HCIF: Chapter 11 - Action ♥

248 4 0
                                    

Chapter 11

Chiq’s POV      

First time to! Magkakaroon ako ng POV sa love story ng madrama kong kapatid.

Anyway, nandito kami sa studio ni Aj. Hindi ko alam kung bakit kami nandito pero ang may tanging alam lang ay si Chaq.

Epal talaga tong kakambal kong to.

“Aj, will you please stop working for a while?” utos ni Chaq.

Eh pano ba naman kasi. Wala ng ginawa itong si Ann Jelin kundi ang magtrabaho sa umaga hanggang gabi. Hindi ko nga alam kung natutulog pa ba ito.

Inakbayan ko naman si Aj, “Oo nga naman Sis. Pinapainit mo dugo ni Chaq oh. Nadadagdagan tuloy kapangitan nya. Haha” biro ko sa mga ito.

Hindi man lang natawa si Aj pero atleast ngumiti. Yung ngiting napipilitan lang. hindi yung dating ngiti na kusang loob nya.

“Taraaaaaaaa na kasi Aj.. magagalit sila mommy at daddy kapag nalaman nyang nagkakaganyan ka” paamong sabi ni Chaq.

Sumang-ayon naman ako, “Oo nga naman. Hahaha. At kapag nalaman nila mommy at daddy na dahil yun sa isang lalaki na nagngangalang...

Bigla itong tumayo, “Huwag na huwag mong mababanggit ang pangalan nya dito sa studio ko” galit na sabi nito.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko na senyales ng pagsuko.

“ok ok.. chill lang naman kasi, sis. Nag-aalala lang kami ni Chaq sayo” sabi ko rito.

Pero hindi kami nito pinansin.

Bumuntong-hininga si Chaq, “I guess..... hayaan na lang natin syang ganyan..” sang ayon naman ako sa sinabi nito.

“Sabagay.... mula umpisa palang naman eh... ganyan na yan.. tara na nga” yaya ko rito.

Dismayang dismaya si Chaq. Affected din kasi ito sa nangyari kela Aj at Axel.

At ako? Wala lang. hinahayaan ko lang kung ano gusto nila mangyari. Alam ko naman na sa bandang huli ay sila pa rin ang magkakatuluyan.

Nagpunta kami ni Chaq sa restaurant ng madatnan namin si Axel pero hindi nito kasama si Vianne.

“Pare” bati ko rito. “kamusta buhay may asawa? Haha” tanong ko.

Hindi naman sa inaasar ko sya pero parang ganun na nga. Hahaha.

“Si Aj nasaan?” tanong nito samin ni Chaq.

“Nasa studio.... pinapatay ang sarili sa pagtatrabaho” seryosong sagot ni Chaq.

Bigla naman sumingit sila Dam at Graf.

“Himala..... wala ang mga asawa ninyo? Hahaha” sabi ko.

“Busy si Dyowi kay Gabby” sagot ni Graf.

Napailing naman si Dam, “at si Ash naman.. ayun, nasa palengke kasama si Gicelle na bumili ng sandamukal na mangga”

“At si Vianne naman? Haha” sabay tingin naming lahat kay Axel.

“Nasa field. Doon nya ginagawa mga trabaho nya” sagot nito.

“Magsi-upo muna tayo mga kapatid! Hahaha” sabi ko.

Ramdam ko ang tense sa mga ito. Lalo na kay Axel, dahil na rin kay AJ.

“May balita ka na ba kay Vance?” seryosong tanong ni Chaq.

Umiling ito. “Ni isang bakas galing sakanya, wala. Hindi ko alam kung mabagal lang talaga ang mga pulis o magaling lang talaga sya magtago” sabi nito.

How Can I Fall? ♥  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon