Sa isang silid sa langit, namataan ng Diyos Ama si Jesus na nakaupo at nakapangalumbaba habang nagmamasid sa daigdig. Napansin din pala iyon ng Diyos Espiritu kaya dagli silang lumapit para kausapin. Hindi pa man din sila nakalalapit, tumayo na agad si Jesus sabay abot ng tig-isang makapal na folder ng dokumento sa kanila. Agad nila binuksan ang laman ng folder at biglang napailing sa pagbukas nila ng mga ito.
Ang folder ay naglalaman ng ulat ng grupo ng mga Archangels at Guardian Angels. “Gaya ng inaasahan, hindi pa rin siya nakuntento. Kulang pa pala ang mga terorista at mas masasamang elementong pinakalat ng ating Paboritong Kaaway,” sambit ng Espiritu, “Ama, sa tingin Mo ba’y...” Batid ng Diyos Ama at ni Jesus ang nais Niya sabihin. Alam nila na madaling magagapi ng Diyos Anak ang Kaaway pero kapag nagkagayon, nangangahulugan na ring katapusan na rin ng mundo para sa mga tao. Sa katayuan ng daigdig ngayon, alam din hindi pa handa ang sangkatauhan sa gayong pangyayari.
Ama, kung nais Ninyo at Ako’y magbalik, ang kalooban Mo ang masusunod,” basag ni Jesus sa katahimikang nabuo. Tiningnan ng Dalawa si Jesus ng buong pagmahahal at inakbayan Nila ito na tila inaalo. “Anak,” wika ng Diyos Ama, “alam kong iyan din ang sasabihin Mo kagaya ng ginawa Mo noong una kang bumaba sa daigdig. Pero alam natin na hindi pa handa ang tao at kailangan pa nila ng panahon.” Tumango ang Diyos Espiritu bilang pagsang-ayon, “Tama Siya. Huwag Ka muna bumaba. Ngunit kailangan Nating mag-isip ng paraan para magwagi Tayo sa panibagong digmaang sinisimulan niya.”
Habang nag-iisip Silang Tatlo, biglang may kumatok sa silid. “Ako ito...,”malakas na wika ng isang malamyos na tinig ng isang babae. Ang Birheng Maria, Ina ni Jesus. Binuksan ni Jesus ang pinto sabay yakap sa ina pagkakita rito saka pinatuloy at kasunod naman nito ang Archangel Gabriel. “Panginoon, “wika ng anghel, “naghihintay na po ang mga bagong pasok dito sa langit na Kayo’y makadaupang-palad. Sinalubong na po sila ng Ina pagkatapos makausap isa-isa ni San Pedro.”
“Sige, Kami’y susunod na,“ wika ni Jesus at muling niyakap ang ina. Nang papalabas na ng silid ang Birheng Maria at si Archangel Gabriel bigla silang tinawag ng Diyos Ama at Diyos Espiritu. “Sandali lamang. Kami’y may sasabihin sa inyo,” Anila. Napalingon si Jesus sa Dalawa at napagtanto Niya agad ang plano. “Mangyaring pwede ba ninyong ipatawag ang lahat na magtungo sa bulwagan at magkakaroon tayo ng malakihang konseho para sa isang mahalagang usapin,” wika Nila.
Nagulat ang Birheng Maria sa biglang pahayag na iyon at biglang nabahala. “Maaari ko bang malaman kung bakit biglaan Kayong nagpatawag ng Konseho?” tanong niya. Sumagot si Jesus, “Ina, malalaman ninyo lahat kapag nagkatipon na lahat ngunit sa ngayon, kailangan ko kayo para tumulong na magkasama lahat.” Ngumiti ang Kanyang Ina bilang pagsang-ayon at pagsunod at lumisan sila ng anghel sa silid. Pagkaalis nila, bumaling si Jesus sa Diyos Ama at Diyos Espiritu, “Sa bulwagan?” Tumango ang Dalawa at sila’y tumungo na sa bulwagan.
BINABASA MO ANG
Salvaging Salvation
RomanceOne is my best friend’s fiancé, the other is an officemate. It just so happen that they share the same face and physique but they’re not even twins. In fact, they were born ages apart unaware of each other’s existence at isa sa kanila ay matagal ng...