PART 5

55.9K 1.9K 624
                                    

"Niligawan mo ba si Gwyn noon at hindi ka sinagot kaya nagmamaktol ka diyan?" pang-aasar ni Evan kay Denver.

"Hell, no!" madrama niyang tanggi. "Especially knowing how courtship works in Gwyneth's book. Na-ah. I'm not gonna taint my manhood on that." Tinaas niya ang kamay saka lumamon ng pizza.

Puno ang mesa ng mga beer, whiskey at ilang pulutan. Hindi ko alam kung bakit nagtipon-tipon kami ditong apat. Basta pagkatapos kong ihatid si Gwyn sa kanila ay pinadiretso ako sa bahay nila Evan na ngayo'y nasa tapat ko't may hawak na gitara.

I've been moping since last Saturday for not knowing about Davina's birthday. I feel like I'm such a shitty best friend. Wala nga ako sa sarili habang kasama si Gwyneth. Then it leads me to feel like I'm such a shitty boyfriend for not being accommodating to her. Wala na akong maintindihan.

Itinungga ko ng beer ang frustration ko. I'd like to detach myself from my body just for a day and wear someone else's identity. Denver's for example, para kasing walang kaproble-problema ang isang'to. 

"Ang lakas ng loob niyong manligaw ng babae para maging girlfriend niyo e iiyak-iyak kayo kapag nasasaktan. Hindi ko kayo maintindihan. Bakit niyo pa niligawan?"

Hindi ko na nasundan ang pinag-uusapan nila dahil sa mga iniisip ko. Nire-recruit na naman niya kami sa kanyang way of life na pambababae. Hinahalina kami na sundin ang mga yapak niya.

"Do you really think we don't know that?" ani Evan. "But we still pursue. We men should accept our battles. Welcome the pain. Handa kang magpakatanga. Handa ka sa lahat. If you don't take that risk, ano sa tingin tawag mo diyan? Kaduwagan."

"Touché." Wala sa sariling sabi ni Riley. Lubog na siya sa Jack. Pati mukha lubog na sa bilugang mesa.

"Duwag agad? Hindi ba pwedeng...hindi lang handa? Bakit ka lulusob sa isang digmaan kung hindi pa naman puno ng bala ang baril mo? Nagkakarga pa lang ako ng baril!"

"Aanhin mo naman ang baril sa panliligaw kung ang kailangan mo ay panangga sa kabiguan?" sabat ko.

"The ammunition of courage of course!" bulalas ni Den. "'Di ba nga may iba na kumukuha ng lakas ng loob sa alak bago mangumpisal ng pag-ibig nila?"

"Mangumpisal ng pag-ibig!" natatawa kong ulit at sinalubong ang high five ni Evan. Napahampas ako sa hita ko't humalakhak.

Kinasa ni Evan ang gitara upang dagdagan ang kaingayan namin. Natatawa pa rin ito at napailing. Dumating ang katulong nila at kinuha ang mga ubos nang bote saka pinalitan ng mga bago at pawisan.

"Oh yeah!" hiyaw ni Denver sabay bukas ng pawisang bote. "Thanks. O Rai, tama na iyan. Mas lalong yayaman ang kompanya ng alak sa 'yo." Sabay kuha ng bote ni Riley nang akma itong iinom.

"What happened to him?" Nguso ko kay Riley. Hindi naman mahilig mag-lasing kaya nanibago ako. He's always been our mediator.

Nagkibit si Evan. "Ayaw magsalita."

"Ikaw, bakit ka nag-aya?"

"Jamming," aniya, nakatingin sa kinakalabit na strings.

As if I'll believe that excuse. Sa tuwing may nag-aaya sa amin ay alam kong may mga problema ang mga 'to. Hindi ko lang alam ngayon kung ano. I'm not alone going through a predicament, then. Nagdadamayan lang pala kami dito.

We seek this kind of comfort through each other even without knowing what's wrong. This is our brotherhood. I'm a lone child and so as Riley, so we're each other's brothers. Denver has a younger sister, habang malayo ang agwat ng edad ni Evan at ng kapatid niyang lalake.

I know exactly why I never got a sibling. My father's constant absence and mom's been a  workaholic. I never complain. I have the life that most people yearned for. I considered myself lucky enough. 

WHILE ON THE FAR SIDE (WOTOS EPILOGUE)Where stories live. Discover now