Chapter 6

5 1 0
                                    

*Happiness*

~Cassey's POV~

"Open your eyes Jacey." Sabi nya saktong pagtanggal ng piring sa mga mata ko.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. At laking gulat ko ng madami akong nakitang pagkain sa lamesa,  puro favorite ko pa. Bigla tuloy akong nagutom.

Nilibot ko ang paningin ko at dun ko nakita kung gano kaganda tong kusina ng rest house nila kevin.  Talagang pinaghandaan kung ano mang merong handaan dito!  Anong meron?. Pag tingin ko sa likod ni kevin biglang nanlaki yung mga mata ko.

Pano ba naman kase nandito ang magaling kong best friend at kasama pa si James. Tsaka meron pang iba pero mga hindi ko kilala.

Tinignan ko sya ng masama at nginitian lang ako ng bruha.  Arrrghhh!  She's my best friend pero pumanig sya pinsan nya?  Huhuhuhuhu she betray me!

Pupuntahan mo sana si Eira para kotongan pero nanigas ako ng biglang hawakan ni Kevin ang kamay ko.

"Where are you going? May sasabihin pa ko!" Sabi nya habang nakahawak sa mga kamay ko. Kinabahan ako bigla.

"A-a-an-no b-ba yun?" Shit Cassey umayos ka nga!

"Listen to me ok?" Putaaaa kinakabahan ako. Tinignan ko yung best friend ko pero nakangiti lang sya.  Parang kinikilig pa nga e.  Tsk!

Di na ko nagsalita at pinakinggan na lang sya. Nakita kong humugot sya ng malalim na hininga.  Kinakabahan to!

"Jacey Cassiopeia Alonte,  ikaw yung babaeng tahimik pero masaya namang kasama.  Ikaw yung babaeng lagi akong sinisigawan sa totoo lang ikaw lang ang babaeng nakagawa saken nun,  kaya naging interesado ako sayo.  Habang tumatagal lalo akong nahuhulog sayo.  Ewan ko ba, hindi naman ikaw yung tipo kong babae, hindi ka naman magan--".  Letche!

"Iinsultuhin mo lang ba ako?!" gigil kong tanong sakanya.

"Patapusin mo muna kase ako  bago ka mag react dyan.  Alam mo bang mahirap tong ginagawa ko?!" sabi nya.

"Uhhmm!  Dahil sa pagiging unique mo minahal na kita"

Biglang may tumili kaya napatigil din sya sa pagsasalita.  Tsk! Pero ano daw? Mahal nya nako?  Kelan pa?

"Jacey Cassiopeia Alonte,  can i court you?" Huwaaaaaat?!

Seryoso ba sya?
Kasi kung oo,  di ko alam kung anong isasagot ko.

Pero ano to? Bakit ganito ang nararamdaman ko?  Bigla nanamang bumilis yung tibok ng puso ko.  Ganitong ganito yung naramdamam ko nung debut ni eira.

Anong gagawin ko? Tinignan ko yung best friend ko.  Tumango sya at nginitian ako.  Approval ba ibig sabihin non? Waaaaah! Anong gagawin ko?,!

Oo,  may gusto na ako sakanya pero hindi ba masyadong mabilis? What should i do now?!

Tinignan ko ulet yung best friend ko. Sobrang saya nyahalata sa mga mata nya. Tinanguan at nginitian nya ako.

"Oo kevin" sabi ko ng nakangiti.

Di naman ako nagmamadali pero gusto ko sya e.  Anong magagawa ko?

--

~Eira's POV~

Waaaaaaah! Kinikilig ako sa pinsan at best friend ko. Grabeeee! May sweet bones pala si kevin e. Oo,  masungit yan.  Pero mabait naman hahahahaha! Ang gulo,  basta mabait  yan sa mabait ;)

Better Off Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon