HCIF: Chapter 1 - Welcome Party ♥

694 14 5
                                    

Chapter 1

Axel’s POV

“Let us all welcome! .....  

the official photographer of our cool club....

Ms. Ann Jeline Qui!” anunsyo nila Chiq at Chaq. Nasa restaurant kami ni Dam at Ash para sa welcome party ng mga officials ng club. Pero mukang wala si Ann Jeline or Aj for short sa naturang welcome party.

Tinawag pa ulit nila Chiq ang pangalin nito pero ni anino ni Aj ay walang lumitaw.

“I guess....” sabi ni Chaq, “hindi na magpapakita pa si Aj...

Kaya lets party party!” sigaw nito.

Pero hinahanap hanap pa rin ng mga mata ko si Aj.

Nasan ka na ba, Aj?

“Mukang tinamaan talaga si totoy. Haha” sabi ni Dam habang papalapit sakin. Kasama nito sila Graf, Dyowi at Ash.

“Asa!” sabi ko naman rito.

Inakbayan naman ako ni Graf, “Kunwari ka pa eh kanina mo pa nga yata sya hinahanap eh” sabi nito.

Inalis ko ang braso nito sakin. “Hindi no... naghahanap lang ako ng pagkain” palusot ko.

Tumawa naman si Dyowi, “Lokohin mo lelang mo! Naghahanap daw ng pagkain...

Eh mula ng unang beses mong makita si Aj sa kasal namin, nakalimutan mo ng ang mga pagkain mo sa tray..” sabi nito.

Oo.. naalala ko pa nun... natapunan ko pa nga ito ng sarsa dahil hindi ko napansin na nasa harapan ko na ito.

Lumapit naman samin ang kambal na sina Chiq at Chaq, “Anong pinaguusapan nyo dyan? Haha” tanong ni Chaq samin.

Umupo muna sila Graf, “Eh di si Aj as usual” sagot nito.

Tumingin naman sakin ang kambal, “Si Aj na naman?..” sabi ni Chaq.

Nabwiset ako, “Ehdi si Aj kung si Aj talaga” sagot ko.

Nagtawanan naman silang lahat. Mga baliw talaga tong mga to kahit kelan!

Umorder na kami ng pagkain ng maalala ko na naman si Aj..

Nak ng... ano ba nakita ko kay Aj at parang masyado naman yata akong atrracted sakanya..

“Hoy! Order mo daw!” sigaw sakin ni Chiq. Halos nabingi yata ako dahil sa tapat pa talaga ng tenga ko ito sumigaw.

Tumingin ako sa waiter, “My usual order” maiksi kong sagot.

Mukhang naguluhan naman ang waiter “Isang AJ-spaghetti, dalawang bubblegum cupcake with AJ-licious at isang AJ-less iced tea” singit ni Chaq.

Nagtawanan naman silang lahat at pati ako nadamay na rin sa tawa ng mga to.

Huling huli talaga ng mga to ang kiliti ko!

Tumingin ulit ako sa waiter, “Isang spaghetti, dalawang bubblegum cupcake at isang bottomless iced tea” sabay ngiti sa waiter.

Bumaling na ko ng tingin sa mga bwiset kong kaibigan, “Alam nyo kanina pa kayo ha. Hahaha. Tigilan nyo na ko.” sabi ko. pero natatawa pa rin talaga ko sa sinabi ni Chaq.

“Eh bakit namumula ka? Haha” tukso sakin ni Dyowi, pinsan ko..

“Huwag nga ako intindihin nyo. Hahaha. Mga bwiset kayo!” sabi ko.

Ayoko lang talaga na ako ang puro topic. Mahirap na baka kung ano pa masabi ko..

Nagtatawanan na lang kami nila Dam ng biglang may pumasok na babae..

How Can I Fall? ♥  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon