~Cassey's POV~October 12.
This is it! Totoo na talaga to. Wala ng atrasan! Woooah!
Ilang oras na lang magsisimula na yung program. Putaaaa! Para akong bibitayin sa nararamdaman kong kaba.
Habang inaayusan ako ng mga hinired ni mama na make up artist di ko maiwasang hindi mag'isip.
Anong mangyayari mamaya?
Itutuloy ko ba?
Pano kung di nila matanggap? Bahala na.
May nagnnail polish saken, nag'aayos ng buhok at nag memake up.
Nang natapos nila ako ayusan. Sinuot ko na yung dress na susuotin ko para sa programme.
Tinignan ko yung sarili ko sa full length mirror. Ang simple lang ng ayos ko, naka beige long dress lang ako, simpleng make up and nakalugay lang ako. All in all simple lang talaga. Maganda naman ako kahit hindi mag'ayos e.
*knock knock*
"Come in!" sigaw ko.
"Wooow! You're so gorgeous baby! Mana ka talaga saken" si mama pala.
Kiniss ko sya sa cheek and hinug ko.
"Thanks ma! Sorry!" naluluha nako.
"Bakit ka umiiyak? Debut lang to baby hindi pa kasal. Hahaha ikaw talaga" guguluhin nya sana yung buhok ko. Kaso di nya na ginulo kase narealized nya na nakaayos ako hahaha.
"Ayy kala ko kase kasal hahaha!" pagiiba ko. Tsk!
"Tara na? Magsstart na e" lumabas na kame ni mama ng kwarto.
Narinig ko ng nagsalita yung MC.
"Let us welcome! Our debutant! JACEY CASSIOPEIA ALONTE!!"
Biglang dumilim sa baba at may spot light na tumutok saken. Tsk! Muntik pa kong masilaw.
Ng nasakalagitnaan na ko bigla sumulpot sila kuya. Ang popogi nila sa suot nila white tuxedo. Kambal talaga.
Inalalayan nila ko pababa ng hagdan. Hinanap ng mata ko sila kevin. San kaya sila nakapwesto? May mini stage sa harap at may parang royale chair duon. Ang bilis nilang mag set up ah. Ambelibabol ^__^
"You're beautiful tonight Princess. Dalaga ka na talaga". Kunwaring maiiyak na sabi ni kuya JD.
At tuluyan na kong naupo sa upuan na nakalaan para saken. Kitang kita ko lahat ng bisita. Ang dami pala talaga. Nandito lahat ng kamag anak namen, business partners nila papa tska mga family friend.
Si kuya JD ang nagsilbing photographer ng debut ko. Gusto nya daw kase yun pero naghired pa din si mama ng professional photographer. Si kuya JD kase puro ako lang ang kinukuhanan. Kulit e.
"And our 18 roses!" tinawag na yung pangalan ni papa, sya kase yung first dance ko.
Dance with my father yung song. Ako pumili nyan. Habang nagsasayaw kame ni papa bigla syang may sinabi.
"Princess sorry sa pagiging rude ni papa ha! Ayaw ko lang naman kaseng masaktan ang unica hija ko. Pagpasensyahan mo na si papa ha? Alam kong may tampo ka saken, kaya sorry ha?" naluha ako sa sinabi ni papa. Panahon na para sabihin mo sakanya. Kaya ko to! Ajaaa!
BINABASA MO ANG
Better Off Without You
Teen Fiction"Hindi lahat ng pinapangarap mong Love Story. Happy ending ang kalalabasan." Minsan na din akong nangarap na mahalin ng taong gusto ko. Nagmahalan kame. Minahal namen ng totoo ang isa't isa. Pero bakit pakiramdam ko kulang. Bakit nya nagawa yun...