HCIF: Chapter 12 - He's in comatose ♥

243 5 0
                                    

Chapter 12

Axel’s POV

Nandito na kami sa lumang compound na sinasabi ni Vance. Yun nga lang, hindi pa kami nakakalapit sa mismong hide-out ng mga ito.

“Axel, gaya ng naunang plano... bago ka magpakita kay Vance ay kami muna ni Chiq ang papasok sa loob para makuha sila Vianne at Aj...” paliwanag ni Chaq.

Tumango naman ako.

“Komprontahin mo muna si Vance at bibigyan kita ng signal kapag nakuha na namin yung dalawa” dagdag nito.

“Paano kapag may narinig kaming putok?” tanong ni Graf.

“Will stick to the plan B....” sabi ni Chiq.

Nagkatinginan naman kami nila Dam.

“You mean.... gera na?” medyo pabirong tanong ni Dam.

Tumango si Chaq. “Pero kelangan nyo munang tumawag sa mga pulis at ipaliwanag sakanila ang plano natin”

Tumango-tango sila Dam at Graf.

“Bibigyan ko kayo nito...” sabay abot nito ng mga mini-cp na may mini-earphone. Ito na mismo ang nagkabit nun samin.

“Para marinig ng bawat isa lahat ng pag-uusapan” sabi nito.

“My gooodneeeeessss! Wag na wag nyong bibigyan mga asawa namin. Baka malaman nilang nambababae kami. Haha” pagbibiro ni Graf.

“Gago!” sabi ni Chaq.

Kung kelan nasa mapahamak kaming sitwasyon tsaka nagbiro ang loko.

“Lets moooove!” sabi ni Chaq.

Gaya ng nasabi nito. Si Chaq at si Chiq ang naunang lumapit sa hide-out. Pero hindi sa makikita ni Vance. Nagpunta ang mga ito sa likod ay ayuuuun... hindi na namin sila natanaw pa.

Pero dahil sa binigay nito... naririnig ko ang pag-uusap ng mga ito.

--------

Aj’s POV

“Tapos na ba yan?” bulong na tanong sakin ni Vianne.

“Hindi pa” sagot ko. Pilit kong hinihiwa ang tali pero masyadong makapal ang tali kaya hindi ganun kadali mahati.

Tagatak na ang pawis ko sa kakahiwa sa tali. Bigla namang may sumutsot sa may bandang dulo na natatakpan ng malalaking karton at bakal.

Hindi ko iyon pinansin kaya nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa ko.

Naramdaman kong ang mahigpit na pagkakahawak sakin ni Vianne. Senyales na nakatingin samin ang mga tauhan ni Vance.

Bumuntong hininga ako.

Kelangan namin makalabas!

“okay na” bulong ni Vianne.

Tinuloy ko ulit ang paghiwa sa tali ng may sumutsot na naman...

And this time....  nagpakita ka na kung sino ang sumusutsot.

“K-kuya Chaq?” bulong ko. Narinig naman iyon ni Vianne.

“Sino kamo?” bulong na tanong nito sakin.

“Nandito sila Kuya Chaq” sagot ko.

“Thank you Lord!” sabi nito.

Bigla naman lumapit samin sila kuya Chaq.

“Axel.... move” sabi ni kuya Chaq sa kung sino man ang kunwaring kausap nito.

How Can I Fall? ♥  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon