Chapter 7: Movie Project Dillema

6 0 0
                                    

Ken's POV:

This is the day that I have been waiting for. Pagkagising ko alam ko na magiging maganda ang araw na ito dahil sucessful ang movie na nagawa namin ng groupmates ko. Pagbaba ko ng kwarto ko agad akong nag-ayos ng sarili ko at dumiretso sa dining table to have some breakfast.

Ken: Good Morning! Selena, Mom and Dad!

Sylvia: Aba anak, let me guess you got a good sleep last night?

Ken: Not really mom, it's just that I'm too excited for our movie presentation for later. I hope the whole class will like it! We made such effort on doing that kaya.

Selena: I know kuya, the movie that you made will have the highest grade, I know you got a good passion on directing.

Ken: Thank you Sel.

Danny: Goodluck sa presentation mo anak I know you can nail it.

Ken: Thank you Dad!

After namin nagbreakfast hinatid na kami ni kuya Bogart sa School. pagbaba namin sa school nakita ko si Melissa sa corrigdor.

Melissa: Hey Ken! Kinakabahan ka na ba for later? Haha

Ken: I'm not that nervous naman Mel, excited lang ako na makita ng buong class yung ginawa natin.

Melissa: Sana nga magustuhan nila, pinaghirapan kaya natin lahat ng iyon.

Ken: That's the point Mel.

Melissa: Nag-ring na yung bell! Tara pila na tayo para sa flag ceremony.

Ken: Let's go!

While we're heading to the gym, nakita ko si Jacob ito yung unang kita ko sa kanya for almost two months, last yatang kita namin is yung confrontation namin sa library, Since then hindi na siya pumasok sa school at ngayon lang ulit siya pumasok, ganon niya ba dinamdam yung paglayo ko sa kanya? Ok Ken, stop this nonsense baka naman may iba siyang reason kaya hindi siya pumasok diba. Pero ang buong akala ko is dropped out na siya, kaya hindi ko na rin siya masyadong iniisip. Nagiba ang facial features niya mas nagpahaba siya ng hair, pumayat siya at lumalim yung eye bags niya. What is he even doing to himself? It's non of your business anymore Ken hindi na kayo friends, pero kahit na may nagiba sa features niya nangingibabaw parin yung mahahaba niyang pilik mata, matangos niyang ilong at mapupula niyang mga labi. Bigla siyang napalingon sa akin at inalis ko kaagad ang tingin ko sa kanya, alam ko napansin niya akong nakatingin sa kanya and he just ignored it.

Melissa: Ken! Ui tara na kanina ka pa dyan nakatulala? Ano ba ang iniisip mo?

Ken: Ah, wala naman. May naisip lang ako pero that's nothing.

Melissa: Huwag mo na kasi masyadong iniisip yung movie presentation mamaya ayos lang yan alam kong magiging maayos kalalabasan non mamaya.

Ken: I know right! Tara!

Oras na para pumunta sa Movie Room kung saan nagpareserve si Mr. Decastro ng slot para sa class namin. We are all so excited to play our movies sa malaking TV doon. Other goups played their movies at sigawan at tawanan naman ng buong klase, they really put their hardwork and effort on it at syempre hindi kami papatalo sa kanila, ng turn na ng group namin ang mag play, sobrang kinakabahan na ako kaya naman I told to Mr. Decastro that I need to use the restroom, sa sobrang kabado ko nahihirapan akong huminga at nakalimutan kong dalhin ang inhaler ko. It's been a while since I used my inhaler, the last time I used it is when I was in the states pa that's why I barely bring it to school, nandoon lang sa bahay and I didn't know na ngayon pa talaga ako aatakihin ng asthma. Habang pababa ako ng stairs hindi na tlaga ako makahinga. Sa sobrang hirap ko huminga ay napahinto ako ng bigla ng dumidilim ang paningin ko pero napansin ko na may papalapit saken but I'm not really sure who was it.

Pag-gising ko nasa clinic na ako, I wonder kung sino ang nakapagdala sa akin dito. Medyo malayo pa ang clinic kase alam ko sa third floor ako ng building nag-passed out pagbaba sa building na iyon mga 15 min walk pa para maka-abot dito. habang iniisip ko kung paano ako nakarating dito si nurse napansin akong gising na.

Nurse: Hi Mr. Alferos! Mabuti naman at gising kana. Inatake ka ng asthma kaya ka nawalan ng malay.

