Pahirapan ang muli kong pagbalik sa trabaho. Bukod sa nahirapan ako sa pagbawi ng tulog, hindi ko maalis sa isip ko ang mga huling binitiwan ni Msgr. Angel – “...20 years ago...I did saw someone who looked exactly like him...” Ang tanging sigurado akong pwede talagang kamukha ni Mike physically ay si Lex – same height, same macho built, same angelic face. Kung pagtatabihin ang dalawang lalaking ito, masasabing clone nila ang isa’t isa at posibleng pareho din ang age nila. Ang sakit sa bangs! Ano bang meron sa dalawang ito at sino pa yung isang sinasabi ni Monsi na panay sunod sa kanya?! Parang sasabog ang ulo ko sa pagkatuliro at para bang the universe is conspiring na ma-involve ako sa buhay nila. Bakit ako?!
“Miss, hanggang dito na lang po tayo,” kalabit sa akin ng tsuper ng fx. “Huh?” Pagsilip ko sa bintana, nasa MRT North Avenue na pala ako. Nawala na naman ako sa sarili kakaisip. “Ay, sorry po,” paumanhin ko sabay baba ng sasakyan. Umayos ka!
Pumara ako ng isang city bus na may karatulang LRT-Ayala. Iyon ang bukod tanging bus na pwedeng magbaba sa harap mismo ng gusali namin. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng EDSA, napansin kong kakaiba ang takbo nito, parang pumupugak na nagbabadyang masisiraan kami. Pagdating naming sa may area ng EDSA-Aurora sa Cubao, nagkatotoo na nga ang hinala ko. Nag-overheat ito at hindi na nagawang umusad pa. Napilitan tuloy kaming mga pasahero na bumaba sa alanganing lugar.
May ilang pasaherong madaling nakapara ng taxi. May iba namang mabilis na nakalipat ng bus. At dahil sa takot akong lumabag sa kahit na anong batas, nagmadali akong humanap ng daanan papasok ng bangketa. Sakto naman, ang nalusutan ko ay malapit na sa Aurora Footbridge pero ang lugar mismo na iyon ay isa sa mga pinakaayawan kong lugar sa Metro Manila. Bukod sa madilim na, sari-saring happening ang nagaganap doon. Wala naman akong magawa kundi dumaan sa lugar na iyon dahil patungo iyon sa direksyon ng MRT Cubao Station.
Habang ako’y naglalakad sa lugar na iyon, naramdaman kong parang may sumusunod. Binilisan ko ang lakad ko. Pagbaba ko sa kabilang dulo ni, napansin ko na parang naputol yung barrier sa pagitan ng bangketa at ng mismong kalsada. Nagsimula na ako makaramdam ng takot at kaba.
Ilang hakbang pa, biglang may humintong van sa gilid ng bangketa. Sa pagbukas nito, isang lalaking may takip ang mukha ang biglang humablot sa akin papasok sa loob nito. Nagtangka akong sumigaw ngunit agad na tinakpan ang bibig ko ng isa sa mga sakay ng van na may panyo sa kamay. Wala naman akong naamoy na kakaiba ngunit bigla na lamang ako nahilo at nawalan ng malay.
Nang magkaroon ako ng ulirat, natagpuan ko ang sarili ko na nasa isang madilim na silid. Wala na ang bag ko. Pinakiramdaman ko ang paligid ko at may narinig ako na parang may nag-uusap sa labas ng kinalalagyan ko.
“Pare, nagkamali yata tayo, Mukha lang Tsekwa pero PInoy na Pinoy...”wika ng isang boses ng lalaki.
“Hindi nga Tsekwa pero jackpot pa rin tayo sa kanya,” tugon naman ng isa pang boses, “Apelyido pa lang niya, may sinabi na. Pwede na siguro dalawang milyon diyan.”
Halos maiyak ako sa narinig ko. I realized that I was kidnapped just because my dad’s a senior vice president of the bank he works in, my mom has a business and my sisters earn big abroad at kilala kami sa buong Malolos. Two million? Saan naman kukuha ng ganung halaga ang pamilya ko? A huge part ng earnings ng parents ko ay napupunta sa mga kapatid nilang hirap sa buhay at may sarili na ring pamilya ang mga kapatid ko kaya halos wala rin kaming natatanggap sa kanila. Kilala nga ang pamilya namin pero hindi kami mayaman!
My mind was racing. Takot na takot na ako pero desperado akong makatakas sa lugar na iyon. Kinapa-kapa ko ang aking paligid, halos wala akong mahawakan na pwedeng gawing sandata o kahit na ano para makatulong na makatakas ako. Sa loob-loob ko, Diyos ko, ano ba itong nangyari sa akin? Please save me. Walang anu-ano’y bigla akong nakaramdam na may nag-vibrate sa bulsa ng denim pants ko. Noon ko lang naalala na noong umaga ay ipinagamit ko sa Tatay ko ang Windows Phone ko dahil sa business features nito at nasa akin ang lumang slim phone niya. Mabuti na lamang nagawa kong i-silent mode ito bago ako umalis ng bahay.
BINABASA MO ANG
Salvaging Salvation
RomanceOne is my best friend’s fiancé, the other is an officemate. It just so happen that they share the same face and physique but they’re not even twins. In fact, they were born ages apart unaware of each other’s existence at isa sa kanila ay matagal ng...