indi talaga maipaliwanag na kahihiyan ang nadarama ni Lenny sa mga oras na ito.
Mas gugustihin pa nyang manatili nalang sa classroom kahit na break na kesa pagtawanan ng mga classmate nya kanina!
Hinanapan na lang niya ng kaaliwan ang sarili,may nakita siyang pocektbook hinablot niya ito at sinimulang basahin.
Ng biglang may humablot nito.
Anak ng patis!
"Lermaaa" gigil na sabi niya.
"Oh bakit?"
"Akala ko ba nasa canteen ka? Akin na nga yan!" At kinuha ang pocektbook na nasa kamay nito.
"E bakit ka ba kase nag mumukmok dito?"tanong nito.
"Wala lang.Gusto ko lang"Kaila nya.
"gusto mo lang o may iniiwasan ka?" tukso nito.
"HOY,anong iniiwasan? Di ahh!" todo kaila niya.
"Chos! Kung alam ko,dahil dun sa new comer student natin this semester!
Yung...BOASTFUL!" tawa-tawang sabi nito.
Agad na napatayo sa upuan si Lenny. O_______O
"Anong new comer?Di dahil dun noh? totoo naman talagang mukhang mayabang siya!" depensa niya sa sarili.
"eh bakit naman kasi napaka-judgemental mo girl! Alam mo ba na kalat na kalat na sa buong department ang ginawa mo dahil sa mga echuserang classmate natin na sina Kaye, at balita ko sikat yun sa other department.Pang-hearthrob ang dating nun!" mahabang litaniya nito.
"Paki ko!!" Paki ko sa pagiging hearthrob nun! :P
***************************************************
"Mga braad"
Agad na salubong ni Joshua sa mga kabarkada niya.
Lumipat siya ngayong sa bagong department ng school nila.Pimilit kasi siya ng guro niya na si Ma'am Cabrianna at pinangakuan siya ng isang musical play na gagawin sa buong university.Ang hindi niya alam ay kung bakit.
At eto siya kakalipat lang niya ngayong umaga.
"Kumusta ang bagong lipat?" tanong ng kabanda niyang si John.
"Eto okay lang" tipid na sagot niya.
"Langya dude! Kabago-bago mo dito sa department may issue kana!" panunukso nito.
Ang tinutukoy nito ay ang nangyari kaninang umaga tungkol sa isang babaing hinusgahan siyang mayabang.Hindi niya kilala ang babae kaya takang-taka siya kung bakit nasabi nito sa kanya ang ganun! Sanay siyang sinasabihan ng mayabang ng mga EX-girfriend niya pero not this one,hindi niya ito naging girlfriend at ni hindi niya kilala.
"Oo nga dude e! Nakaka-flatter" biro niya.
"Baka naman isa yun sa mga babae mo Joshua dela torre" sabi ni matt sabay tawa.
"Shut up bro.Ni hindi ko nga kilala ang isang to e!" depensa niya.
"Ohwww. Baka naman nakalimutan mo lang sa dami nila"
Tawanan ang lahat.
"Punk! Lahat ng naka-flings ko at naging girlfriend ko kilala ko lahatkase sa ibang universities pa! Okay? At hindi ko palalampasin ang ginawa ng babaeng to sakin!"
"At pumapatol ka na ng babae" pagtatapos ni matt.
_______________________
Lerma Viviera ♥