Ken: Oo nga po nurse eh, nakalimutan kong dalhin yung inhaler ko kaya nawalan ako ng malay.

Nurse: Next time dalhin mo just in case kasi hindi mo alam kung kailan ka aatakihin katulad today. May nilagay ako dyan sa IV fluid na gamot para sa hika, which is nakatulong para maging maayos ang paghinga mo.

Ken: Thank you nurse ha, oo nga pala nurse kilala mo ba kung sino nagdala sa akin dito, hindi ko na kasi alam ang mga nangyari pa eh.

Nurse: Ahh si Mr. Perez ang nagdala sa'yo dito, grabe nga akala ko napano kana sobrang nagpanic sya noong dinala ka niya dito.

SI JACOB ANG NAGDALA SA AKIN DITO!?!?!?!?

Ken: Ah Sige nurse, I have to go. Ok naman na ako.

Nurse: Pero Mr. Alferos may mga prescription pa ako na ibibgay sa'yo......

Nagsasalita pa si nurse pero umalis na ako ng clinic. Nasaan na si Jacob I need to see him, I have to talk to him! Nagmadali ako sa paglalakad kahit medyo hinihingal na ako. I don't mind it at all, after all i'm going to talk to Jacob naman. I went up to the stairs as fast as I could para makita siya pero ng pumunta ako sa movie room wala ng tao dito, kaya naman nagmadali akong pumunta sa homeroom namin. When I get there, I saw Mel...

Melissa: Ui Ken, ayos kana ba? Pupunta na sana ako sa'yo now eh kakatapos lang kasi ng Christian Living class natin.

Ken: Yes, I'm ok na. Si Jacob?

Melissa: Ah hindi ko alam eh, nakita ko nalang siya kanina sa movie room sinabi nya sa buong class kung anong nangyare sa'yo kaya alam ko na nasa clinic ka. Tapos bigla na siyang umalis.

Ken: Ah ganon ba, pasabi ha sa mga teachers natin I'm not feeling well I have to go home na.

Melissa: Ahh sige, by the way. Tayo pala ang nag top sa Movie Presentation kanina.

Nang narinig ko ang sinabi ni Melissa mas nagkaroon pa ako ng urge na puntahan si Jacob, baka nasa bahay nila siya I have to see him. Paglabas ko ng school agad akong sumakay ng taxi at tinuro ko sa driver kung nasaan ang subdivision nila Jacob. Ito nanaman ako kinakahabahan habang papalapit sa bahay nila. Ito yung klase bilis ng tibok ng puso na naramdam ko nang tawagin niya ako ng baby, I know korny ako pero angsarap lang sa feeling ng nadarama ko. Hindi tulad kanina sa presentation na para akong aatakihin sa puso. Dumating na ako sa harap ng bahay ni Jacob. I saw the gate was open so I didn't hesitate to go inside. Nasa loob na ako ng bahay and I'm wondering where he might be, then I started calling him.

Ken: Jacob! Jacob! Jacob! Are u here? This is Ken.

Naka ilang beses akong tawag sa pangalan niya pero hindi sya sumasagot. Maya maya pa ay may biglang bumukas na pintuan sa itaas. Nakita ko siya sa may balcony nila sa second floor staring at me. Shirtless just only wearing boxers.

Jacob: Bakit ka nandito?

Yun ang tanong niya sa akin, I coundn't even answer I was speechless... After a moment of silence I decided to run upstairs heading where he is standing right now.

Bigla ko siyang niyakap, niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Nadama ko ang init ng kanyang katawan na nagbigay ng comfort sa akin. Ngayon ko lang nadama ang ganitong feeling, na sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero at the same time masaya ako, walang halong pangamba na aatakihin ulit ako ng asthma.

Ken: I miss you so much Jacob, and I'm so sorry sa lahat ng nangyari.

Bigla kong naramdaman yung kamay niya na yumakap din sa likod ko, na mas lalo pang nagbigay sa akin ng comfort.

Jacob: Kung alam mo lang ang sakit sakit ng ginawa mo sa akin, kahit na saglit lang tayo naging magkaibigan naging mahalaga ka na rin sa akin. Kaya naman noong pumasok ako sa school, noong makita kita kaninang umaga akala ko galit na ang nagingibabaw pag nakita kita, pero noong nakita kitang nawalan ng malay hindi kita matiis dinala agad kita sa clinic. Ayaw kong mawala ka saken Ken, mahalaga ka sa akin.

When I heard those words to him. Mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit, ng sobrang higpit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Now That I Have You (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon