Ken POV:
Walang pasok today kaya naman naisipan kong magpaalam kay mom para mamasyal mag-isa sa mall.
Ken:"Mom, can I go to the mall today?"
Silvia:"Sino kasama mo anak?"
Ken:"Ako lang po mag-isa."
Silvia:"Ah ganon ba, sure ka ba? Hindi kasi ako kampante na mag-isa ka lang aalis. Isama mo si Bogart para naman mabantayan ka niya."
Ken:"Hindi na po mom, gusto ko rin kasi ma-try magcommute eh. Kung ok lang po."
Silvia:"Haaay naku anak, kung gusto mo magpaalam ka rin sa dad mo, kung pumayag siya na mag-isa ka lang pumunta sige papayag ako."
Naririnig pala ni dad yung usapan namin so agad siyang sumagot nung narinig niya na magpapaalam ako sa kanya.
Danny:"Mommy payagan mo na anak natin, for sure alam naman niya ang pupuntahan niya eh at saka malaki naman na siya, ok lang yan para maexperience naman niya."
Silvia:"Ikaw ang bahala daddy pero anak mag-iingat ka ha, ito nga pala extra money para may gastusin ka."
Ken:"Thank you po mom and dad!" Tapos nag-kiss ako sa kanila sa cheeks.
Si Selena naman busy magreview at sa mga homework niya kaya naman hindi ko na siya niyaya pumuntang mall. Sumakay ako ng taxi at dumiretso ako sa MOA.
Jacob POV:
Kukunin ko na yung allowance na pinadala ni lola sa akin, kaya naisipan ko na rin na kunin ito sa mall para mag-grocery at maggala-gala na rin. Kinuha ko sa drawer yung natitirang money ko, nanghihinayang pa rin ako dun sa wallet ko may laman pa kasi yun na 10 thousand pesos. Naisipan kong pumuntang MOA, dahil alam kong maraming pwedeng puntahan doon. Pagkababa ko sa taxi pumunta ako sa grocery section para mamili ng kakainin ko, after kong mamili iniwan ko muna ito doon para makapag libot-libot. Habang naglalakad ako nakita ko si Ken sa may bookstore at namimili siya ng mga libro. Mahilig pala itong si Ken sa mga libro grabe ang dami niyang hawak na libro kaya naman nilapitan ko siya.
Jacob:"Uy, bookworm ka pala ahh. Angdami niyan nababasa mo lahat yan?"
Ken:"Hey! You're here din pala, sino kasama mo?"
Jacob:"Ako lang mag-isa, ikaw sino kasama mo?"
Ken:"Ako lang din mag-isa."
Ang dami talaga niyang hawak na libro, nasa 8 yung librong hawak hawak niya tapos bigla niyang nabitawan lahat. Tinulungan ko siyang pinulot ito.
Jacob:"Hindi mo kasi alam mag-cart eh" Kinuhanan ko siya ng cart sa may counter para ilagay ang mga libro niya dito. "Talagang hilig mo ang pagbabasa ano?"
Ken:"Oo nga eh, isa na rin ito sa mga hobbies ko pag bored ako."
Jacob:"Ah ganon ba."
Sinamahan ko si Ken hanggang sa napili niya lahat ng librong gusto niyang basahin. Grabe sobrang tagal niyang namili inabot kami ng 3 hours siguro mahigit kakapili ng mga libro. Hindi ko kakayanin yon kung ako lang mag-isa.
Ken:"Mukhang bored kana sige mauna kana, huwag mo na akong antayin."
Jacob:"Hindi ako bored ok lang antayin na kita, mukha namang malapit kana matapos mamili eh." Sabay tawa ko.
Ken:"Oo saglit lang punta lang ako sa counter para bayaran ko to."
Sa wakas natapos na rin siyang mamili kaya lang ginutom ako. Naisipan ko na yayain siyang kumain para naman masuklian ko yung kabutihan na ginawa niya sa akin kahapon.
Jacob:"Nakakagutom namang antayin ka, tara kaen tayo may buffet akong alam na malapit dito masarap doon."
Ken:"Sorry nga pala, ganon talaga ako mamili ng mga libro eh parang wala ng bukas. Sabi kasi sa'yo eh huwag mo na akong antayin."
Jacob:"Inantay talaga kita kasi lilibre kita, tara dali kaen tayo."
Sumama siya sa akin at nilibre ko siya, grabe andami kong nakain. Nabusog ako sobra. Kailangan ko mag-workout kung hindi tataba ako nito. Si Ken naman kung anong kinadami ng kinain ko yun naman ang kinakunti ng kinain niya.
