Chapter 17

6 1 0
                                    

*Birthday Surprise*

~Someone's POV~

Sige Cassiopeia magpakasaya ka lang sa feeling ni kevin ngayon.  Sulitin mo na.

Dahil babawiin ko kung ano ang saken. Lahat na lang inagaw mo e.

Ipaparamdam ko sayo ang pakiramdam ng naagawan hahahahaha!

-

~Cassey's POV~

February 4.

It's  his 19th birthday

Pumunta kong department store para bumili ng mga ingredients na gagamitin ko sa pagluluto mamaya at iba pang kailangan.

Ngayon alam ko na kung anong feeling pag gumagawa sya surprised para saken <3 Nakakakaba, kase hindi mo alam kung magugustuhan nya ba yung surprise mo para sakanya and at the same time masaya kase ginagawa mo to para sa taong mahal mo.

Nag start na kong magluto. Nagpatulong na din ako kay manang na maghiwa.

Bakit ako magluluto kung pwede namang mag'order? Mas gusto ko kaseng pinaghirapan ko lahat,  gusto ko maappreciate nya yung ginagawa ko. Mas masaya kase kung ikaw mismo ang naghirap.

Spaghetti, fried chicken and lumpia. Yeah typical birthday food but i bake chocolate cake and ginger bread. Ayon sa information na nakuha ko,  yun daw ang favorite nya.  Kung di nyo kase natatanong! Marunong talaga akong mag bake,  tinuruan ako ni mama simula bata pa lang ako.

Dun ko dadalhin sa condo nya tong mga niluluto ko.  Dahil alam ko naman yung password ng unit nya,  mga ttrespass na lang ako hahahaha.

Pagtapos kong magluto, nagpahatid na ko kay manong robert sa unit ni kevin. Sana magustuhan nya to ^_^

Pagdating namen sa building, tinulungan ako ni manong robert na magbuhat ng mga dala ko.  Masyado kaseng madami kaya hindi ko kaya ng mag'isa lang.

Sumakay kame ng elevator at pinindot ang 15th floor. Sanay naman na kong sumakay sa ganito kaya hindi na ko nahihilo.

Binuksan ko na yung unit nya. Combination lang naman ng birthday namen yung password nya e kaya basic lang.

Pag bukas pa lang ng pinto naamoy ko na agad yung pabango nya. At bumungad saken ang malinis nyang bahay. Maarte kase yun, gusto nya lahat naka organised at walang alikabok. Tsk! Daig pa ko e.

Inayos ko na yung table since malapit na silang dumating. Ang alam ni kevin wala ako dahil marami akong ginagawa.

Tinawagan ko na din si Eira para sa pag aayos ng mga designs.

"Bes! Ang sweet nyo kamo. Todo effort kayo sa isa't isa. Halatang in love kayo e!" sabi nya na parang kinikilig pa..

"Wala bes e. Ganito talaga siguro pag mahal mo ang isang tao,  kahit nakakapagod gagawin mo mapasaya lang sya ^__^" sabi ko ng nakangiti.

After an hour. Narinig ko na lang na may nagbubukas ng pinto. Pag nag access ka kase ng password maririnig mo yung tunog. Ganerrn!

Nagtatawanan sila ng pumasok. Di pa nila napapansin tong kusina. Dito kase kame nag design ni Eira.

May Narinig akong pamilyar na tawa. Napatingin ako sa best friend ko. Parang kilala nya na din kung sino yun dahil halata sa muka nya ang gulat.

"Ininvite mo ba sya?" tanong ko kay eira.

"Naku! Hindi no. Matapos nung ginawa nya! Hindi ko na nga sya kinakausap e." err! Bakit sya nandito?

"Diba mag classmates sila? Baka si kevin nag invite?" hmmm! Hindi naman alam ni kevin na may handa sya e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Better Off Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon