Chapter 12

5 1 0
                                    


~Cassey's POV~

Isang buwan ng nakakalipas ng maging kami ni Kevin! Pero sa isang bwan na yun, lagi akong nakakatanggap ng sermon kay papa. Bakit ganun? Hindi ba nila napag daanan tong ganto? Siguro naman nain love din sila ng maaga.

Simula kase nung nalaman nilang nanliligaw saken si Kevin. Lagi na lang galit si papa. Paano na lang pag nalaman nyang kame na? Ano na lang magiging reaction nya?

Kahit sa hapagkainan may sermon akong natatanggap kay papa.

Hindi ko namang magawang magalit kase may point din sila. Pero di ko pa din matanggap na laging galit saken si papa. Cassiopeia na nga lang tawag nya saken e, hindi na princess. Nakakalungkot lang.

Pag naiisip ko yung sinabi nya. Di ko maiwasang hindi malungkot. Imbis kase suportahan nya ko, lagi nya pang sinasabi na.

hindi kayo magtatagal. hindi pagmamahal yan kundi infatuation lang mawawala din yan once na makahanap sya ng mas hihigigit sayo.

Sa totoo lang napapaisip ako sa sinasabi ni papa? Pano ng kung infatuation nga lang to?

Pero hindi e. Pag magkayakap kame feeling ko safe ako, feeling ko di nya ko magagawang saktan. Mahal ko sya! At yun ang gagamitin kong dahilan para ipagpatuloy to at ipaglaban sya kay papa.

Dahil debut ko na next month, October 12. Dun ko sya ipapakilala kila mama at papa tsaka kila kuya. Bahala na kung anong magiging reaksyon nila. Ayaw ko naman kaseng maging unfair kay Kevin. Sa family nya kase legal na kame pero sa family ko hindi ko man lang sya magawang ipakilala. Nahihiya tuloy ako sakanya pero sabi nya naiintindihan naman daw nya.

Kaya i decided to introduce him as my boyfriend at my debut. Bahala na, pero eto yung gusto kong gawin. Di ko sinabi kay Kevin dahil alam kong pipigilan nya ko.

Habang papalapit yung debut ko, palala ng palala yung kaba ko.

Mayaman naman sila Kevin. Pero bakit ayaw sakanya ni papa. Purkit ba bata pa ko? E alam ko naman tong pinasok ko e.

Bumaba na ko para mag almusal. Nakakagutom palang mag'isip.

"Good morning ma, pa, kuyas hehehe!" masayang bati ko.

"Magandang umaga din aming prinsesa. Hala sige na't maupo at kumain" o_o si kuya tyler ba talaga yun?

"Kelan ka pa sinaniban ni balagtas kuya?" natatawa kong tanong.

"Bakit ba? Hahaha" Nagtawanan na kameng lahat. Sana ganto pa rin sila kasaya pag nalaman nila yung tungkol samen ni kevin.

Hanggang matapos kame di pa rin nawawala yung sapi ni balagtas kay kuya Tyler. Hahahaha ang cute nya nga e. Trying hard magtagalog hahaha.

"Nakakapagpabagabag repeat it 5 times" natatawa kong sabi. Tongue Twister kame ngayon hahaha panindigan nya yang pagkabalagtas nya ngayon hahaha.

"Na-ka-ka-pag-pa-ga-ba-gab" dahan dahan nyang sabi.

"Faster kuya! Ang daya e"

"Nakakapagpabagabag, nakakapagbababag, nakakapagpakabagab, nakakapagpakabagabag, nakakagagokanacassey! Hahahaha ok! I quit! I super hate that tagalog tounge twister hahaha!" pagsuko ni kuya.

"i knew it kuya, you won't make it hahahahaha!" *smirk*

"tss!" sabay akyat.

"Where are you going loser hahahaha?" sigaw ko habang tumatawa.

Better Off Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon