Chapter 6: Friends Over

3 0 0
                                    

Ken's POV:

Jacob: Ken? Ui Ken? Ano na nagyayare sa'yo? Ngayon naman nakatulala ka na. Ito na French Vanilla mo.

Ken: Ahh wala, my tatapusin lang akong assignment, una na ako sa library ha. thank you sa libre!

Pagkatapos kong kunin yung french vanilla kay Jacob agad ako nagtungo sa library. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Hindi ito pwede. Nahulog na ba ako sa kanya? This is not right. Mali itong naiisip ko, I should just do something para mabaling sa iba itong nararamdaman ko. I know I'm not gay. I've never been into guys kahit nasa states ako, I know my sexuality pero bakit ganon? Bakit si Jacob ano ang meron sa kanya at nagkaroon ako ng feelings sa kanya?

Librarian: Excuse me mr... You cannot bring any food and drinks inside the library. Please take that outside.

Ken: I'm sorry ma'am, I forgot. My apologies.

Siya nanaman ang nasa isip ko eh kaya ito nanaman nasita tuloy ako ng librarian. Agad akong lumabas at tinapon ko nalang ang french vanilla na binili ni Jacob. After I threw the frech vanilla in the trash, Jacob was standing behind me.

Jacob: Hindi mo ba nagustuhan yung binili kong French Vanilla para sa'yo?

Ken: Aaammm, hindi naman nawalan na kasi ako ng gana sorry ha. Sige may aasikasuhin pa ako eh, I have to go bye.

Jacob: Pero Ken......

Nagsasalita pa si Jacob pero iniwan ko na siya. Mabuti na itong iwasan ko siya para hindi na lumala itong kung ano man ang nararamdaman ko. This is the right thing to do.

Jacob's POV

Ewan ko ba pero itong mga nakaraang araw ay hindi na ako pinapansin ni Ken, ano kaya ang nangyari may nagawa ba akong masama sa kanya? Nasa hallway ako naglalakad at napansin ko na si Ken ay nasa library magkasama sila ni Melissa.

Melissa: Ano kaya magandang story para sa movie project natin?

Ken: I think we should do something scary. Something like Conjuring theme.

Melissa: Haha baliw kaba? Baka atakihin sa puso si Mr. Decastro sa sobrang pagkagulat nyan hahaha.

Ken: Hindi naman siguro. I think it's much better to do a horror theme para maiba naman the rest of the goups kase are lovestory and comedy na eh. Puro ka-cornyhan.

Melissa: Oo nga, may point ka dyan Ken.

Ken: Wait I'll just go to non fiction section baka may makita akong true to life horror/mystery story.

Napansin ko si Ken na umalis sa table nila ni Melissa, kaya naman ako sinundan ko siya para makausap.

J: Ken?..... Ui Ken?..... Alam ko naman naririnig mo ako eh. Huwag mo nang takpan ng libro yang mukha mo.

K: Oh hi there Jacob! Sorry ha pero busy ako maghanap ng story namin para sa movie project natin. Hindi ba kayo busy ng groupmates mo? Ay sabagay wala ka rin naman pala pakealam sa group projects hindi ka naman nagpaparticipate eh tulad ng ginawa mo dati sa Art Class natin.

J: Ken pwede ba huwag mo ibahin yung topic.

K: What topic are you talking about? We're not even talking about something yet. At kung meron man tayong pag-uusapan ngayon, pwede ba sa ibang araw nalang don't you see I'm busy here, I'm doing something. Please don't waste my time.

Pagkatapos niyang magsalita bigla na syang umalis at tumungo sa table kung saan nakaupo si Melissa. Napansin ko na niyaya na nito si Melissa na umalis ng library. Ito pa rin ako hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyari sa pagkakaibigan namin ni Ken. Gusto ko sana siya maging kaibigan pero siya naman agad niyang tinapos kung ano man ang nasimulan namin.

Now That I Have You (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon