Chapter 3: Presentation Day

12 0 0
                                    

Ken POV:

Hinayaan ko si Jacob na hindi magparticipate sa aming group presentation for next week. Ginawa ko mag-isa ang group report buong weekend kaya naman natapos ko ito na maayos kahit hindi siya tumulong. Nakapagtataka lang talaga kung bakit ganon ang trato niya sa akin, wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Siguro ganon lang talaga ang ugali niya. Art class na namin at kinakailangan na naming magreport. Nakita ko ang ibang gawa ng mga classmates ko at talagang pinaghirapan nila ang kanilang mga videos. Ako naman mabuti nalang meron akong alam sa video editing, madalas kasi ako magpresent ng videos tuwing may program sa dati kong school doon sa states. Maya-maya ako na ang sumunod na magrereport.

Mr. Buen:"Ken and Jacob kayo na ang susunod..."

Tumayo ako sa upuan ko at pumunta sa harap. Sinaksak ko yung flash drive sa laptop ni sir para maconnect ito at ma-play ko yung video sa projector. Nagtaka si sir kung bakit hindi ako tinutulungan ni Jacob.

Mr. Buen:"Mr. Perez, kayo na ang magrereport, bakit naka-upo kapa diyan?"

Jacob:"Ahh sir pasensya na po pero si Ken nalang po pagreportin niyo hindi ko po kasi siya tinulungan gawin yan eh."

Mr. Buen:"Kung ganon, sige zero kana dito sa group presentation ninyo."

Parang ok lang naman sa kanya na zero siya. Kaya naman ako pinagpatuloy ko na ang reporting habang siya naman naka-upo at walang pakealam sa mga nangyayare.

Mr. Buen:"Very good Ken, napakaganda ng presentation mo. Mas lalo pa namin nakilala si Leonardo da Vinci, dahil dyan bibigyan kita ng mataas na grade para sa group presentation na ito."

Ken:"Thank you po sir."

 Uwian na kaya naman pumunta na ako sa parking lot para hanapin kung saan ang sasakyan namin, nakita ko si Kuya Bogart at Selena hinihintay ako.

Selena:"Oh Kuya, Hi! How's your day?" Sabay hug sa akin.

Ken:"Ok naman. Naasar lang ako dun sa isang kong classmate."

Selena:"Bakit naman?"

Ken:"Ang yabang kasi eh akala mo kung sino, kagrupo ko siya sa isang presentation, hindi man lang ako tinulungan kaya ayon na-zero sya kanina kasi wala wala naman siyang credits sa ginawa kong presentation kanina."

Selena:"Yun naman pala eh, huwag mo nalang siyang intindihin kuya, I think he deserves it."

Kuya Bogart:"Tara na at kanina pa kayo hinahanap nila ma'am at sir, umuwi daw sila ng maaga para sabay sabay daw kayo magdinner mamaya."

Selena:"Talaga po kuya Bogart!? Yaaay Kuya! makakasama natin sila sa wakas!"

After ng 5 minutes drive, napansin ko na may naglalakad sa daan at same ang uniform namin at nakita ko si Jacob pala yon.

Ken:"Kuya patabi naman po sa gilid saglit."

Kuya Bogart:"Bakit Ken? May bibilhin kaba?"

Ken:"Wala naman po, basta patabi lang po saglit."

Tinabi ni kuya ang sasakyan sa gilid, tapos bumaba ako at nakita ako ni Jacob.

Ken:"Jacob, sumabay kana."

Jacob:"Huwag na maglalakad nalang ako."

Ken:"I insist sumabay kana nga eh."

Jacob:"Hindi na nga! Ang kulit mo naman."

Naasar ako kay Jacob pero I chose to be good to him kaya naman bumaba ako at para pasakayin ko siya. Ayaw niya talagang sumakay. Kaya naman hinatak ko siya papasok sa sasakyan kaya naman hindi na niya ako napigilan.

Jacob:"Sabi na ngang maglalakad nalang ako eh."

Ken:"Hindi na ihahatid ka nalang namin. Saan ba bahay niyo."

Tinuro niya ang way kay kuya Bogart kung nasaan ang bahay nila. Mabuti nalang kabisado ni kuya yung mga shortcut dito sa Manila para maka-iwas kami sa traffic ayun naihatid namin si Jacob sa bahay nila. Habang nasa biyahe kami pinakilala ko siya kay Selena pero hindi ko sinabi na siya yung kinaiinisan ko sa klase, sinabi ko lang na magclassmate kami. Malaki ang bahay nila at nasa isang subdivision. Baliw din itong si Jacob eh, siguro kung maglalakad lang to baka abutan siya ng masasamang loob sa daan, medyo may kalayuan kasi ang bahay niya sa school eh. Bumaba na siya sa sasakyan.

