang batok mula sa akin. Sila ang tropa ko, The Squad kung kami'y tawagin ng ibang girls sa school namin. Lima kaming magtotropa: Ako, si Helbert na matalik kong kaibigan simula pa nung bata pa kami, si Allen na syang pinakamaingay, takas mental at kinakahiya ng tropa, si Paul na laging napapanis ang laway dahil hindi sya gaanong kadalas kung magsalita at parang lahat ng problema sa mundo eh parang nasa kanya na, at si Daniel na syang pinaka fuck boy sa tropa, literal po, nagtataka nga kami kung bakit wala pa syang HIV. Ang Squad naming ang masasabi kong pinakasikat sa school namin, nandydyan pa nga 'yung kaliwa't kanang pagviral ng mga dance cover namin kada upload ko kaya't di na rin nakakapagtaka kung bakit sikat kami nung mga panahong ito. Hindi sa pagyayabang pero ako ang pinakasikat samin, ako kasi ang pinakagwapo saming lima kaya't di na rin nakakapagtaka.
Napagplanuhan kasi namin na mag-roadtrip kasi nga Summer Vacation naman, so eto kami papuntang Tagaytay. Ilang oras din ang byahe mula sa Park papunta sa Tagaytay kaya't napagpasyahan kong matulog na lang muna kesa sa tiisin ang ingay ng mga kumag 'kong kasama habang sinasabayan nila sa pagkanta ang kantang "Basta May Alak May Balak". Fuckboys talaga, nangingisi akong pumikit hanggang sa makatulog.
YOU ARE READING
Separated By Distance
Roman pour AdolescentsHello, I'm Larby Montereal. This is my story, the story who curved what I am right now. I promise to leave nothing out, here goes.