Jacob:"Sige lang kaen kapa. Sobrang kunti naman ng kinain mo. Malulugi ka nyan."
Ken:"Sige ok lang busog na rin naman na ako. Sure ka libre mo to, mukhang mahal dito ah, meron naman akong money na dala."
Jacob:"Oo nga libre ko, huwag ka magalala, pa thank you ko na yan at pa sorry sa mga ginawa ko sa'yo kahit na naging masama ako sa'yo nung nakaraang mga araw pero ikaw pinili mo pa rin na maging mabuti sa akin."
Ken:"Ah yun ba, that's nothing, ako kasi yung tipo ng tao na hindi mean at masungit sa mga bago kong nakikilala." Tapos sabay belat sa akin, tapos tumawa kami ng sabay.
Jacob:"Pasensya ka na ha, hayaan mo babawi ako."
Ngayon ko lang narealize na mabait pala itong si Ken, akala ko kasi medyo mayabang at liberated, galing at laki kasi siya sa states. Hindi naman pala. After namin kumain sinamahan niya ako sa grocery section para kunin yung pinamili ko.
Ken POV:
Bumaba ako sa taxi at pumasok na sa mall, agad kong naisip na pumunta muna sa bookstore para bumili ng books na babasahin, matagal-tagal na rin kasi ako hindi nakakabasa ng mga bagong libro mula nung umuwi ako dito sa Pilipinas. Namiss ko na rin kasi yung amoy ng papel ng libro, that's my kind of addiction hahaha. After ng ilang oras, may boses familiar akong na narinig sa likuran ko. Si Jacob pala.
Jacob:"Uy, bookworm ka pala ahh. Angdami niyan nababasa mo lahat yan?"
Ken:"Hey! You're here din pala, sino kasama mo?"
Jacob:"Ako lang mag-isa, ikaw sino kasama mo?"
Ken:"Ako lang din mag-isa."
Nabigla ako nandito siya, sa sobrang taranta ko nahulog ko tuloy yung mga librong hawak ko, hindi ko naman kasi alam marami rami na rin yung hawak kong libro.
Jacob:"Hindi mo kasi alam mag-cart eh" Tapos kinuhanan niya ako ng cart sa may counter para sa mga books "Talagang hilig mo ang pagbabasa ano?"
Sinamahan niya ako mamili ng books, ayun nakita kong mukhang bored na siya.
Ken:"Mukhang bored kana sige mauna kana, huwag mo na akong antayin."
Jacob:"Hindi ako bored ok lang antayin na kita, mukha namang malapit kana matapos mamili eh." Sabay tawa ko.
Ken:"Oo saglit lang punta lang ako sa counter para bayaran ko to."
After kong bayaran yung mga libro niyaya niya akong kumaen libre daw niya so sumama nalang ako.Habang kumakain kami nakita ko siyang gutom na gutom, ewan ko ba parang hindi kumaen ng ilang linggo sa takaw eh. Napansin siguro niyang hindi marami kinain ko.
Jacob:"Sige lang kaen kapa. Sobrang kunti naman ng kinain mo. Malulugi ka nyan."
Ken:"Sige ok lang busog na rin naman na ako. Sure ka libre mo to, mukhang mahal dito ah, meron naman akong money na dala."
Jacob:"Oo nga libre ko, huwag ka magalala, pa thank you ko na yan at pa sorry sa mga ginawa ko sa'yo kahit na naging masama ako sa'yo nung nakaraang mga araw pero ikaw pinili mo pa rin na maging mabuti sa akin."
Ken:"Ah yun ba, that's nothing, ako kasi yung tipo ng tao na hindi mean at masungit sa mga bago kong nakikilala." Tapos sabay belatko sa kanya, tapos tumawa kami ng sabay.
Jacob:"Pasensya ka na ha, hayaan mo babawi ako."
Pwede rin palang maging mabait itong si Jacob eh, nagmumukha lang ma-aangas kasi nga kung makapagsalita noon sobrang bastos eh. After namin kumaen sinamahan ko siya sa may grocery, namili siya ng mga pagkain. After noon umuwi na rin kami. Magkaibang taxi sinakyan namin kasi magkaiba yung way ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
Now That I Have You (boyxboy)
RomanceSi Ken ay isang pinoy na laking Amerika, habang patagal siya ng patagal sa Pilipinas ay gusto niya ng bumalik ng Amerika. Babalik pa nga ba siya kung dito niya matatagpuan ang kanyang mamahalin?