Selena:"Nice meeting you kuya Jacob!"

Jacob:"Osige mauuna na ako, nice meeting you too Selena at Ken thank you nga pala sa paghatid, pasensya na ha."

Ken:"You're welcome. Bakit ka ba kasi naglalakad, ang layo kaya ng bahay niyo sa school."

Jacob:"Naiwan ko kasi yung wallet ko dun sa taxi na sinakyan ko kanina, kaya ayon naglakad nalang ako pauwi sa bahay."

Ken:"Ahh ganon ba, mabuti nalang pala nakita kita, malayo din kaya ang bahay niyo kung maglalakad ka lang. Sige pala, mauuna na kami."

Jacob:"Osige mag-iingat kayo."

Jacob POV:

Group presentation na namin para sa Art class. Narinig ko si Sir Buen na tinawag ang pangalan ko para mag-report, nakita ko si Ken na pumuta na sa harap at bigla akong tinawag ni Sir.

Mr. Buen:"Mr. Perez, kayo na ang magrereport, bakit naka-upo kapa diyan?"

Jacob:"Ahh sir pasensya na po pero si Ken nalang po pagreportin niyo hindi ko po kasi siya tinulungan gawin yan eh."

Mr. Buen:"Kung ganon, sige zero kana dito sa group presentation ninyo."

Para sa akin wala din namang mangyayaring maganda kung pagbubutihin ko ang pag-aaral ko. Ok na sa akin na pasang-awa, hindi ko rin naman kasi maipagmamalaki sa parents ko ang mga grades ko dahil wala naman na silang pakealam sa akin. Uwian na kaya naman naisipan ko pumunta sa cafeteria para bumili ng dinner ko. Pinauwi ko muna kasi si mama sa Cebu, kanila lola sa tingin ko kasi mas magiging ok siya doon kaya naman ako lang mag-isa sa bahay ngayon. Kinapa ko ang wallet ko sa bulsa ko kaya lang wala ito hanggang sa hinanap ko ito sa bag ko at wala rin doon. Hanggang sa naisip ko na naiwan ko pala ito sa taxi sa sinakyan ko kanina. Na badtrip ako kasi wala akong choice kung hindi maglakad nalang pauwi sa bahay. Habang naglalakad ako may van na kulay puti at huminto sa harapan ko. Nakita ko sa Ken.

Ken:"Jacob, sumabay kana."

Jacob:"Huwag na maglalakad nalang ako."

Ken:"I insist sumabay kana nga eh."

Jacob:"Hindi na nga! Ang kulit mo naman."

Ayaw kong sumakay kasi nahihiya ako sa kanya. Pero hinatak niya ako papasok sa van kaya naman wala na akong choice kung hindi sumakay. Tinuro ko sa driver nila kung saan ang bahay namin at hinatid nila ako. Pinakilala niya sa akin yung kapatid niya. Mabait yung kapatid niya, mana sa kuya niya, akala ko kasi mayabang itong si Ken kasi laking Amerika hindi naman pala. Mabait din pala siya. Nakarating na din kami sa bahay namin at bumaba na ako sa van nila.

 Selena:"Nice meeting you kuya Jacob!"  

Jacob:"Osige mauuna na ako, nice meeting you too Selena at Ken thank you nga pala sa paghatid, pasensya na ha."

Ken:"You're welcome. Bakit ka ba kasi naglalakad, ang layo kaya ng bahay niyo sa school."

Jacob:"Naiwan ko kasi yung wallet ko dun sa taxi na sinakyan ko kanina, kaya ayon naglakad nalang ako pauwi sa bahay."

Ken:"Ahh ganon ba, mabuti nalang pala nakita kita, malayo din kaya ang bahay niyo kung maglalakad ka lang. Sige pala, mauuna na kami."

Jacob:"Osige mag-iingat kayo."

Pumasok ako sa loob ng bahay, at may nakita akong tirang pizza sa ref kaya naman yun nalang ang naging dinner ko. Tinawagan ko sila lola at humingi ako ng allowance ko for next week mabuti nalang Sabado bukas at makukuha ko ang allowance ko before ako pumasok sa school.

Now That I Have You (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon