CHAPTER 2

88 0 2
                                    

Lumipas ang mga araw at linggo, nakapasa ako sa training at nesting. Opisyal na ang pagiging empleyado ko at sa kasamaang palad, kasama ko si Lex sa team. Siyempre, kasama ko rin si Jules. Isang breaktime namin, kinausap niya ako. “Aeris, bakit parang ang taray mo lagi kay Lex?” tanong niya sa akin. Napakunot ako ng noo. “Hindi ako mataray sa kanya. Diretso siya magtanong, diretso din ako sumagot sa kanya. Walang taray dun,” sagot ko sa kanya.

                “Ah, ok...pero alam mo, swerte mo.”

                “Maswerte? Ako? Bakit mo naman nasabi yun?”

                “Naku, girl! Hindi mo ba napapansin, sa batch natin, ikaw lang kaya ng kinakausap nun. Si Sky nga inggit sa iyo. Patay na patay siya kay Lex pero hindi naman siya napapansin kahit na grabeng pag-aayos na gawin niya.”

                “Duh? Ano naman ang ikina-special ko sa mata ng Puting iyon? Unang-una, Malabo mata ko, nakasalamin ako. Ikalawa, medyo chubby ako. Ikatlo, ang liit-liit ko. Ang sabihin mo, hindi lang kasi ako pumapayag na ma-intimidate sa laking mama niya at sa American accent niya na as if he can lord over us Pinoys.”

                “Grabe ka namang makapanlait sa sarili mo. Pero honestly, kahit may crush ako sa kanya, hindi ko kaya yung ginagawa mo na napaka-straightforward ng approach. Medyo nai-ilang ako kapag ginawa ko yun kasi di naman kami close saka baka isipin niya, alam mo na...”

                “I get your point. Pero office pa rin naman ito, so we have to act professionally kaya hangga’t maaari, we need to avoid doing stupid acts. As for him, well, agent pa rin siya at lahat tayo same level kahit na sabihin nating nauna siya.Kausapin mo din siya. Wala namang masama dun.”

                Napatingin si Jules sa kanyang relo. “Gosh Aeris, five minutes na lang pala, tapos na break ko. Sige, mauna na ako!” bulalas niya at nagtatakbo siya pabalik sa floor. Sa pag-alis niya, siya namang lapit ni Lex sa akin. At the back of my mind, anong pumasok sa isip ng taong ito at lumapit sa akin? Nagpalingon-lingon muna si Lex sa habang nakatayo sa harap ko. Napatingin naman ako sa paligid. Dumami na pala ang tao sa pantry at wala ng bakante bukod sa upuan sa harap ko.

 “Okay, you may sit in front of me. I’ll be done in a few...” sambit ko. Dahil wala na rin naman siyang pagpipilian, naupo nga siya sa harap ko. “Thanks,” tugon ni Lex sa paanyaya ko. Akala ko isang tray ng pagkain ang dala niya pero pag-upo niya, nagulat ako na isang malaking drinking bottle ang dala niya at mukhang hindi iced tea ang laman noon kundi parang isang juice na mala-dugo ang kulay. Naisip ko, dayuhan nga ito, wala pang tiwala sa pagkain dito sa Pilipinas.  Pinanood ko lamang siya habang umiinom siya sa pagitan ng pagte-text at pagbutingting sa kanyang iPhone. Maya-maya pa’y nahalata niya na tinitingnan ko ang ginagawa niya. “Something wrong?” tanong niya sa akin.

Napangiti na lamang ako bilang sagot pero hindi ko pa ring napigilang ang sarili ko na tanungin siya, “Is that all for lunch?” sabay turo sa bote sa mesa. “Well, yeah. I don’t eat during shifts,” paliwanag niya sa akin. Hindi na ako nagtanong pa muli. At nang matingin ako sa relo, nagpaalam na ako sa kanya na babalik na ako sa trabaho.

Lumipas ang mga araw at gabi, laging ganun ang nakikita ko kay Lex tuwing breaktime. Dahil mayroon namang ibang agents din naman ang hindi kumakain sa oras ng break, hinayaan ko na lamang ito. Pero isang gabing pagpasok ko, nagulat ako na wala siya gayong almost perfect ang record ng attendance niya. Wala namang kaalam-alam ang iba naming kasama kung bakit hindi siya pumasok. Nagkataon ding wala si TL Jack. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng biglang kakulangan. Walang no-nonsense, straightforward conversations about the account ngayong gabi. Wala rin akong makikitang nagsusulok at umiinom ng kung anong juice habang nagbubutingting ng cell phone. Am I missing him? Hindi ko maintindihan ang nadama noong gabing iyon. But pilit ko inalis iyon sa isipan ko para makapagtrabaho ng matino.

Salvaging SalvationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon