CHAPTER 9

17 0 0
                                    

“I am so not okay with this shift,” sabi ko sa sarili ko habang nag-aayos ng gamit papunta sa opisina. Alas-9 ng gabi at naghihintay ako ng FX/Van paluwas ng Metro Maanila. Laking pasaalamat ko na lang at naisipa ng gobyerno na mag-extend ng 2 oras sa operation ng MRT or else, no choice, Cubao na naman ang bagsak ko. I just had some not so good memories about the place. Habang patuloy ako sa pag-aabang, tumunog bigla ang cell phone ko. May nagtext.

From Lex

Are you on the way already?

Sasagutin ko na sana siya nang may dumating agad na van kaya sumakay na agad ako. Pagkaabot ko ng bayad, saka ko naman sinagot si Lex sa text na nagsasabing kasasakay ko lamang ng van at tinanong ko siya kung bakit.

From Lex

I’ll pick you up at the North Ave. Station with my AE86.

Nagulat ako sa text niyang iyon. Wow, hanep sa pagka-overprotective! Daig pa tatay ko! Pero napaisip din ako. Three weeks pa lang ang nakakalipas simula nung Cubao incident. Kahit sino naman siguro magkaka-trauma sa nangyari sa akin pero sadya lang yatang matigas ang ulo ko. Go lang ako sa normal na buhay ko pagkatapos ng pangyayaring iyon as if isang malaking bangungot na gusto ko na kalimutan.   

After 30 minutes, nakarating na ako sa MRT station. Pagbaba ko pa lang ng van, may bumusina na agad sa likod ng sasakyan. Pagsilip ko, nakita ko ang isang kotse, black and white na Toyota at nakasakay duon si Lex.  Sa pagkakatanda ko, iyon din yung ginamit niya para dalhin ako sa opsital. Sumilip ako sa bintana at binuksan naman ito ni Lex mula sa loob. “Get in,” wika niya.

Sumakay ako sa loob ng kotse niya at ilang saglit pa ay umusad na kami patungo sa aming opisina sa Makati. Hindi ko napigilang tanungin siya,”Why did you suddenly decided to bring this along?”

Nginitian niya ako. “Well, I somehow anticipated that you’ll be coming early. But it’s not the usual early time I know.”

At kalian ka pa naging maghuhula? Napangisi ako. “Is 9pm already too late for you?” Ngumiti na lamang siya ulit sa akin at nagpatuloy siya sa pagmamaneho. So late na pala sa iyo yun. May ilang saglit kami natahimik ngunit para maalis ang boredom sa biyahe umisip ako ng ng ibang topic na pwede pag-usapan.

“This is the car you used when…”

“Yup, this is the same car,” tugon ni Lex, “why?”

“I just noticed it,” sagot ko naman, “reminds me of Initial D. Heard of that? It’s a Japanese manga turned anime.”

Biglang natawa si Lex sa akin na hindi makapaniwala. “Seriously, you know Takumi and all the car stuff? That’s a guy’s territory.”

“So what’s wrong with it? I watched it because of how race scenes were rendered in 3D compared to the 2D animation during character dialogues and how they were fused together at times.”

He was grinning wide and amused sa akin habang ako, hindi ko malaman kung weird ba ng dating ko sa kanya o ano. “So how’s the car?” tanong niya sa akin muli.

“Hmmm….on the outside it looks like the Tofu Shop care, you know, sticker and all,” wika ko.

Salvaging SalvationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon