LUMIPAS ANG BUONG WORK WEEK, no call, no show sa office si Lex. Palaisipan pa rin ang plausibility ng research ng fiancé ni Hazel at yung biglang pagliliyab ng mga nahagip ng katana ni Lex. Pagsapit ng Linggo, diretso na ako sa simbahan after ng shift. Hindi na ako sumama sa kahit anong galaan ng team. As usual, ginawa ko pa rin yung presentation pero nagtaka lang ako kung bakit si Father Mario ang nagmisa at hindi si Msgr. Angel. Pagkatapos ng misa, nilapitan ako ng Tatay ko sabay bulong na gusto raw ako kausapin ng kura over lunch at importante daw.
Pag-akyat ko sa kumbento, nag-doorbell ako. Pagbukas ng pinto, bumulaga sa akin an isang pamilyar na mukha ngunit puro sugat ang braso at may galos sa mukha. Walang ano-ano, niyakap na lang ako basta nito na at tila natutuwang nakita ako na maayos. Si Lex yun. Pero paano siya napadpad dito sa simbahan?
"Aeris..."
Nagulat ako sa boses na narinig ko. Pagbaling ko, nakita ko si Ivie na nanlalaki ang mata sa nakita. Isang malaking gulo ito. I know that this person that hugged me is not her fiancé. Lalapitan ko sana siya pero nagtatakbo na siya palabas at nagsimula na mag-iiyak. I can feel her anger. I ran after her. I wanted to explain that there's a big confusion.
Ang bilis niya nakarating sa baba. Pagdating ko sa baba ng hagdan, nasa gitna na siya ng garahe. Habang sinusundan ko siya, napansin kong paparating si Msgr. Angel na mula sa patio ng simbahan. Dahil hindi na alintana ni Ivie ang dinaraanan niya, bumanagga siya sa tiyuhin niya "Ivie?!" sambit ng pari.
Bumunghalit ng iyak si Ivie. Napatingin ang pari sa akin at pakiwari ko na namataan din yata niya si Lex. Napagtanto na niyang may kalituhang nagaganap.
"Tito Mons, bakit ganun?! I trusted her and treated her like a sister..." malakas na hagulgol ni Ivie at niyakap siya ng pari. "Anak, huwag ka umiyak. I think we all need to talk, you, Aeris..." wika ng amain niya.
Lalo pang umiyak si Ivie. "I don't think there's still something to talk about between me and her!" Ramdam ko ang galit niya at naiyak na rin ako sa sama ng loob dahil kahit gusto kong magpaliwanag, mukhang di na siya makikinig pa. Hindi ko na maihakbang ang paa ko papalapit sa kanya.
"Ivie...Ivie...mayroon kang hindi naiintindihan, e." wika sa kanya ni Msgr. Angel na halatang naiinis na sa pag-iyak ng pamangkin
"Ano bang hindi ko naiintindihan? I just saw them na magkayakap!" Ivie was furious.
"That man is not your boyfriend! I just talked to Mike an hour ago, papunta pa lang siya dito!" sambit ng pari, "Ayan nagri-ring ang phone ko, tingnan mo, si Mike tumatawag uli." Parang blessing in disguise ang pagkakataong iyon. Bukod sa ipinakita sa kanya na tumatawag nga si Mike, ni-loud speaker pa ng kura ang tawag.
"Monsi, papasok na po ako ng Tabang. Sorry po, na-traffic pa ako kanina and nagpa-gas pa po ako along NLEX."
"Naku, Mike, bilisan mo. May nagagalit dito, pinagpalit mo na raw sa iba," sagot ng pari sa kanya.
"Po? Saka bakit po parang may umiiyak diyan...Ivie? Ikaw ba iyan? Babe, di kita pinagpapalit! Sorry na. Busy lang ako. Just wait for me there, okay?"
The call was cut off. Tumahimik si Ivie and tried to compose herself. Sakto namang papalapit si Ka Atoy sa kanila mula sa opisina, nagkakamot ng ulo na medyo nahihiya pa.
"Bakit hindi mo sinabing hindi si Mike yung nasa taas?" nagagalit na sabi ni Msgr. Angel.
Sumagot si Ka Atoy, "Eh Mons, ganito kasi. Sasabihin ko pa lang na baka magulat na may kamukha yung boyfriend niya sa taas, nilayasan agad ako sa opisina matapos ko sabihin na nandito ka. Excited na makita paboritong tito niya. Eh, saktong pag-akyat niya nandun sa pinto si Aeris tapos itong bisita mo yung nagbukas ng pinto. Nung nakita si Aeris, niyakap na lang basta. Akala ni Ivie siya yung boyfriend niya."
BINABASA MO ANG
Salvaging Salvation
RomanceOne is my best friend’s fiancé, the other is an officemate. It just so happen that they share the same face and physique but they’re not even twins. In fact, they were born ages apart unaware of each other’s existence at isa sa kanila ay matagal ng...