~Cassey's POV~
Haaay! Ang bilis ng panahon.
2nd semester na agad at sa awa ng dyos nakapasa naman ako hehehe.Tapos na lahat ng Occasions like Christmas and new year.
5months na din kame ni kevin at pinaparamdam nya sakeng mahal nya nga talaga ako. Nawala na nga sa isip ko yung issue nung nasa subic kame e.
Nag transfer din si Chelsea ngayong semester pero engineering yung kinuha nya. Classmate sila ni kevin. At yun ang pinagtataka namen ni Eira. Fashion designer kase ang pangarap nyang course noon pa man pero bakit nag engineering sya?! Baka nagbago lang ang pananaw nya. Sabi ng nila people change in every situation.
Kaya nga ang laki ng tampo namen sakanya e. Buong akala kase namen mag iIT din sya gaya ng napag usapan. Pero wala e. Yaan na nga hahaha.
"Cassey! Super stress tayo nitong sem. Grabeee! May capstone 1 and 2 pa in just 1sem! Waaaah! Patayan to." madrama nyang sabi.
"Oo nga e. Buti na lang hindi na individually like last semester. Nakakatuyo ng utak pag individual e". Oo, groupings kame. At ka group ko si Eira at Jerome. Classmate nameng computer freak din, kaya hindi na kame lugi.
Tsaka ngayong sem bihira na lang kameng magkita ni kevin since parehas kameng busy pero nagkakatext pa din naman kame kahit papano.
"Bes! Musta na kayo ni james?" tanong ko. Nasa cafeteria kame hinihintay yung mga lalaki.
Nakatulala lang sya sa entrance ng cafeteria kaya napalingon din ako dun. Saktong paglingon ko nakita ko si Chelsea na kasama si Mia Fuentes! Bakit sila magkasama? E nasabi namen noon kay Chelsea na si mia yung nan agaw sa ex ni Eira na si Kurt Valdez! Bakit sila magkasama?
"She's a b*tch now huh?" napalingon ako kay Eira nung sabihin nya yun. Kita sa mata nya ang galit at pagtataka. Kahit naman ako nagtataka e.
"What is she doing?" natanong ko na lang. Alam kong alam din ni Eira na nakita kame ni Chelsea na nakaupo dito sa pwesto namen pero bakit di man lang ngumiti?
"Hah! Kaya naman pala todo ilag sya kase may iba na syang mga kaibigan. Yeah! Now i know" kinakausap nya ba yung sarili nya -_- srsly! Ngayon ko lang nakita si Eira na sobrang seryoso at parang galit.
"Lets go bes! Dyan na lang tayo kumain sa tapat ng school." yaya nya at biglang tayo.
Naguguluhan ako! Bakit naging ganon si Chelsea? Hindi na ba kame sapat para sakanya? Sana man lang sinabi nya para hindi kame naguguluhan.
"That b*tch! What is she thinking? Bakit sumama sya sa Mia the Bitch na yon? Nakakainis!" Sigaw nya. Galit nga sya.
"Yaan na natin sya Eira. Kung dun sya masaya bahala sya!" nagkakad na ko papuntang coffee shop.
Bakit parang ang dali sakanya na iisang tabi yung pagkakaibigan namen? For pete's sake 10 years yun! Tapos babalewalain nya na lang ng ganun? Ano bang problema nya?
Ng makarating kame naupo agad kame. Hindi pa kame umuorder kase sabi ni kevin hintayin na namen sila tutal malapit naman na daw sila.
Biglang may umupo sa tabi ko pag lingon ko si kevin pala. Tsk!
"Lalim ng iniisip naten babe ah. Baka malunod ako hahaha" tsk! Wala ako sa mood ngayon kaya nginitian ko lang sya at kinurot yung pisngi nya.
"Ano ba kase yun?" at ayun kinwento ko sakanya lahat. Kahit sya nagulat sa sinabi ko. Kase alam nyang sabay kameng tatlo lumaki.
O diba? Kahit sino naman kase talaga magugulat sa ginawa ni Chelsea e.
BINABASA MO ANG
Better Off Without You
Teen Fiction"Hindi lahat ng pinapangarap mong Love Story. Happy ending ang kalalabasan." Minsan na din akong nangarap na mahalin ng taong gusto ko. Nagmahalan kame. Minahal namen ng totoo ang isa't isa. Pero bakit pakiramdam ko kulang. Bakit nya nagawa yun...