HCIF: Chapter 14 - I did my best ♥

251 4 3
                                    

Chapter 14

AJ’s POV      

Dalawang linggo na ang lumipas ng makalabas sa hospital si Axel. Masakit man isipin na wala pa rin itong maalala ni isa man lang sa mga myembro sa club at lalong lalo na sa akin.

Dalawang linggo na rin akong nagmumukmok sa bahay. Hindi alam ang gagawin. Parang gumuho ang mundo ko ng malaman kong may selective amnesia ito.

“Ann Jeline...” tawag sakin ni kuya Chaq.

“B-bakit?” malamig kong tanong sakanya.

“Kain na tayo” yaya nito sakin.

“Hindi pa ko gutom” tanggi ko.

Bumuntong hininga ito at tumabi sakin. “Do you miss him?” tanong nito.

Si Axel lang naman ang tinutukoy nito.

Hindi ako sumagot.

“Silence means YES” sabi nito.

Tumingin ako rito. “A-ang hirap pala, kuya” malungkot kong sabi.

“Hindi nya man lang tayo maalala..... ni hindi nya nga alam pangalan natin” dagdag ko pa.

Niyakap naman ako nito. “Magiging okay rin ang lahat” sabay suklay nito ng sarili nitong kamay sa buhok ko.

Ngumiti lang ako ng tipid.

Sana nga.... sana nga...

“Hooooy! Ano ba naman kayo?! Gutom na gutom na ko!” sigaw ni kuya Chiq.

“Tara na.... baka kainin pa tayo ng damuhong yun. Haha” biro nito sakin.

Napailing na lang ako...

-----------

Vianne’s POV

“Axel... itong adobo gusto mo? Afritada? Kare-kare?” tanong ko.

Tango naman ito ng tango. Gusto kong matawa dahil sa nangyayari rito. Dalawang linggo rin bago ito makalabas sa hospital at eto sya ngayon.... parang sampung taon hindi kumain.

“Grabe Vianne.....ang sarap mo palang magluto!” puri nito sakin.

Natawa naman ako, “Wag mo ko bolahin ha.. haha” sabi ko naman.

“Tara dito! Kumain ka na rin. Haha” yaya nito sakin.

Hindi na ko tumanggi. Umupo ako sa tapat nito at sinumulan ng kumain..

Bigla naman nito inabot ang hawak nitong kutsara na may lamang kanin at ulam.

“A-anong gagawin ko dyan?” tanong ko.

Natawa naman ito, “Malamang kakainin... sinusubuan ka na nga ng gwapo mong asawa mo... ayaw mo pa? haha” sabi nito.

Asawa...? natigilan naman ako.

“M-may masama ba kong nasabi?” bigla nitong tanong.

“H-ha? W-wala...” sabay ngiti ko rito at tinanggap ang kasweetan nito.

Kain lang kami ng kain ng bigla itong may kinuwento..

“Ang gara nga pala ng panaginip ko kanina.... may pinagbigyan ako ng  favorite jacket ko tapos ang labo pa ng mukha nung pinagbigyan ko.... ang weird lang” sabi nito.

Nagtaka naman ako sa sinabi nito.

“Baka naman guni-guni mo lang yun?” sabi ko.

“Siguro nga..” sagot nito.

How Can I Fall? ♥  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon