Chapter 2: Ang Partner kong Epal

20 0 0
                                    

Jacob Perez: Medyo bad boy, nadala na ng pagiging problemado sa pamilya.

Melissa Castro: Isa sa mga kibabaliwan ng mga boys sa campus nila.

Ken POV:

Kinagabihan, kinamusta ko si Selena kung anong nangyare sa first day niya sa school.

Ken:"Sis how was your first day?"

Selena:"It's ok naman kuya. Meron na rin akong bagong mga nakilala, they're all nice and welcoming."

Ken:"Good to hear that."

As usual late nanaman darating sila mom and dad kaya hindi na namin sila hinintay for dinner, may pasok pa kasi kami kinabukasan at kailangan na namin magpahinga ni Selena. Kinabukasan pumasok na kami ni Selena sa school. Pagpasok ko ng room ko may guy na nakupo sa upuan ko. Hindi familiar yung face niya kaya hinala ko hindi siya pumasok kahapon.

Ken:"Excuse me, that's my seat."

Guy:"Ah ganon ba, pasensya na bro nauna na ako eh."

Ken:"Ok no problem."

Naasar ako dun sa lalaking yon, akala mo kung sino umasta absent naman kahapon. Tama nga ako hindi siya pumasok kahapon kasi napansin siya ni Mrs. Edora. Lumipat nalang ako sa pinakalikod at doon umupo. Lunch time na at pumunta ako sa cafeteria, maya-maya may girl na lumapit sa akin.

Girl:"Hi, you're Ken Alferos right?"

Ken:"Yes ako nga."

Girl:"Btw, I'm Melissa Castro can I sit with you, if you don't mind?"

Ken:"Yeah sure, nice meeting you Melissa."

Mel:"You can call me Mel for short."

Si Mel siya yung pinaka-unang kaibigan ko, mahiyain kasi ako eh. Hindi ko ugali yung nag-aaproach ng tao, mabuti nalang nilapitan niya ako. Mukha naman siyang mabait at maganda din ang kanyang personality. Nagkwentuhan kami hanggang sa matapos ang lunch break and then sabay na kami pumasok sa room namin. Ang first subject namin nung time na yon is art class...

Teacher:"Good afternoon class, I'm Mr. Buenavista ako ang inyong art teacher."

Students:"Good afternoon Sir!"

First lesson namin is about sa mga iba't ibang painters noon. Nagbigay siya ng group task for next week kung saan magrerecord kami ng video para sa biography timeline ng painter na gusto namin i-report para next week. Si Mr. Buenavista ang namili ng magiging ka-partner namin. Maya-maya narinig ko yung name ko.

Mr. Buen:"Ken Alferos and Jacob Perez, kayo ang magiging partner para sa group task for next week."

Nagbigay si sir ng go signal kung saan mag-uusap usap ang mag partner para makapag-decide kami kung sino ang irereport namin na painter for next week. Tumayo ako sa upuan ko at pinuntahan ko si Jacob, siya yung umupo sa upuan ko kanina.

Ken:"Hi, so tayo pala ang mag-partner."

Jacob:"Oo nga eh, no choice"

Sarap upakan ng kumag na to, kung hindi lang ako makapag-pigil eh.

Ken:"Oh ok I'm sorry about that. As a matter of fact If I would be given a chance to choose my own partner I will not hesitate not to choose you."

Jacob:"Huwag mo nga akong ma-english english dyan, hindi bagay sayo accent mo hindi ka kaya mukhang kano."

Mr. Buen:"Ken and Jacob may problema ba?"

Ken:"Ahh sir wala naman po."

Mr. Buen:"Ok sige, dapat pagbalik ko may painter na kayong napili, bababa lang ako sa principals office pinapatawag kasi ako ni Sister Gella."

Ken: Sige po sir.

Grabe na talaga tong kumag na to. Wala naman akong ginagawa sa kanya eh kung magsalita akala mo kung sino talaga.

Ken:"Wala naman akong pakealam kung ayaw mo ako maging partner pero please lang cooperate ka naman nakasalalay dito grades ko."

Jacob:"Edi mag report ka mag-isa."

Ken:"Ok kung yan ang gusto mo, pero pag natapos ko to huwag kang hihingi ng credit na ginawa natin tong dalawa bahala ka."

Hindi na siya umimik at pinabayaan niya nalang ako. Nakakainis talaga siya pero bahala siya sa buhay niya sasabihin ko nalang kay Sir Buen na hindi siya nakiki-cooperate. Ang napili kong painter ay si Lenardo da Vinci.

Jacob POV:

Maaga akong pumasok sa school, hindi ako nakapasok kahapon kasi yung mom and dad ko nag-away nanaman. Wala na silang ginawa kung hindi mag-away. Umalis yung dad ko at for sure pumunta yon sa babae niya kaya naman si mama ayun iyak ng iyak hindi ko naiwan at binantayan ko siya buong araw.

Habang nakaupo ako sa room at nag-aantay ng classes my lumapit sa akin.

Ken:"Excuse me, that's my seat."

Jacob:"Ah ganon ba, pasensya na bro nauna na ako eh."

Alam na niyang naka-upo na ako eh papaalisin pa niya ako eh bastos din eh.

Ken:"Ok no problem."

Dapat lang na pumunta siya sa ibang seat ah. Ako yung nauna eh. Nalaman ko nalang sa classmate namin na isa siya sa mga transferee, at galing daw sa states. Kaya pala maputi siya at my accent siya kung magsalita.

Sa art class siya ang naging partner ko para sa group task next week medyo nadismaya ako kasi sa dinami dami na pwedeng kapartner ko siya pa.

Ken:"Hi, so tayo pala ang mag-partner."

Jacob:"Oo nga eh, no choice"

Ken:"Oh ok I'm sorry about that. As a matter of fact If I would be given a chance to choose my own partner I will not hesitate not to choose you."

Jacob:"Huwag mo nga akong ma-english english dyan, hindi bagay sayo accent mo hindi ka kaya mukhang kano."

Akala mo kung sino, puro lang naman siya english. Napansin kong lumapit si Sir Buen sa amin.

Mr. Buen:"Ken and Jacob may problema ba?"

Ken:"Ahh sir wala naman po."

Mr. Buen:"Ok sige, dapat pagbalik ko may painter na kayong napili, bababa lang ako sa principals office pinapatawag kasi ako ni Sister Gella."

Ken: Sige po sir.

Pagkababa ni sir...

Ken:"Wala naman akong pakealam kung ayaw mo ako maging partner pero please lang cooperate ka naman nakasalalay dito grades ko."

Jacob:"Edi mag report ka mag-isa."

Ken:"Ok kung yan ang gusto mo, pero pag natapos ko to huwag kang hihingi ng credit na ginawa natin tong dalawa bahala ka."

Hindi nalang ako nagsalita, wala din naman sa akin kung mababa ang grades ko. Basta pumasa lang ok na buti sana kung my pakealam pa saken parents ko eh yung dad ko  nga nilayasan kami tapos yung mama ko parating tulala minsan naawa ako sa kanya pero wala akong magawa kasi anak lang ako ang tanging magagawa ko nalang for now is alagaan si mama.

Now That I Have You (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon